Episode 16

1208 Words
"Kinausap ako ni Redford, may gusto siyang mangyari" "Ano po yun La?" "Gusto na niya kunin ang mamanahin niya sa akin" "Po?!" "Apo, hindi ko akalain na maririnig ko sa kanya yun" iyak na ani ni Lola Consuelo "Kalma lang La, tatapusin lang namin tong inaayos namin dito sa condo tapos pupuntahin ka namin dyan sa mansion, relax ka muna La, magpahinga ka muna at wag kang masyadong mag-isip muna" "Sige apo" "Sige na La, magrest ka muna, bye" "Bye" ani nito sabay off ng phone "Ano yun Bebear?" ani ni Sarah "Si Tito Redford, gusto raw kunin na ang mamanahin niya kay Lola" "Ano? Buhay pa si Lola ah, ano ba naman yan" "Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko, kawawa naman si Lola" "Kaya siguro sila bumalik para dun" "Tsk! Hindi ko alam eh" ani ni Aldrin sabay upo sa gilid ng kama, tinabihan naman siya ni Sarah at hinimas sa likod "Bebear, kausapin mo kaya ang Tito mo" "Alam mo, hindi talaga kami okay ni Tito, hindi ko alam pero, parang dati pa bago siya umalis, parang pinag iinitan niya ako, kaya nga ako lumipat sa condo, saka isa rin siya sa reason kaya umalis na lang ako sa Alcantara Inc, kasi parang ayaw niyang andun ako, kesa lumala ang sitwasyon namin ako na lang ang umiwas, pero aalis rin pala siya, nun kasing nalulong siya sa sugal, nalugi ang negosyo niya, hawak din to ng Alcantara pero sa kanya yun, hinayaan na lang siya ni Lola na umalis dahil gusto niya raw na magkaroon ng bagong buhay sa ibang bansa, halos sabay silang umalis ni Patricia nun" "Halos sabay silang umalis?" "Oo" "Tapos sila ang nagkatuluyan?" "Alam mo parang alam ko na yang iniisip mo" "Bakit?" "Kasi naiisip ko rin yan, na baka meron kaming hindi alam ni Lola tungkol sa kanilang dalawa" "Ewan natin diba?" "Pero yaan na natin yun" ani ni Aldrin nang tumunog ang doorbell "Baka yan na yung delivery" at tumayo na si Aldrin at lumabas ng kwarto sumunod naman si Sarah sa kanya at dumiretso ito sa dining "Bebear eto na ang pagkain" "Sige Bebear, maghahanda lang ako ng pinggan, alam mo ang daming kulang dito" "Alam ko naman yun, pagkatapos natin magpunta kay Lola mamili tayo ng mga gamit para dito sa bahay" "Sige ikaw ang bahala, paano ka dati dito?" "Eh wala, kasi madalas naman sa labas na ako kumakain kaya puro tubig lang laman ng ref ko, tubig at beer" "Sus naman yan" "Kaya nga, dahil andito ka na, alam ko mapapaganda mo to" "Okay Bebear" nakangiting ani ni Sarah Ilang oras pa ang lumipas, nagpunta na sila sa mansion, nakapasok na sila sa loob at paakyat na sa taas "Bebear, iinom lang ako" ani ni Sarah "O sige Bebear, sunod ka na lang sa kwarto ni Lola" "Okay" nagpunta na sa kusina si Sarah at umakyat na sa taas si Aldrin, paakyat na sana si Sarah nang marinig niya ang boses ni Redford, kaya nagtago muna siya sa may gilid ng hagdan "They here" ani ni Redford "Malamang nagsumbong na ang mama mo kay Aldrin" ani ni Patricia "Ikaw naman ang may gusto nito diba? Ang sabihin ko yun kay Mama?" "Gusto ko nang bumalik sa New York, ayoko na dito" "Ano bang problema mo? Apektado ka ba kay Aldrin ha?" "Alam mo sa totoo lang nagsisisi ako ngayon dahil pinili kita over him" "Hoy Patricia, wag mo akong paandaran, pinagsabay mo nga kami diba? Pero tinanggap ko yun dahil mahal kita, ang tagal mong makipaghiwalay sa kanya" ani ni Redford, napatakip naman ng bibig si Sarah dahil sa narinig, tama nga ang hinala nila "Sana nga siya na lang pinili ko, sana kasal na kami at higit sa lahat sana mas okay ang buhay ko" Hinatak ni Redford sa braso si Patricia "Lahat ginawa ko para sayo hindi pa ba sapat?" "Hindi Redford, kulang pa, ang sabi mo lahat ibibigay mo sa akin, pero pati pala ang pasakit ibibigay mo" "Tumigil ka!" "I hate you Redford!" sabay akyat sa taas, sinundan naman ito ni Redford, nang makasigurado si Sarah na wala na ang dalawa ay umakyat na rin siya at dumiretso siya sa kwarto ni Lola Consuelo, naabutan niyang masinsinang nag-uusap ang dalawa "Ahm, sa kwarto na lang muna ako" ani ni Sarah, lumapit siya kay Lola Consuelo at nagmano "Dito ka lang, bahagi ka na ng pamilya Sarah" ani ni Lola Consuelo, naupo naman si Sarah sa tabi ni Aldrin "La, nasa iyo po ang desisyon" ani ni Aldrin "Iniisip ko nga na ibigay ang hinihingi niya apo, at para bumalik na sila sa New York ng asawa niya" ani ng matanda, napatingin naman si Sarah dito, naalala niya ang narinig na pag-uusap ng dalawa "Pero paano po ang negosyo kung aalis rin siya" "Walang magiging problema dun Aldrin, dahil majority of my share sa Alcantara Inc ay sayo mapupunta, 80% sayo at 20% lang ang kanya" "La baka magalit siya" "I know, pero its my decision, walang mangyayari sa Alcantara Inc kung ibibigay ko sa kanya ang lahat" "Okay La" "Aayusin ko na ang mga papeles para sundin ang gusto niya at makaalis na sila" "Sinabi ba nila na aalis na sila once na makuha ang mana niya?" "Wala pa siyang sinabi sa akin, pero sana nga bumalik na lang sila sa New York" ani ng matanda, hindi rin nakakibo si Sarah, magiging napakayaman nga ni Aldrin pag nagkataon, naisip niya paano nga ba kung matuloy ang plano ni Lola Consuelo ano kaya ang magiging reaksyon ng mag-asawang Redford at Patricia, sigurado niyang hindi matutuwa ang dalawa lalo na si Patricia Ilang oras pa ang lumipas, lumabas na sa kwarto ng matanda sina Aldrin at Sarah, uuwi na rin sila condo, nasalubong naman nila si Redford "Aldrin, Sarah" "Tito" ani ni Aldrin "Alam kong alam niyo na ang tungkol sa hinihingi ko kay mama" "Yeah, pero na kay Lola pa rin ang huling desisyon" "Tama ka naman dyan" "Pero if ever, babalik na ba kayo sa New York?" "Depende" ani ni Patricia, napatingin sila pareparehas dito "Kung gugustuhin ni Mama na magstay kami, mag-istay kami" ani pa nito, napakunot naman ng noo si Sarah, kanina lang gustong gusto na nito umalis at bumalik sa New York "Yes" ani ni Redford "Kung ano ang magiging desisyon ni Mama ay susundin ko" tumango tango naman si Aldrin, lingid sa kaalaman nila, narinig ni Lola Consuelo ang pag-uusap nila "Sige Tito, uuwi na kami" "Magkasama na ba kayo sa iisang bubong?" ani ni Patricia "Oo sa condo na nakatira si Sarah" "Okay" "Bakit?" ani ni Sarah "Wala lang" sabay tingin kay Redford "Red, matulog na tayo" "Sige Patty, matulog na tayo, bukas ko na lang ulit kakausapin si Mama" at tumingin ulit kay Aldrin "Sige Aldrin, Sarah, mag iingat kayo" "Sige Tito, salamat" ani ni Aldrin at magkahawak kamay silang bumaba ni Sarah sa hagdan "You have to change your strategy Red" ani ni Patty pagkapasok nila sa kwarto "Kung gusto mong manatili tayong mag-asawa" "Sige gagawin ko ang lahat para sayo Patty" ani ni Redford sabay yakap dito "Akin ka lang Patty, hindi ako papayag na bumalik ka kay Aldrin" "Pwes gumawa ka ng maayos na paraan" "Oo naman" sabay halik sa labi nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD