Lumipas pa ang mga araw, nagpunta sa OB sina Aldrin at Sarah, hindi mapakali si Aldrin habang inaantay ang Doktor at si Sarah
"Doc, ano pong balita?" ani ni Aldrin pag labas ng dalawa
"Well, okay na okay naman po si misis at ang mga babies niyo"
"Mga?"
"Yes Sir, dalawa po ang heartbeat na narinig sa ultrasound, meaning kambal po ang anak niyo" nakangiting ani ng doktora
"Wow Bebear" ani ni Aldrin kay Sarah "Kambal sila"
"Oo nga Bebear, happyng happy asawa ko ah"
"Siyempre naman"
"Congrats po sa inyo" ani pa ng OB
"Salamat po Doc"
Maya maya ay palabas na sila ng clinic, hindi pa rin sila makapaniwala na kambal rin ang magiging anak nila
"Bebear, punta tayo kina Leina" ani ni Sarah
"Sige, pero bumili muna tayo ng pasalubong"
"Okay"
Lumipas pa ang ilang oras ay nasa unit na sila nina Matt at Leina, kumatok sila at narinig mula sa loob ang boses ni Leina na nagsabi ng pasok, pinihit ni Sarah ang doorknob at dahan dahan itong binuksan, nang may narinig silang iyak ng baby, andun pala sa likod ng pinto si Baby Jayr
"Hala andyan ka pala" ani ni Leina, binuhat naman ito ni Aldrin
"Sorry baby, hindi namin alam" ani ni Sarah
"Hindi ko rin alam, naku, alam ko nasa loob yan ng kwarto ng mga ate niya eh" ani ni Leina at tumingin sa kwarto ng mga anak "Mga ate, labas muna kayo" ilang saglit lang ay lumabas na ang tatlo at nagtakbuhan kina Aldrin at Sarah
"Ninong! Ninang!"
Inabot naman ni Matt ang dala nila kay Leina "Ano na mga ate?" ani ni Aldrin
"Mga ate diba sabi ko bantayan si Baby Jayr" ani ni Leina
"Niasar ni Chabelita kaya siya lumabas" ani ni Cruzita
"Chabelita ikaw talaga" ani ni Leina, tatawa tawa lang anak
"Ang kukulit" ani ni Sarah
"Ninang kailan namin makikita nikakapatid namin?" ani naman ni Tintin
"Naku ate, medyo matagal niyo pa silang makikita"
"Sila po?"
"Oo nga mardz" ani naman ni Leina "Sila? Wag mong sabihing.." nakangiting ani ni Leina
"Yes Mardz, dalawa ang heartbeat ng nasa tiyan ko kaya kambal sila" excited na ani ni Sarah
"Wow congrats" sabay yakap sa kaibigan
"Thank you"
"Ninang kambal din sila, parang kami ni Ate?" ani ni Chabelita
"Hmm, oo parang ganun na nga, pero hindi pa namin alam ni Ninong kung girl or boy sila eh"
"Ninang amin na lang yung isa please" ani ni Tintin
"Ay grabe baby, naku" natatawang ani ni Sarah
"Hay naku mga ate, mabuti pa bumalik na kayo sa kwarto niyo" ani ni Leina sa mga anak, nagtakbuhan naman ang mga ito pabalik sa kwarto "Ang kukulit"
"Kawawa naman si Baby Jayr, nagkabukol ba?" ani ni Sarah
"Wala naman Bebear, napaupo lang siya, siguro nagulat lang kaya umiyak"
"Sorry baby" ani ni Sarah sabay haplos sa pisngi nito, inaabot naman ng baby ang kamay kay Sarah para magpakarga
"Naku upo muna si Tita para makandong kita" ani ni Sarah sabay upo sa sofa, kinandong naman niya ang baby at yumakap sa kanya "Aba namiss niya ako ahh"
Natawa naman si Leina "Oo nga noh? Uy saglit lang ah, nagsasaing pa ako"
"Oo okay lang, wala si Matt?"
"Nasa opisina eh, may kameeting"
"Oo si Mr. Vergara" ani ni Aldrin "May balak rin atang mag invest, sana nga matuloy"
"Ahh, sana nga" ani ni Sarah
"Oo nga masyado ngang busy si Matt" ani naman ni Leina
"Oo nga, hindi ko naman matulungan masyado, mag eexpand din kasi ang Alcantara, ang daming dapat ayusin" ani ni Aldrin
"Okay lang, naiintindihan naman ni Matt yun" ani naman ni Leina
"Buti nga eh, pero pag nakaluwag ako sa schedule siya naman ang tutulungan ko"
"Di bale Bebear, baka matulungan ka na ni Tito Redford" ani naman ni Sarah
"Oo nga Bebear"
"Tata" biglang ani ni Baby Jayr at tumingin kay Sarah
"Bakit Baby?"
"Mimi" sabay tingin kay Leina, bumaba ito sa pagkakakandong kay Sarah at naglakad palapit sa ina saka nagpakarga
"Sus anak, napakabigat ng bunso ko" ani ni Leina sabay buhat sa anak, yumakap naman ang baby sa kanya
Lumipas pa ang mga oras, alas singko nang hapon nang dumating si Matt, sila naman ang nag-usap ni Aldrin tungkol sa business nila, naiwan naman sa sala sina Leina at Sarah
"Mardz, kamusta pala yung Tita ni Aldrin?"
"Tahimik siya ngayon Mardz, nagkacatch up siguro sila ni Tito Redford"
"Sana naman hindi ka na niya guluhin noh, at sana tumahimik na talaga siya, yung asawa na lang niya ang intindihin niya, hindi yung asawa ng may asawa"
"Sana nga Mardz, ayoko nang magulong buhay"
"Basta pag kailangan mo ng resbak andito lang ako"
Napangiti si Sarah "Promise?"
"Oo nasa likod mo lang ako, dun lang ako"
"Hindi ka gagalaw?"
"Hindi, Mardz naman, apat yung mga anak ko, support lang ako sa likod"
"Bwisit ka" natatawang ani ni Sarah, natawa rin si Leina
"Hindi nga Mardz, seryoso ako, lalaban tayo"
"Salamat"
Marami pa silang napagkwentuhan, halos alas diyes na nang umuwi ang mag-asawang Aldrin at Sarah, nasa may elevator na sila nang biglang bumukas ito at sumakay naman ang mag-asawang Redford at Patricia
"Uy ginagabi kayo ah" ani ni Redford
"Tito" ani ni Sarah, sabay beso dito
"Nanggaling kami kina Matt, namasyal lang" ani ni Aldrin
"Ahh, kami naman nanuod ng sine at kumain sa labas" ani ni Redford sabay akbay sa asawa, yumakap rin naman si Patricia dito
"Wow date ah" nakangiting ani ni Aldrin "Sana naman may pag-asa pa akong magkapinsan"
Nagkatinginan naman si Redford at Patricia "Naku tingnan natin, pero unang ipapanganak ang apo namin" ani ni Redford
"Mga apo" sagot ni Aldrin
"Weh? Hindi nga?"
"Yeah"
"Wow congrats to both of you"
"Congrats" ani rin ni Patricia na kinagulat ni Sarah pero hindi siya nagpahalata
"O bukas pupunta tayo sa mansion, alam mo naman si Mama"
"Oo Tito, pupunta kami ni Sarah"
"Oo nga, tapos bukas celebrate natin yang si kambal"
"Oo sige ba"
"Nakita ko may black label pa sa bahay"
"Sige Tito" at bumukas na ang pinto ng elevator, sabay sabay na silang lumabas, at nagpunta na sa kanya kanyang unit, hindi naman maalis sa isip ni Sarah ang reaksyon ni Patricia, parang kailan lang halos siraan siya nito sa asawa niya, ngayon naman parang mahal na mahal nito ang asawang si Redford, parang may mali.