Episode 17

1247 Words
Kinabukasan, naiwan sa condo si Sarah, napaupo siya sa sofa at naalala niya ang mga narinig mula sa pagtatalo nina Redford at Patricia, hindi siya mapakali kaya tinawagan niya si Leina "Hello Mardz" ani ni Sarah "Mardz, nasaan ka?" "Dito ako sa condo Mardz" "Busy ka?" "Hindi naman masyado Mardz, kami lang ni Baby Jayr dito ngayon kasi wala ang tatlong babae namin, sinundo ng Lolo Ferdie nila" "Mardz pwede ako magpunta dyan?" "Oo naman, sige antayin kita dito" "Sige Mardz, maliligo lang ako" Lumipas pa ang ilang sandali, nasa condo na nina Leina si Sarah, kinuha naman ni Sarah si Baby Jayr nang pagbuksan siya ni Leina ng pinto, tuwang tuwa rin naman ang baby nang makita siya, kinakagat pa siya nito sa pisngi "Naku tuwang tuwa naman ang Jayr ko sa Tita Sarah niya" "Oo nga eh, puro laway na pisngi ko" "Mardz, upo ka, dito ka na kumain samahan mo ako, nagluto ako ng chopsuey at fish fillet" "Sige Mardz" ani ni Sarah at naupo na sa sofa habang kandong si Baby Jayr "O, may problema ba?" "Mardz, may sasabihin ako sayo, pero sa atin lang muna ha?" "Bakit? Ano ba yun?" "Kagabi nagpunta kami sa mansion kasi umiiyak si Lola Consuelo na tumawag kay Aldrin, tapos naiwan ako saglit sa baba kasi uminom ako, pabalik na sana ako sa taas nang narinig ko si Tito Redford at Patricia, nag-aaway sila, alam mo Mardz, narinig ko sabi ni Tito Redford, pinagsabay ni Patricia silang dalawa ni Aldrin, tapos sabi ni Patricia nagsisisi siya na si Tito Redford ang pinili niya" "Ha? Patay tayo dyan Mardz" "Alam mo yun talaga hinala namin ni Aldrin eh, na may tinatago silang dalawa" "Alam na ba ni Aldrin?" "Hindi ko sinabi, hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Aldrin" "Siguro mas maigi nga na wala muna siyang alam kasi baka lalo pang magkagulo, at saka past naman na yun, I'm sure balewala na rin kay Aldrin yun" "Sana nga Mardz" ani ni Sarah nang biglang nagring ang phone niya, si Aldrin tumatawag "Hello Bebear" ani ni Aldrin "Bebear" "Anong ginagawa ng Bebear ko?" "Andito ako kina Leina, nainip kasi ako, wala pa akong magawa sa condo kasi hindi pa tayo nakabili ng mga gamit, eh sakto mag-isa lang si Leina at saka si Baby Jayr" "Ganun ba? O sige mamaya mamimili tayo, dyan na lang kita susunduin" "Okay Bebear" "O sige na, tinawagan lang kita, namiss ko Bebear ko eh, I love you" "Miss rin kita Bebear, I love you too" "Bye" "Bye" at inoff na ni Sarah ang phone niya at napatingin kay Leina "Wag ka nang malungkot Mardz, yaan mo na yun" ani ni Leina, ngumiti naman si Sarah Lumipas pa ang mga araw, naitakda ang Civil Wedding nina Aldrin at Sarah, kaunti lang ang inimbitahan nila, andun din si Ferdie, Minda at Linda, nagNinong kasi si Ferdie at Ninang si Linda, andun din ang mga Ledesma Kids "Ninong aalis din kayo ni Ninang? Punta din kayo sa Japan tulad ni Daddy at Mommy? " ani ni Tintin habang kumakain sila "Hindi pa nak, after na lang ng kasal namin sa church" "Ahh okay po" Bumulong naman si Aldrin kay Matt at Leina "Parang naintindihan niya noh?" "Naku sinabi mo pa" ani ni Leina, napangiti naman si Matt "Bebear tingnan mo si Baby Jayr o, kinakain nanaman niya ang cheeks ko" ani ni Sarah, kandong kasi niya ang baby kasi tapos na rin siyang kumain, natawa naman si Aldrin nang may biglang lumapit sa kanila "Congrats Aldrin, Sarah, sorry were late" ani ni Redford "Ahm Thank you Tito, upo na kayo para makakain na" ani ni Aldrin "Sige, lapitan lang namin si Mama" "Sige" ani ni Aldrin, kausap kasi ni Lola Consuelo ang mga magulang nina Matt at Leina, lumapit nga sina Redford at Patricia sa mga matatanda tapos ay naupo na sa kabilang mesa "Alam mo Pre" ani ni Matt "Parang mas lalong naging mukhang masungit si Patricia" "Oo nga at wag kang maingay baka sapukin ka" tatawa tawang biro ni Aldrin "Susumbong ko siya sa Mahal ko" ani ni Matt, nangingiting naiiling naman si Leina, maya maya ay nagpaalam si Sarah na magsiCR muna, kasama naman niya si Chabelita dahil iihi raw ito, naghuhugas na sila ng kamay nang lumabas si Patricia galing sa kabilang cubicle "Hi Sarah" "Hi" nakangiting ani ni Sarah "So, are you happy?" "Oo naman" "Mas masaya siguro kung church wedding" "Tuloy pa rin naman yun, same date pa rin, gusto kasi ni Lola na maikasal na kami" "Si Mama ba talaga o ikaw?" Napatingin si Sarah kay Chabelita na nakatingin sa kanila tapos ay kay Patricia "What do you mean?" ani ni Sarah "Wala lang, as we all know that Aldrin is super rich, baka naman ginusto mo na makasal lang agad para umangat ang buhay mo" "Mahal ko si Aldrin, hindi ako katulad ng ibang babae dyan na sa pera lang umiikot ang mundo nila, na kung sino ang mas may pera dun sila" nabigla si Patricia, pakiramdam niya ay pinariringgan siya ni Sarah "O Bakit parang lalo kang namutla? May nasabi ba ako?" "Pasalamat ka may bata hindi kita papatulan" "Wow, scary!" "Ninang galit ba siya?" ani ni Chabelita "I don't know baby" habang nakatingin kay Patricia "I think we better go na Chabelita" "Tara na po Ninang" ani ng bata at magkahawak kamay silang lumabas sa CR, namumula naman sa inis si Sarah, inihatid niya si Chabelita sa mommy nito at napansin ni Leina na mukhang galit siya "Mardz, anong nangyari?" "May nang-aaway po kay Ninang" ani ni Chabelita "Mardz, ano yun?" Biglang tumulo ang luha ni Sarah, ganun talaga siya pag hindi mailabas at galit o inis, naiiyak talaga siya "She confronted me" "She?" at napansin naman ni Leina ang paglabas ni Patricia mula sa CR at naupo sa tabi ng asawa "Si Patricia ba?" hindi kumibo si Sarah, napayuko na lamang ito "Mardz, inano ka niya?" "Sabi niya pera lang daw siguro ang gusto ko kaya ako nagmamadaling magpakasal kay Aldrin, gusto ko lang umangat ang buhay ko dahil alam kong mayaman si Aldrin" "What?" ani ni Aldrin, hindi nila namalayan na nakalapit na pala ito "Bebear" ani ni Sarah "Aldrin, calm yourself" ani ni Leina, lumapit na rin si Matt "Bakit?" tanong ni Matt, walang nagsalita sa kanila, nilapitan ni Aldrin si Sarah at saka niyakap ito, galit siya pero ayaw niya ng eskandalo, binulong naman ni Leina kay Matt ang nangyari "Pre, I think we better go, at saka kalmahin mo muna ang sarili mo, wag niyo nang patulan mas maigi pa" "Sabi ko sayo Pre, I will protect my wife in anything that will hurt her" pigil na galit na ani ni Aldrin "Kaya nga, mabuti pa lika na, tutal tapos naman nang kumain ang lahat, sa condo muna kayo, pag-usapan natin kung gusto niyo, lika na" "Ako na ang magpapaalam sa kanila" ani ni Leina, lumapit naman siya sa mga bisita, pero napansin ni Lola Consuelo na iba ang timpla ng apo, nang makalabas na sila sa restaurant ay nilapitan niya si Aldrin "Apo, may problema ba? Iba ang timplada mo alam ko" "Wala La, okay lang po ako, don't worry" "Okay, pero sa weekend ahh, punta kayo sa bahay ni Sarah, may sasabihin ako sa inyong lahat" "Okay po La" "Aalis na ako" "Sige La, ingat ka" "Kayo rin" at humalik na si Aldrin sa pisngi ng Lola niya, lumapit din si Sarah dito para magpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD