"Kamusta ka na Patty?" ani ni Redford nang magkaharap na sila ni Patricia sa opisina niya
"Okay naman"
"Patty, I missed you"
"Ikaw? Kamusta ka? Mukhang okay ka na"
"Yes, okay na ako, okay na rin kami ni Aldrin"
"That's good"
"Patty, come back to me please, magsimula tayo ulit"
"How?"
"Okay na kami ng pamilya ko, hindi ba magandang simula ito para sa ating lahat?"
"Hindi nila ako tanggap"
"Of course not Patty, ganun pa rin ba ang tingin mo? Hindi ka nila pinabayaan nung nagkaproblema tayo, They supported you"
"Anong gusto mo mangyari ngayon Red?"
"Bumalik ka na sa mansion"
Umiling si Patricia "No, kung gusto mong magsimula tayo ulit, aalis tayo sa mansion, gusto ko yung tayong dalawa lang ulit gaya sa New York, dun na lang tayo sa condo"
"Paano si Mama?"
"I know she will understand, pero kung ayaw mo, bahala ka"
"Sige sasabihin ko kay Mama" ani ni Redford sabay hawak sa kamay ng asawa "Namiss kita, sorry sa nagawa ko"
"Namiss rin kita Red, basta sa condo na lang tayo please?"
"Oo, sige, magsisimula tayo ulit" nakangiting ani ni Redford, niyakap niya ang asawa, gumanti naman ng yakap si Patricia pero iba ang naiisip niya, ayaw niya kasing malayo kay Aldrin, kaya kailangan sa condo lang sila, alam niya ring okay na si Aldrin at Redford kaya napilitan siyang balikan ang asawa, dahil baka maiwan siya sa ere kung hindi niya pa rin ito papansinin
Nagpaalam nga si Redford sa ina at pinayagan naman siya nito, kahit asar ito kay Patricia, alam niyang mahal na mahal ito ni Redford, at ayaw niyang sumama ulit ang loob ng anak sa kanya, kinagabihan, hinakot na ni Redford ang mga gamit sa condo
"Baby, wala pa pala tayong masyadong gamit dito" ani ni Redford, mas maliit rin ito, iisa lamang ang kwarto
"Oo nga eh"
"Di bale, uunti untiin natin ang pagbili ng mga gamit" sabay yakap sa asawa
"Baby gutom na ako, ubos na ang stocks ko sa ref"
"Sige sa baba na lang tayo kumain, bukas maggrocery tayo" ani ni Redford
"Sige" nakangiting ani ni Patricia "Mamaya mo na ayusin ang mga gamit mo, tutulungan kita"
"Sige lika na, gutom ka na ata eh"
"Medyo"
"Okay" at magkahawak kamay silang lumabas ng condo at kumain na sa isang restaurant sa baba ng condo building.
Sa unit naman nina Aldrin at Sarah, nagsimula na silang maghapunan
"Alam mo Bebear, nagkabalikan na si Tito at Patricia, tumawag si Lola, naghakot na raw ng gamit si Tito" ani ni Aldrin
"Eh di mabuti"
"Oo nga eh, kaya lang nga ayun, ayaw ni Patricia na bumalik sa mansion, kung magsisimula raw ulit sila ni Tito dun na lang daw sa condo, yung silang dalawa na lang"
"Talaga? Sa ugali ng Tita mo, parang hindi yun mabubuhay ng walang katulong ah"
"Malay natin Bebear, baka maging okay sila"
"Sana nga, at sana rin tigilan na niya ang pang-iinis sa akin"
Napangiti si Aldrin at tumingin sa asawa "Siguro naman noh, kasi okay na sila ni Tito"
"Bebear, maiba tayo, napapansin mo ba tiyan ko? parang biglang laki noh?"
"Oo nga Bebear"
"Three months pa lang to pero ang laki"
"Ang lakas mo kasing kumain"
"Hindi ahh"
"Kailan ba balik mo sa OB?"
"Next week"
"Tanong natin sa OB mo bakit ang laki ng tiyan mo, sabihin nun masiba ka kasi Mrs. Alcantara"
"Tse!" sabay irap sa asawa
"Nax kuhang kuha mo na ang mata ni Patricia ah" natatawang ani ni Aldrin
"Wag mo nga ako maikumpakumpara sa Tita mo"
"Kuhang kuha mo nga eh, kung paano siya umirap" ani pa rin ni Aldrin, biglang tumayo si Sarah at umalis sa dining saka pumasok sa kwarto nila "Bebear" tawag pa ni Aldrin pero hindi na siya nito pinansin
Maya maya ay sinundan ni Aldrin ang asawa para asarin, naabutan niyang nakaupo sa kama si Sarah, nakasimangot at nanonood ng tv
"Bebear, ano? Napikon ka?" ani ni Aldrin
"Wala kang pakialam"
"Galit ka talaga?" kulit ni Aldrin, naupo pa ito sa gilid ng kama at humarap kay Sarah "Totoo naman sinasabi ko ah"
"Umalis ka sa harapan ko Aldrin" ani ni Sarah
"Wow galit nga ang asawa ko"
"Umalis ka sinabi eh"
"Ayoko! Dito lang ako"
"Ah ganun?" ani ni Sarah sabay tulak sa balikat nito "Umalis ka, alis ka dito"
"Ayoko nga, saka pinapaalis mo ako eh bahay ko to, ako ang bumili nito"
Tumulo ang luha ni Sarah, tumayo ito at nagpunta sa closet, kumuha ng bag at inayos ang mga damit niya, biglang napatayo si Aldrin
"Bebear sorry na, joke lang yun, ang pikon mo naman" ani ni Aldrin sabay hatak ng bag nito
"Pasensiya na ha? Bahay mo kasi to, wala naman akong maiambag kasi pinahinto mo ako sa trabaho, sorry kung parang pabigat na ako sayo"
"Wow, joke nga lang grabe ka naman, ang layo na ng narating mo"
"Alam mo Aldrin, nakakabwisit naman talaga ang joke mo, alam mong pikon na pikon na ako ayaw mo pa ring tumigil, hindi mo na inisip na buntis ako, para kang walang pakialam sa anak mo"
"Oy, sobra na yan ah, bakit ba kasi ang pikon mo?"
"Tingin mo nakakatuwa yun? Akina nga yan" sabay hatak ng bag niya
"Eh di yan" ani ni Aldrin sabay bitaw ng bag "Lahat ba ng buntis gaya mo? Diyos ko" ani pa nito, iyak naman ng iyak si Sarah, tumalikod siya at inayos ulit ang damit niya, sobrang sama ng loob niya, maya maya ay niyakap siya ng asawa mula sa likod pero tumatanggi siya, pero hindi rin siya binibitawan ni Aldrin
"Bebear, sorry na, sorry na"
"Yaan mo pag nanganak ako magtatrabaho ulit ako para naman may maiambag ako sayo"
"Ssshh, joke nga lang, sorry na" saka siya hinarap ni Aldrin "Please? Alam mo naman ikaw ang reyna ko, at ayokong napapagod ka, joke lang yun, hindi ko na uulitin"
"Wag mo na ako ikukumpara sa Tita mo?"
Ngumiti si Aldrin "Hindi na, at saka ano ka ba? Balewala siya kumpara sa asawa ko" sabay hawak sa magkabilang pisngi ng asawa "Sorry, ang insensitive ko para asarin ka, hindi ko na naisip ang kalagayan mo"
"Hindi ka na uulit? Hindi mo na isusumbat sa akin na bahay mo to?"
"Bahay natin to, hindi lang sa akin" sabay yakap sa asawa "Hindi ko alam, nakikita ko pa lang nagbabalot ka ng damit nadudurog na ang puso ko"
"Eh binalik mo nga sa akin ang bag"
Napangiti naman si Aldrin "Ayaw mo rin kasi bitawan" ani nito, pinunasan naman ni Sarah ang luha
"Ayusin mo yang damit ko" ani ni Sarah sabay punta sa kama at umupo ulit
"Ako?" ani ni Aldrin
"Oo, ikaw mag-ayos niyan, pinikon mo kasi ang asawa mo"
Ngumiti si Aldrin at lumapit kay Sarah "Kiss mo muna ako bago ko ayusin" sabay nguso
"Ayaw! Ayusin mo muna"
"Kiss muna kasi" sabay nguso ulit, hinalikan naman siya ni Sarah sa labi, dampi lang, tumalikod na si Aldrin para ayusin ang mga damit ng asawa habang iiling iling, ngingiti ngiti naman si Sarah habang pinanonood ang asawa.