Lumipas pa ang mga araw, patuloy ang pag-iimbestiga nina Aldrin sa kumpanya, hindi muna nila ito sinabi kay Lola Consuelo, isang gabi sa unit nina Redford at Patricia, nag-uusap ang mag-asawa habang naghahapunan "Baby, sigurado ba si Aldrin? Baka may mali lang" "Kaya nga nagpapaimbestiga siya, sana nga may mali lang sa records at walang anomalya" "P-paano pag meron?" "Eh di malamang hindi lang basta tatanggalin sa trabaho yung taong yun, malamang kakasuhan at ipapakulong pa" sagot ni Redford, hindi naman na kumibo si Patricia Sa unit naman nina Sarah at Aldrin, katatapos lang nilang magdinner at pumasok na sa kwarto nila, naupo si Aldrin sa gilid ng kama, tinabihan naman siya ni Sarah "Bebear" ani ni Sarah "Okay ka lang?" "Oo naman Bebear" Hinawakan ni Sarah ang kamay ng asawa

