Episode 38

1013 Words
Kinabukasan halos magkasunuran na pumasok ang mga sasakyan nina Aldrin at Redford sa mansion, nakaabang naman si Lola Consuelo sa may main entrance, ilang saglit lang ay naglabasan na ang apat at lumapit sa matanda para humalik "O nag almusal na ba kayo?" ani ng matanda "Opo La, kami kumain na" ani ni Aldrin "Kami rin" ani ni Redford "O pinahahanda ko na ang ihawan, ano bang balak niyong magtiyuhin?" "Mag babarbeque po" ani ni Redford "Bebear, gusto ko hungarian ah?" ani ni Sarah kay Aldrin "Oo Bebear don't worry" sagot ni Aldrin tapos ay tumingin sa Lola niya "La, matutuwa ka sa ibabalita namin sayo" "Talaga? Ano yun?" ani ng matanda "Kambal ang magiging baby namin" "Wow hindi nga?" "Opo La" ani ni Sarah "Nagpaultrasound po ako kahapon" "Ang galing naman, nakakatuwa" "O Ma, ihanda mo na ang isang kwarto para sa mga apo mo" ani ni Redford "Oo naman, nakakatuwa, congrats sa inyo" sabay halik sa pisngi ni Aldrin at Sarah "Ma, yung tinext ko sayo okay na?" "Opo na po, hoy bawal kayo malasing magtiyuhin ha?" "Mama ang kj mo ah, okay lang yun, dito naman kami matutulog" "Ah okay sige, magpapahanda ako ng mga paborito niyo" ani ng matanda sabay tingin kay Patricia "Ikaw iha, ano bang gusto mo?" "Nakakahiya naman po Mama, kung ano na lang po ang meron" "Hindi ah, okay lang, ano nga?" "Beef caldereta po" "Okay, magcecelebrate tayo, magpapaluto ako ng caldereta, kare kare, cordon bleu at magpapagawa ng macaroni salad para kay buntis" "Yes! Akala ko nakalimutan ako ni Lola" ani ni Sarah "Hindi ah" ani ng matanda, at nagtawanan sila, nakangiti rin si Patricia pero nagngingitngit siya, masaya ang lahat dahil sa pinagbubuntis ni Sarah at mukhang iniispoiled naman ito ni Aldrin at Lola Consuelo "Tapos Bbq" ani ni Redford "Lika na Tito, simulan na natin" ani naman ni Aldrin "O sige, paano lalabas muna kami" ani ni Redford at lumabas na ang magtiyuhin "O kayong dalawa, kung gusto niyo magrest muna kayo sa taas" ani ng matanda, nagkatinginan naman si Patricia at Sarah "Ako naman pupunta na sa kitchen" "Sige po La" ani naman ni Sarah "O sige sa kusina muna ako" sabay talikod ng matanda at naiwan na ang dalawa "Ahm Sarah, congrats ulit sa mga baby niyo" ani ni Patricia "S-Salamat" "Pasensiya na sa mga nangyari sa atin, sa mga pang iinis ko sayo" "Talaga?" "Oo naman, mahirap paniwalaan noh?" "H-Hindi naman sa ganun" "Alam ko naman yun, naiintindihan ko naman Sarah" Ngumiti si Sarah "Paano? Akyat muna ako sa kwarto namin" "Sige sabay na tayo, magpapahinga rin muna ako sa kwarto namin ni Redford" "Okay" at sabay na silang umakyat sa hagdan, hanggat kaya ni Patricia, paplastikin niya si Sarah, papaniwalain niya ito na nagbago na siya at gusto niyang bumawi dito, sa totoo lang gusto na niya itong ihulog sa hagdan para makunan, pero hindi niya gagawin yun, hindi yun ang plano niya Lumipas pa ang mga oras, magkakaharap na sila sa mesa para mananghalian "Uy Buntis kumain ka ng kumain" ani ni Lola Consuelo kay Sarah "Wag puro macaroni salad ang kinakain mo apo" "Opo La, kakain po ako" "Bebear" ani ni Aldrin "Eto kumain ka ng cordon bleu" sabay lagay sa pinggan ng asawa "Bebear gusto ko rin caldereta" "O sige" ani ni Aldrin sabay kuha ng caldereta at lagay sa pinggan nito "Thank you" "O kayo, kain lang ng kain kayong lahat" ani ulit ni Lola Consuelo "Hindi ko akalain na mangyayari pa to, yung magsasalo salo tayo sa pagkain ng masaya" "Sa susunod po may mga malilinggit nang bata na tatakbo takbo dito" ani ni Aldrin "Malay mo La, magkapinsan pa ako" "Uy, pressure ka ah" natatawang ani ni Redford sa pamangkin "At bakit naman hindi Redford" ani ng matanda "Bata pa kayo, pwedeng pwede pang magkapinsan tong si Aldrin" "Oo naman Ma, darating naman talaga tayo diyan" natatawang ani ni Redford sabay tingin sa asawa "Baby, ano? May gusto ka ba?" "Okay na to Baby" ani ni Patricia "After natin kumain, magpapahinga muna kami ng Baby ko" ani ni Redford "Kami rin" ani naman ni Aldrin "May gusto kayong merienda? Papadeliver ako" "Wag na apo" ani ni Lola Consuelo "Magluluto ako ng lasagna" "Yun o, masarap yun" "Excited nanaman kayo" "Siyempre Ma, namiss namin yun eh" ani ni Redford, pinagpatuloy na nila ang pagkain, pagkatapos ay nagsiakyat na silang lahat sa kaniya kaniyang kwarto, kinahapunan, bumaba na si Aldrin, naabutan niya si Lola Consuelo na nagpeprepare ng lulutuin "O Aldrin, andyan ka na pala" "Wala lang La" ani ni Aldrin "Kamusta ka? Kailangan mo ng tulong?" "Sus hindi na Aldrin, eto naman, ang asawa mo?" "Tulog pa po" "Hayaan mo muna siya, pero dapat lakad lakad din siya para hindi manasin at hindi mahirapan sa panganganak" "Opo La, pinagpapayuhan naman ni Leina" "Yung kaibigan niyo na may anak na triplets na ang kucute?" "La, twins lang po yun, yung isang bata anak ng ex ni Matt na namatay, sa kanila na pinaampon ang bata" "Talaga ba?" "Opo La, naku pag narinig niyo ang kwento ng dalawang yun, maaamaze rin kayo La, ang dami ring pinagdaanan" "At kinaya nilang mag-asawa, sana ganun din kayo ni Sarah iho, sana makaya niyo rin ang mga pagsubok na darating sa inyo" "Kaya nga po La, sana nga po, mahal na mahal ko po ang asawa ko" "Mas minahal mo pa kesa kay Patricia?" pabulong na tanong ni Lola Consuelo "Opo Lola" nakangiting ani ni Aldrin "Siya lang ang minahal ko ng ganito La" "Okay naman na yun, mukhang masaya na rin naman yung dalawa" "Kaya nga La, at higit sa lahat, okay na tayo nila Tito" "Oo naman yun ang pinakamasaya" "Uy andito na pala kayo" ani ni Redford, nakababa na rin pala ito "Ano Tito?" ani ni Aldrin "Mag ihaw na ulit tayo" "Oo nga eh lika na nang makapag umpisa na" "La, labas lang kami" ani ni Aldrin, nakangiti namang tumango si Lola Consuelo, masayang masaya siya, sana nga ay hindi na matapos ang kasiyahan nilang pamilya, may parating pang dalawang anghel sa buhay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD