Episode 33

1062 Words
Pagkatapos maglunch nina Lola Consuelo at Sarah ay nagpunta naman sila sa opisina ni Aldrin "Hi Bebear" ani ni Sarah pagkasilip niya sa may pintuan "Uy Bebear ko" nakangiting ani ni Aldrin "Bebear kasama ko si Lola" "Aldrin" ani naman ng matanda, tumayo naman si Aldrin para salubungin ang mga bisita niya, nagmano siya sa Lola niya saka humalik sa pisngi nito, hinalikan naman niya sa labi ang asawa "Nagpasama ako kay Sarah sa Doktor kanina" "Kamusta na po ang binti niyo?" "Okay okay na rin" ani ng matanda at saka umupo sa sofa, naupo rin sina Aldrin at Sarah "Bebear, nasabi ko na kay Lola yung tungkol kay Patricia" ani ni Sarah "Ano bang nangyari?" ani ng matanda, kinwento ni Aldrin ang nangyari mula nang nagpunta si Patricia sa kanya para humingi ng tulong "Bakit kaya?" naiiyak na ani ng matanda "Gusto mo La, puntahan natin siya ngayon" "Mabuti pa nga nang makausap ng personal" "Bebear ano?" ani ni Aldrin sa asawa "Sumama ka na" tumango naman si Sarah "Tapusin ko lang po yung ginagawa ko tapos puntahan na natin" "Sige apo" Maya maya ay tapos na si Aldrin, dun na sila sa kotse ni Aldrin sumakay at pinasunod na lamang ang driver ni Lola Consuelo sa kanila, hindi nila sinabi kay Patricia na darating sila. Maya maya ay dumating na sila sa hotel, kumatok si Aldrin, ilang saglit lang ay binuksan ito ni Patricia, sa sobrang tuwa ay niyakap niya si Aldrin "Aldrin, thank you dumating ka" at humalik pa siya sa pisngi nito, nailing naman si Sarah at dun lang din napansin ni Patricia na may mga kasama ito "Ahh, may kasama ka pala" "Oo Patricia andito kami" ani ni Lola Consuelo "Pwede ba kaming pumasok?" ani ni Aldrin "S-Sige tuloy kayo" ani ni Patricia at pumasok na nga ang tatlo "Patricia" ani ng matanda "Anong nangyari?" napatingin si Patricia dito at biglang tumulo ang luha "Ma" "Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" "Baka kasi madamay po kayo" "Tingin mo sasaktan ako ng anak ko?" "Iba po kasi si Redford pag nalalasing siya, wala po siyang sinisino" "Ano ba ang nangyari? Bakit ka niya sinaktan?" "Lasing po siya na umuwi sa mansion tapos sinabihan ko siya na magpahinga na, kung gusto niya ng kape, tapos bigla niya akong sinakal, hiniga niya ako sa kama tapos sinaktan niya ako, iyak ako ng iyak pero ayaw niya akong pakinggan, takot na takot ako Ma, gusto ko humingi ng tulong pero natatakot ako na baka manakit pa siya ng iba" iyak na ani ni Patricia "Kakausapin ko si Redford, hindi pwedeng sinasaktan ka niya ng ganito, oo hindi nga tayo malapit, pero hindi ko kukunsintihin ang anak ko sa pananakit niya sayo" "Ma, ayoko po munang makita si Redford, gusto ko maisip niya sa sarili niya kung kailangan niya pa ako bilang asawa niya at hindi parang punching bag lang" "Naiintindihan kita" ani ng matanda saka tumingin kay Aldrin "Aldrin, maghanap ka ng ibang matutuluyan ni Patricia" Nagkatinginan naman sina Aldrin at Sarah "S-sige po La" ani ni Aldrin "Ihahanap ko siya ng condo" "Pwede kina Aldrin na lang ako?" "No!" biglang ani ni Sarah, napatingin ang lahat sa kanya "I mean, baka lalong magalit si Tito kung nasa amin ka, alam naman natin na hindi sila in good terms ng asawa ko" "O baka ikaw ang may ayaw" ani ni Patricia "Enough Patricia" ani ng matanda "Tama rin naman si Sarah, hindi ka pwede sa kanila, at wag na nating isa isahin ang dahilan, hahanapan ka ni Aldrin ng ibang condo na pwede mong tuluyan pansamantala at ako na ang bahala dun, at pag magaling ka na pwede ka nang bumalik sa trabaho kung gusto mo, pero wag kang mag-aalala nakahanda naman akong tulungan ka" "S-sige po Ma, salamat po" "Paano? Aalis na kami, susubukan kong kausapin si Redford at titingnan ko kung anong magagawa ko" "Sige po Ma" sagot ni Patricia, tumayo na sila, bumeso pa si Patricia sa matanda, pagdating sa parking, sa sariling kotse na sumakay si Lola Consuelo at magkasama ang mag-asawa sa kotse ni Aldrin "Saan mo siya hahanapan ng condo?" "Ichecheck ko kung meron sa building natin ng for rent, okay lang ba?" "Basta hindi siya sa condo natin tutuloy okay sa akin" "Oo naman Bebear, naunahan mo lang ako kanina, hindi rin ako papayag na dun siya sa atin, ano siya? Baka magkagulo na talaga kami ng asawa niya" "At saka di bale sana kung nice siya sa akin, at saka.." "At saka ano?" "Basta" sabay tingin sa labas ng bintana "Ang asawa ko, nagseselos ka ba?" nakangiting ani ni Aldrin "Okay lang ba?" sabay tingin kay Aldrin "No, hindi pwede, dahil ayokong nakakaramdam ka ng ganyan" "Anong magagawa ko?" "Akala ko ba may tiwala ka sa akin?" "Oo naman" Inihinto ni Aldrin ang kotse, humarap sa asawa, hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi "Manood tayo ng movie?" Ngumiti si Sarah "Idedate mo ako?" "Oo, gusto kong idate ang misis ko" "Sige" "Tapos kakain tayo sa labas, gusto mo ng steak?" nakangiti namang tumango si Sarah "Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan Bebear" ani pa ni Aldrin "Ako rin, mahal na mahal kita" sabay halik sa labi ng asawa "Wag na kaya tayo magdate, uwi na lang tayo at magkulong sa kwarto" "Daya" Natawa naman si Aldrin "Sige na nga, lika na" sabay halik sa noo ng asawa at muling pinaandar ang sasakyan Sa mansion naman, sabay na naghahapunan sina Lola Consuelo at Redford "Redford" ani ng matanda "Si Patricia?" "Ahm Ma, umalis po siya" "Bakit?" "Nag-away po kami" "Matinding away naman ata yan" "Medyo po Ma" "Anong plano mo?" "Palilipasin ko po muna ang samaan namin ng loob" "I hope maayos niyo to" "Really Ma?" "Yes of course, gusto ko pa rin na magkaayos kayong mag-asawa" "Ayaw niyo nga sa kanya diba?" "Hindi sa ayaw ko sa kanya, someday siguro magkakapalagayang loob rin kami" "Okay Ma" "Anak, kung anong problema sabihin mo sa akin" "Wow Ma, concern ka ata sa akin ngayon" "Concern naman ako sayo anak, ikaw tong lumalayo sa akin" Napatingin si Redford sa ina tapos ay napailing saka tumayo "Busog na po ako Ma, akyat na ako" "S-sige anak" ani ng matanda, nang makaalis ang anak ay hindi napigilan ng matanda na tumulo ang luha niya, hindi niya maintindihan kung anong nangyari kay Redford.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD