Episode 40

1186 Words
Lumipas pa ang mga araw at linggo, every weekend ay nag-istay silang lahat sa mansion, si Patricia naman ay bumalik na rin sa trabaho, sa Prod Area pa rin siya at okay naman na sa kanya, isang araw dinalaw ni Leina si Sarah sa condo kasama si Baby Jayr, nasa school naman kasi ang tatlong panganay nila "Tata" ani ni Baby Jayr "Hi baby" sabay halik sa pisngi nito at bumeso rin kay Leina "Pasok, upo kayong mag-mommy" ani ni Sarah "Kamusta Mardz?" ani ni Leina "Ayus naman" sabay tingin sa may kitchen "Adel, makikilabas ng juice please" "Okay po Mam" "Buti naman dinalaw niyo ako" "Oo naman, maya maya pa naman ang uwi ng tatlo" "Sama ako" "Saan?" "Sa pagsundo, naiinip kasi ako dito eh" "Sure ka ba?" "Oo naman" "Okay lang, tapos puntahan natin si Matt, magpalibre tayo ng lunch" "Sige, tatawagan ko si Aldrin, magpapaalam ako" "Kamusta naman Mardz, sabi mo okay na kayo ng Tita ni Aldrin?" "Hmm, oo, nagsorry na kasi siya" "Buti naman narealize niya ang mga mali niya" "Oo nga, pero alam mo Mardz, parang may 5% pa rin na hindi ako kumbinsido" "Baka napapraning ka lang" "Sana nga Mardz, sana nga mali ako, nakikita ko naman na talagang nag eeffort siya pati kay Lola, dati hindi yan sila nag-uusap ni Lola kung hindi siya kakausapin nito, pag weekend nga kasi andun kami sa mansion, tumutulong pa siya kay Lola sa pagpeprepare, hindi na nga ako lumalapit minsan kasi baka sabihin niya epal ako, at saka pagkakataon na niya yun na mapalapit kay Lola" "Oo nga Mardz, tama wag ka na lang lumapit sa kanila, yaan mo silang magbonding na magbiyenan" "Tata pey" ani ni Baby Jayr sabay hawak sa kamay ni Sarah "No baby, hindi pwede magplay si Tita" ani ni Leina "Naiintindihan mo siya Mardz" natatawang ani ni Sarah, napangiti rin si Leina "Naku pag lumabas na yang kambal niyo at nag-aaral nang magsalita, matututunan mo rin kung paano intindihin ang sinasabi nila" "Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya" "Naku yung tatlo nga kinukulit kami ng Daddy nila, hingin daw namin ang isang anak mo para may kalaro si Baby Jayr, tapos sabi ni Tintin para raw hindi inaasar ni Chabelita itong si Bunso, sagot naman ang Chabelita na hindi niya inaasar si Bunso, natutuwa raw kasi siya sa mata, paano Mardz, kapag naiinis tong si Jayr, pailalim kung tumingin tapos salubong talaga ang kilay" natatawang kwento ni Leina "Ay grabe siya" ani ni Sarah sabay harap kay Baby Jayr "Yaan mo nak, malapit ka nang magkaroon ng kalaro" sabay hawak sa magkabilang pisngi, ngumuso naman si Baby Jayr kaya kiniss ito ni Sarah sa lips "Ano kaya gender nila?" "Kaya nga Mardz, naeexcite na akong malaman kung ano ang gender ng mga anak ko, inuunti unti na nga namin ang kwarto nila" "Naku tama yun Mardz, unti untiin niyo na, kasi pag lumabas sila wala na, sa kanila na ang focus mo, sabagay may maid ka naman" "Iba pa rin kung merong umaalalay na nanay, siyempre may alam na sila eh, sayang lang, hindi na inabot ng mga magulang namin ang mga apo nila" "Okay lang yan, andito ako, pwede mo naman akong tawagan kung kailangan" "Dito ka na lang pag nanganak ako please" biro ni Sarah "Ay iba rin" natatawang sagot ni Leina, natawa rin si Sarah at hinimas ang tiyan, tinusok naman ito ni Baby Jayr at tumawa "Nak bakit?" umiling lang ang baby pero panay pa rin ang tusok sa tiyan ni Sarah at tumatawa "Mardz, maliligo lang ako ah, wait lang" "Sige Mardz dito lang kami" tumayo na si Sarah at pumasom sa kwarto nila, maya maya ay lumabas na ito at umalis na rin sila. Lumipas pa ang mga oras, nasa may restaurant na sila, ilang saglit lang ay dumating si Aldrin "Bebear ko, andito ka rin" ani ni Sarah, lumapit ang asawa sa kanya, hinawakan siya sa pisngi at hinalikan sa labi "Ninong" ani ng tatlong batang babae at humalik sa pisngi ni Aldrin "Buti andito ka Bebear" ani ni Sarah sa asawa "Oo tinawagan rin ako ni Matt nagyaya maglunch kasama kayo" "Kamusta Pre? Ano yung sinasabi mo pala kanina?" ani ni Matt kay Aldrin "Ahh, wala naman, may nakarating sa akin na parang lumalaki ang demand sa Prod Area pero kaunti lang ang nadadagdag sa sales, I think kailangan kong ipacheck sa accounting, baka kasi may mali sa mga deliveries" "Naku Pre pacheck mo na agad" "Oo nga eh" Maya maya ay dumating na ang mga inorder nila, sarap na sarap naman ang mga bata sa kinakain "Uy mga biik" ani ni Aldrin "Dahan dahan naman mga anak, baka mabulunan kayo" "Opo Ninong dahan dahan lang kami mag eat" ani ni Tintin "Dahan dahan pa pala yan" natatawang ani ni Aldrin "Naku sinabi mo pa" ani ni Leina sabay tingin sa mga anak "Mga anak, maraming foods, at kapag gusto niyo pa pwede pang umorder ulit, please wag masyadong mabilis kumain baka hindi kayo matunawan" "Opo Mommy" sabay sabay na sagot ng tatlo "Eh Pre" ani ni Matt "Alam na ba ni Tito Redford mo ang nangyayari sa Alcantara?" "Mamaya may meeting kami, kasama yung mga Department Heads, sana nga may mali lang sa records" "Sana nga Pre, ang laki ng kumpanya niyo, hindi malayong may gumawa ng hindi tama" "At hindi ako papayag na magtagumpay siya" ani ni Aldrin Maya maya ay natapos na silang kumain, sumama si Sarah kina Leina, dun muna siya, susunduin na lang siya ng asawa niya mamaya, napagkasunduan din nila Leina at Sarah na maggrocery muna para sa dinner nila, si Sarah ang magluluto at iluluto niya ang tinurong putahe ni Lola Consuelo sa kanya, ang paborito ni Aldrin na Cordon Bleu, magluluto naman ng pasta si Leina Lumipas pa ang mga oras, halos magkasunod na dumating sina Matt at Aldrin, at sabay sabay na silang kumain "Ninang ang sarap po" ani ni Chabelita "Thank you Baby" "Mommy bukas baon kami nito" ani ni Cruzita "Naku po" ani ni Leina "Meron pa naman Mardz" ani ni Sarah "Anak, sure ba kayo magbabaon kayo ng rice at Cordon Bleu bukas?" "Ay hindi po rice Mommy, ulam lang po" ani ni Tintin "Wow diet sila, no rice" natatawang ani ni Aldrin "Hindi sila nagbabaon ng rice kasi 3 hours lang ang pasok nila" "Mga anak" ani ni Matt "Sige magbabaon kayo niyan bukas pero kakain niyo pa rin ang fruits niyo bukas" "Yes Daddy" ani ng tatlo "Nagustuhan niyo talaga ang luto ni Ninang ahh" "Masarap po kasi" ani ni Chabelita "Okay" Maya maya ay tapos nang kumain ang mga bata, naiwan na silang matatanda sa may mesa "Pre ano?" ani ni Matt "Ayun Pre, ichecheck ng accounting ang sales and deliveries, yun ang pinapapriority ko sa kanila, kaya may mga nakaassign na mga tao para dun at kung kailangan mag-OT gagawin nila" "Oo nga Pre, sana makita nila agad ang butas" "Sana nga, baka kasi mawalan ng tiwala ang investors sa kumpanya, sayang ang pinagpaguran naming lahat" Hinawakan ni Sarah ang kamay ng asawa at nginitian "Kayang kaya yan Bebear" "Salamat Bebear".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD