Episode 35

1264 Words
Lumipas pa ang mga araw, isang araw kinausap ni Lola Consuelo si Redford habang nasa sala sila "Redford anak" "Bakit po Ma?" "Hindi pa ba kayo nagkakaayos ni Patricia?" "Hindi niya pa rin po sinasagot ang mga tawag ko, masama pa rin siguro ang loob sa akin" "Anak, may itatanong ako, wag ka sanang magagalit" "Ano po yun?" "Matanong ko lang, nasaktan mo ba si Patricia kaya siya umalis?" "Hindi ko naman po sinasadya, may sinabi kasi siya na hindi maganda sa pandinig ko" "Sobrang sama ba ng sinabi niya?" "Yes Ma, nang malaman niyang hindi ako hinarap ni Mr. Vargas, she compared me to Aldrin, na kesyo mas magaling ito sa akin in all aspects, even in bed" "What? Sinabi niya yun sayo? Eh ikaw ang asawa niya, dapat sinusuportahan ka niya" ani ng matanda, nakaramdam tuloy siya ng matinding inis kay Patricia "Totoo naman siya Ma, mas magaling si Aldrin sa akin, kaya siya ang pinagkakatiwalaan mo at hindi ako" Hinawakan ni Lola Consuelo ang kamay ng anak "Hindi sa ganun yun Redford, many years ago nagbago ka anak, sa hindi namin malamang dahilan, nagreach out kami sayo pero lumayo ka sa amin, at ngayon alam ko na dahil yun kay Patricia" "I really love Patricia, nung nagkakilala kami, hindi ko alam na sila pala ni Aldrin, pero sabi niya sa akin, hindi na niya mahal si Aldrin at naghahanap lang siya ng tamang tiyempo para hiwalayan ito, kaya hindi niya rin inamin agad sa akin na sila pala, sa kabila nun naging close kaming dalawa, hanggang sa inamin niya rin na gusto niya ako, nung time na yun Ma, pakiramdam ko nakatutok ka kay Aldrin, hindi lang isang beses na narinig ko mula sayo na gusto mo ipahawak sa kanya ang Alcantara" "Dahil you already have your own business during that time" "Yes Ma, pero kaya ko naman ihandle ng sabay yun, pero hindi, nabigo rin ako, nalulong ako sa sugal, kasi lagi na lang sinasabi ni Patricia sa akin na Aldrin is better than me, is wealthier than me, plus ang dami niyang demands, eh ayoko siyang mawala sa akin Ma, siya lang ang minahal ko ng ganito, tapos hindi maganda ang takbo ng business ko, ayokong lumapit sayo most especially to Aldrin kaya natuto akong magsugal, nagalit ako kay Aldrin, dahil siya lagi ang best, kaya nung umalis siya sa Alcantara at talagang tinanggihan niya ang offer niyo, natuwa ako, kasi pagkakataon ko na sanang patunayan ang sarili ko, pero hindi Ma, hindi mo inoffer sa akin, instead, pinagpatuloy mo ang paghawak sa negosyo" ani ni Redford, biglang tumulo ang luha niya "Ayoko sanang umalis Ma, gusto ko ipaglaban nun si Patricia, gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay at higit sa lahat gusto kong patunayan na kaya ko, ayokong iwan ka, kayo ni Aldrin, kahit masama ang loob ko sa kanya, mahal ko siya, pamangkin ko yun eh, nag-iisa lang" "Anak" iyak na ani ni Lola Consuelo "Okay lang Ma, tanggap ko naman na, he is better than me" "May kanya kanya kayong kakayahan ni Aldrin, kaya gusto kong magtrabaho ka under his supervision ay para matutunan mo ang lahat tungkol sa business, you know what Redford, ayaw rin ni Aldrin na ihandle ang negosyo, dahil mas gusto niya na ikaw ang humawak nito dahil ikaw ang Tito niya at anak kita, kahit alam na niya na pumayag kang pagsabayin kayo ni Patricia, binalewala na niya yun dahil ayaw niya ng gulo, mahal na mahal ka ng pamangkin mo, hindi naman niya alam kung bakit ka nagbago sa kanya, wala siyang kasalanan anak" "I know Ma, walang kasalanan si Aldrin" "Sana maging okay ulit kayo, gaya dati, kayo na lang ang meron ako anak, gusto ko maging okay kayo" ani ng matanda, yumakap naman si Redford sa kanya "Mahal na mahal ka ni Mama, ikaw na lang ang natitirang anak ko, gusto ko maging okay tayo, tayo nila Aldrin" hindi naman nakakibo si Redford, iyak lamang ito ng iyak, ngayon lang niya nailabas ang sama ng loob sa mama niya. Kinabukasan nagkasabay sa elevator sina Aldrin at Redford "Good Morning" bati ni Redford sa pamangkin "Good Morning Tito" "Kamusta si Sarah?" "Okay naman siya, ayun naglilihi" nakangiting ani ni Aldrin Napangiti rin si Redford "Pinahihirapan ka ba niya?" "Kagabi, ayaw niya akong katabi sa kama, sa lapag ako pinatulog, ayaw niya raw ng amoy ko, samantalang bagong ligo naman ako" "Ganun siguro talaga, naeexcite tuloy ako bigla sa magiging apo ko" Napatingin si Aldrin kay Redford at saka ngumiti "Lolo ka na" "Lolo Redford" ani nito, natawa naman si Aldrin at parang gusto niyang maluha sa narinig mula sa tiyuhin, napatingin rin si Redford sa kanya at hinawakan siya may leeg saka niyakap "Sorry Aldrin, sorry sa lahat" "Wala na yun Tito, kalimutan na natin" saka humiwalay sa yakap nito "Baka may makakita sa atin, sabihin bakling ako" "Siraulo" natatawang ani ni Redford, at bumukas na ang pintuan ng elevator "Coffee muna tayo sa opisina ko?" ani ni Aldrin "Sure" sagot ni Redford, at nagpunta na sila sa opisina ni Aldrin, nagkwentuhan silang magtiyuhin, parehas silang masaya, okay na sila "Alam mo Aldrin, dapat every weekend dun kayo sa mansion ni Sarah, namimiss kasi kayo ni Mama" "Tingnan natin, hindi ako mangangako" "Dahil kay Patricia?" "Alam mo naman ang asawa mo, mainit sa asawa ko" "Wala naman siya sa mansion, at ayaw niyang sagutin ang tawag ko, galit pa rin sa akin" "Tito, I have something to tell you" "Na ikaw tumulong sa kanya?" "Alam mo na?" "Yes, sinabi na ni Mama sa akin, salamat dahil hindi mo siya pinabayaan" "Ano ngayon ang plano mo?" "Hmm, hahayaan ko muna siya, siguro we still need more time, alam mo yun, para mas makapag-isip" "Sige Tito, ikaw ang bahala" "O paano, babalik na ako sa opisina ko" sabay tayo "Sige po" "Aldrin, sorry ulit" "Okay na yun" at nagyakapan ulit silang magtiyuhin "Tutulungan kita Tito, in time, ikaw pa rin ang hahawak ng Alcantara" "No Aldrin, okay na ako" "No Tito, ikaw dapat ang nandito" "Eh di tayong dalawa na lang" "Sure ka?" "Oo naman, magtutulungan tayo para sa Alcantara, para sa pamilya natin" "Okay" "Sige na magtatrabaho na ako, ikamusta mo na lang ako kay Sarah" "Sige Tito, makakarating" at lumabas na ng opisina si Redford Lumipas pa ang mga araw, naging okay na si Redford, iba na ang naging pananaw nito, nakikipagcooperate na siya kay Aldrin pag dating sa negosyo, isang araw, galing si Redford sa coffee shop at nakasabay niya sa elevator si Sarah "Hi Tito" bati ni Sarah at bumeso pa kay Redford "O Hi, pupuntahan mo si Aldrin?" "Opo, kasi maglalunch kami sa labas" "Ahh okay, kamusta naman ang pagbubuntis? Alagaan mo ang apo ko" Natawa si Sarah "Okay naman po Tito, napaglilihihan ko minsan si Aldrin" "Oo naikwento niya nga" "Buti po okay na kayo" "Oo, at masaya ako, magaan na ang pakiramdam ko, si Patricia na lang talaga" "Sana nga, maging okay din kayo" "Pasensiya ka na sa kanya Sarah" "Ano pa nga ba?" nakangiting ani ni Sarah, siya namang bukas ng pintuan ng elevator, nagulat sila nang makita si Patricia sa labas "So, close na pala kayo" ani ni Patricia "Patty" ani ni Redford "Red, nagpunta ako sa opisina mo pero wala ka, magkasama pala kayo" "No, nagkasabay lang kami sa elevator" "Ahm, Tito, una na ako, pupuntahan ko na po si Aldrin" ani ni Sarah, tumango naman si Redford at umalis na si Sarah "Patty, can we talk?" "Yes, kaya nga kita pinuntahan, gusto kitang makausap" "Tara sa opisina ko" "Okay"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD