Lumipas pa ang mga oras, halos magkasabay na lumabas ng kwarto sina Patricia at Sarah, nagkatinginan ang dalawa, nginitian ni Patricia si Sarah, ngumiti rin si Sarah
"Bababa ka na?" tanong ni Patricia
"Ahm, oo"
"Lika, sabay na tayo, mukhang nakaluto na si Mama, amoy na amoy dito eh, ang bango"
"Oo nga eh"
"Lika na, puntahan na natin sila"
"Sige" sagot ni Sarah at sabay na silang bumaba, inabutan nilang nakahanda na sa mesa at mukhang sila na lamang ang inaantay, tumabi sila sa kanya kanyang asawa
"Bebear, sarap ba tulog mo?" tanong ni Aldrin sa asawa, tumango naman si Sarah
"O mamaya dun tayo sa may garden ah, magbbq night tayo" ani ni Redford "Juice lang sa inyong mga girls, sa amin ni Aldrin ang black label"
"Baby light beer akin please" ani ni Patricia
"Okay fine, pero kay buntis at kay Mama, juice lang"
"Okay lang sa amin yun ni Sarah" ani ni Lola Consuelo
"Tito, okay na yung isaw?" ani ni Aldrin
"Oo naman Aldrin, okay na, isaw, pork tapos may chicken breast din"
"Wow Tito gusto ko ng isaw" ani ni Sarah
"Naku, pwede naman pero kaunti lang, pwede ka sa chicken"
"Okay lang po at saka yung hungarian ko"
"Opo na po Bebear" ani naman ni Aldrin
Pagkatapos nilang magmerienda ay nag-ayos sila sa may garden, dun sila magbabonding na pamilya
"Sarah, maupo ka na lang" ani ni Patricia
"Hindi na, okay lang, magaan lang naman tong pag aayos ng upuan"
"Baka mapagod ka kasi ng husto"
"Hindi naman siguro"
"Alam mo dati nabuntis na rin ako, nakunan ako dahil sa stress rin, kaya ikaw mag-iingat ka at wag kang papastress"
"Totoo? Nabuntis ka na dati?"
"Oo, siguro kung nabuhay ang anak ko, mga two or three years old na siya"
"Sayang naman"
"Eh talagang ganun, hindi pa siguro siya para sa amin, pwede pa naman kaming sumubok ulit ni Red"
"Oo bata pa naman kayo"
"Oo naman" nakangiting ani ni Patricia, lingid sa kaalaman nila ay tinitingnan sila ng mga asawa nila
"Mukhang magiging okay na rin sila" ani ni Redford
"Sana nga Tito"
"Siguro naman noh, wala naman na silang dapat pag-awayan"
"Tama ka naman dyan, Tito gumawa ka ng sawsawan, ako na bahala sa pag-iihaw"
"O siya sige" sabay talikod at pumasok sa loob ng mansion, nilapitan naman ni Sarah ang asawa
"Bebear, sinalang ko na yung hungarian na request mo" ani ni Aldrin
"Thank you" ani ni Sarah sabay yakap sa bewang ng asawa "Bebear, gusto ko ng veggie salad"
"Ahh oo, sinabi ko na kay Lola, mamaya kukunin natin, nasa ref pa kasi"
"Yey"
"Mukhang okay na kayo ni Patricia ah"
"Eh nagsorry naman na siya, okay na yun Bebear, para sa pamilya natin"
"Very Good naman ng asawa ko, proud ako sayo"
"Bakit?"
"Ang bait mo kasi"
"Hmm, binola mo pa ako" sabay halik sa pisngi ng asawa
"I'm so lucky to have you as my wife"
"Lucky rin ako because you are my Bebear, the one and only"
"Dapat lang" natatawang ani ni Aldrin, maya maya ay bumalik na si Redford at dala na nito ang sawsawan, pinalabas na rin ni Lola Consuelo ang kanin at veggie salad, masaya silang nagsalo-salo, punong puno ng kwentuhan at tawanan ang paligid nila
Lumipas pa ang mga oras, nauna nang umakyat si Sarah sa kwarto nila, nakahiga na siya sa kama at nanonood ng tv nang pumasok si Aldrin, medyo tipsy ito at nahiga sa tabi niya
"Bebear, magfreshen up ka na dali" ani ni Sarah
"Okay Bebear" sabay tayo ulit at pasok na sa banyo, maya maya ay lumabas na ito at nagbihis na ng boxer at sando saka tumabi ulit sa asawa, yumakap naman si Sarah sa kanya
"Antok na ako Bebear" ani ni Sarah
"O, bakit hindi ka pa nagsleep?"
"Inantay kita eh"
"Sus naman ang misis ko, o sige na sleep ka na"
"Sleep na tayo"
"Okay" ani ni Aldrin, kinuha nito ang remote at pinatay na ang tv, saka niyakap ang asawa
"Ang saya nating lahat kanina Bebear noh?"
"Oo nga eh, sana magdirediretso"
"Sana nga Bebear"
"O akala ko ba isleep ka na?"
"Oo nga, goodnight Bebear"
"Goodnight" sabay halik sa labi ng asawa sabay yuko at hinalikan ang tiyan nito "Goodnight Baby Bears ko"
"Goodnight Papa Bear" ani ni Sarah "We love you so much"
"I love you more Baby Bears" ani ni Aldrin sabay tingin sa asawa "I love you with all my life our Mama Bear"
"I love you Papa Bear" ani ni Sarah, umayos na sila ng higa, maya maya ay tulog na sila
Sa kwarto naman nina Patricia at Redford, tulog na si Redford at nakayakap sa bewang ng asawa na nakaupo pa sa kama, naalala niya ang mga nangyari kanina, lahat masaya, walang problema, pero hindi siya, hindi pa siya tapos sa pamilyang to, lalo kay Sarah, kailangan makuha niya ang loob nito, lahat gagawin niya para mapalapit sa prinsesa ni Aldrin, at sa huli siya ang sisira dito, bigla siyang napatingin sa asawa "Sorry Red, but I have to this, masyado mong mahal ang pamilya mo at alam ko na hindi mo na ako kayang ipriority, pero I can manage" sabay ngiti
Kinabukasan, pagkatapos mag almusal ay inihatid naman ni Redford sina Sarah at Patricia pabalik sa condo, si Aldrin ay nauna na sa opisina dahil may early morning meeting pa ito, bumukas na ang elevator sa floor nila, una nilang madadaanan ang unit nila Sarah
"O paano Sarah, uuwi na rin ako, may mga gagawin pa ako" ani Patricia pagdating nila sa pintuan ng unit nila Sarah
"Ah sige, salamat"
"Sus wala yun, pag may kailangan ka puntahan mo lang ako ahh"
"Sige" nakangiting ani ni Sarah at tumalikod na si Patricia, pumasok naman si Sarah sa loob ng unit, muling lumingon si Patricia at ngingiti saka naglakad ulit pauwi naman sa unit nila ni Redford.
Pagpasok ni Sarah ay naabutan niyang nagwawalis na si Adel
"Good morning Mam" nakangiting bati nito sa kanya
"Good morning, anong oras ka nakauwi?"
"Ah kararating rating ko lang po, Mam salamat ah, kasi pinayagan mo ako makauwi sa amin kahit three days lang"
"Kamusta naman ang nanay mo?"
"Okay na po siya Mam, sinumpong lang po ng highblood"
"Ahh mabuti naman okay na siya"
"Kaya nga po, nag-alala rin po talaga ako sa kanya, ah Mam, kumain na po kayo? Gusto niyo po maghain ako?"
"Ay hindi na, kumain na kami sa mansion, wag ka nang mag-abala, o pagkatapos mo magpahinga ka muna, mukhang puyat ka pa"
"Ah medyo nga po Mam, maaga po kasi akong umalis sa amin"
"O siya, sige magpahinga ka na lang muna"
"Sige Mam, salamat talaga" sagot nito, tumalikod naman na si Sarah para pumasok sa kwarto, nakangiti naman na naiwan si Adel "Hmm, ang bait talaga ng mag-asawang to, swerte ko sa kanila, buti na lang dito ako binigay ni Madam hindi kay Sir Redford, naku, baka maaga akong tumanda" ani nito sa sarili at pinagpatuloy na ang ginagawa.