Episode 34

1299 Words
Lumipas pa ang mga araw, bumalik na sa opisina si Redford pero hindi ito nakikipag-usap kay Aldrin, naikuha naman ni Aldrin ng condo unit si Patricia malapit lang sa unit nila ni Sarah, si Lola Consuelo na ang bahala dito, isang araw habang naglilinis si Sarah ay may kumatok sa pintuan nila, si Patricia "Hi" nakangiting ani nito "Hi, may kailangan ka?" ani ni Sarah "Ahm, tatanong ko lang sana kung andyan si Aldrin, kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot" "Wala ang asawa ko, nagpunta sa kaibigan niya" "Oh, babae ba yung kaibigan na pinuntahan niya? Kasi hindi niya sinasagot ang tawag ko" Ngumiti si Sarah "Ganun ba? Baka busy kasi ang asawa ko kaya hindi ka niya sinasagot, wag ka kasing masyadong demanding sa kanya, wala kang karapatan, ako nga na asawa na mismo hindi ako nagdedemand masyado, ikaw pa kaya, ano ka ba niya?" Sumimangot si Patricia "Alam mo maldita ka talaga, nagbabait baitan ka lang sa harapan ni Mama" "Wow hiyang hiya naman ako sayo, napakabait mo kasi" "Alam mo babae, magpakasaya ka na, baka kasi hindi mo napapansin, kung tutuusin pwede namang hindi ako tulungan ni Aldrin nung una pa lang, pero ginawa niya kasi nga importante pa rin ako sa kanya" "Oh, okay, kung yan ang paniniwala mo, bahala ka, wala akong magagawa, well at least natulungan ka niya sa problema mo, by the way, pwede ka nang umalis Patricia, may mga tatapusin pa kasi ako, bye" ani ni Sarah sabay sarado ng pintuan, umalis namang nagngingitngit si Patricia, naupo naman si Sarah sa sofa at tinawagan si Aldrin "Hello Bebear" ani ni Aldrin "Bebear saan ka?" "Dito sa opisina kay Matt, bakit?" "Wala lang, yung Tita mo kasi mapang asar" "Bakit? Anong ginawa niya sayo?" "Pinuntahan niya ako dito kasi tinatawagan ka raw niya pero hindi ka raw sumasagot, tapos importante pa raw siya sayo, basta ang dami niyang sinasabi" "Sige, uuwi na ako ngayon, at kakausapin ko yang babae na yan" "Umuwi ka na lang, pero wag mo nang kausapin yung praning na yun" "Hindi, kakausapin ko siya para hindi ka niya ginugulo" "Ikaw ang bahala" "Sige pauwi na ako, may gusto ka ba?" "Ikaw lang" Napangiti si Aldrin "O sige, antayin mo ako misis ko" "Sige bye" "Bye, I love you" "I love you too" Maya maya ay dumating na si Aldrin, may dala itong lasagna at pizza, iniuwi muna niya yun, saka pinuntahan si Patricia, kumatok siya sa pintuan nito, pagbukas ng pinto ay tuwang tuwa ang babae "Aldrin, kanina pa ako tumatawag sayo hindi ka sumasagot" "Anong kailangan mo sa akin?" "Wala lang, gusto ko lang makipagkwentuhan" "Patricia, pwede ba? Tinulungan kita dahil kailangan, at asawa ka ng Tito ko, pero yung pang-aasar mo sa asawa ko hindi ko na mapapalampas" "Nagsumbong na pala sayo yung babaeng yun" "Yung babaeng yun, asawa ko yun Patricia" Hinaplos ni Patricia sa braso si Aldrin "Pero I know importante pa rin ako sayo" "Isa pa Patricia, isa pang beses na guluhin mo ang asawa ko, magkakalintikan tayo" "Aldrin, ako ang mahal mo, alam ko, nakikita ko sa mga mata mo, galit ka lang dahil mas pinili ko si Redford, pero nagsisisi na ako, pwede tayong magsimula ulit, iwanan mo na lang ng pera si Sarah, yun lang naman ang gusto niya sayo" "Talaga ba Patricia?" sabay silang napatingin kay Sarah "Talagang ginagaya mo ako sayo? Minahal ko si Aldrin nang wala akong alam sa family background niya, minahal ko siya nung panahong magkasama pa kami sa trabaho at namumuhay pa siya ng simple gaya namin, hindi ako nangarap yumaman, nangarap lang ako ng may isang lalaking magmamahal sa akin ng totoo gaya ng pagmamahal ko, eh ikaw? Pinagsabay mo pa silang dalawa ng Tito niya, wala kang kahihiyan" "Tumigil ka!" ani ni Patricia "Ikaw ang tumigil" ani ni Aldrin kay Patricia, "Alam naman na natin ang totoo, kaya pwede tumigil ka na" sabay hawak sa kamay ng asawa at talikod kay Patricia, tumulo ang luha nito, mahal na mahal ni Aldrin si Sarah, at lahat gagawin nito para sa asawa, pero hindi siya titigil, hindi man bumalik si Aldrin sa kanya, sisirain niya ang dalawa. Pagpasok ng mag-asawa sa condo nila ay biglang tumulo ang luha ni Sarah, niyakap naman siya ng asawa "Ssshh, wag mo na siyang pansinin" ani ni Aldrin "Hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko sa kanya, bakit sinisiraan niya ako ng ganun" "Bebear, hindi ka niya masisiraan lalo sa akin, wag mo na siyang intindihin, wag kang magpastress sa kanya, ang intindihin mo si baby" Tumingin si Sarah sa asawa "Bebear, pwede ba sa ibang condo unit mo na lang siya ilagay, wag na dito na malapit sa atin?" Hinalikan naman sa noo ni Aldrin ang asawa "Bebear, alam mo naman na si Lola ang nagbayad ng unit niya, at saka ganito na lang, may naisip ako, mas mabuti pa na kuhanan kita ng makakasama sa bahay, para in case na kumatok ulit siya yung maid na lang ang kakausap sa kanya, at saka kailangan mo rin talaga yun, ayokong napapagod ka" "S-Sige, ikaw ang bahala" "Mahal na mahal kita, lahat gagawin ko para sayo" "Mahal na mahal rin kita asawa ko, sobra, alam mo naman yun diba?" "Alam ko" nakangiting ani ni Aldrin "Lika na nga at magmerienda na tayo" "Sige, gutom na ako" "O kawawa naman ang misis ko, gutom nanaman" "Salbahe ka, bakit may nanaman?" ani ni Sarah sabay yakap sa asawa "Joke lang yun" sabay halik sa labi ng asawa at buhat dito, pinagtiklop naman ni Sarah ang dalawang binti kay Aldrin "Mabigat na ako Bebear?" "Hindi pa, at saka pag balik mo sa doktor, sasama ako ha?" "Sige asawa ko, gusto ko yun samahan mo ako" "O lika na" ani ni Aldrin, sabay lakad papuntang dining habang buhat pa rin ang asawa, pag dating sa dining ay binaba niya ito, kumandong naman si Sarah sa kanya at nagsimula na silang kumain, sinusubuan pa ni Sarah ang asawa. Lumipas pa ang mga araw, pinadala na lang ni Lola Consuelo ang isa sa mga maid nila sa mansion sa condo nina Aldrin, matagal na itong naninilbihan sa kanila at may tiwala na sila dito, kesa kumuha pa sa agency at hindi nila kilala, medyo mas may edad din ito kina Aldrin at Sarah "Hi Adel" ani ni Sarah "Hi po Mam Sarah" "Okay lang ba sayo na dito ka sa amin ni Aldrin?" "Opo naman Mam, okay na okay po" nakangiting ani nito "Basta po papayagan niyo ako na magmake up" Natawa naman si Sarah "Sige, walang problema dun, Ahm, Adel, may sinabi ba si Lola sayo bago ka niya pinahatid dito?" "Yung tungkol kay Mam Patricia?" "Oo, alam mo na?" "Opo, eh okay lang po, hindi ko po siya pahaharapin sayo kapag kumatok siya" "Pasensiya ka na ha, naistress kasi ako pag nakakaharap ko siya" "Nakakastress naman talaga siya, hindi po tulad niyo ni Madam, marunong makisama sa amin, siya po hindi, masungit siya, pero si Sir Redford, okay lang naman siya, tahimik lang pero hindi naman masungit, siya lang talaga" "Ahm, matanong ko lang nakikita niyo ba na nag-aaway sila Tito Redford at Patricia?" "Naku Mam, atin na lang to ah, minsan po nung nasa taas ako para maglinis, narinig ko na nagagalit si Mam Patricia, mahinahon lang naman si Sir Redford, kaya nga nagulat ako nung sinabi ni Madam na sinaktan raw ni Sir Redford si Mam Patricia" "Ganun ba? O sige, mabuti pa ihatid na kita sa kwarto mo, yaan mo secret lang natin yung sinabi mo sa akin" "Sige po Mam Sarah, marami pa akong kwento Mam, pero work work muna ako" Napangiti si Sarah, mukhang hindi siya maiinip sa bagong kasama "Lika na" ani niya at inihatid na niya ito sa Maid's Quarters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD