Umuwi na lamang sa condo nila si Aldrin at Sarah, naupo sila sa may sofa, niyakap naman ni Aldrin ang asawa
"Sorry Bebear, I know you're hurting dahil sa sinabi ni Patricia"
"Napikon lang ako Bebear, minahal kita kasi mahal kita, hindi yun dahil sa pera mo, ayoko lang din ng gulo kanina, ayoko rin naman siyang patulan"
"Tama yun wag mo na nga siyang patulan pa"
"Nagseselos siguro siya"
"Bakit naman?"
"Baka gusto ka pa niya"
"Naku noh, malabo yan Bebear, at saka kung talagang gusto niya ako, wala na siyang pag-asa, may mahal na ako, may asawa na ako na mahal na mahal ko"
"Ako?" nakangiting ani ni Sarah
"May iba pa ba?" sabay halik sa labi ni Sarah "Kalimutan na natin ang nangyari Bebear ha?"
"Oo Bebear, hindi ko na lang papansinin ang Tita mo"
"Tita mo na rin yun, mag asawa na tayo"
"Ayoko siyang Tita" natatawang ani ni Sarah
"Maiba tayo Bebear, nagmukha nang bahay ang condo natin, galing mo talaga"
"Thank you nagustuhan mo"
"Sa susunod mga baby bears naman"
"Oo naman, baby bears" sabay yakap sa asawa, hinalikan naman siya sa noo ni Aldrin
Lumipas pa ang mga araw, dumating ang weekend, bandang 6pm dumating ang mag-asawang Aldrin at Sarah sa mansion, sinalubong sila ng lola nila
"Good evening La" ani ng dalawa at humalik sa pisngi
"Kamusta ang mga apo ko?"
"Okay na okay po La"
"O sana magkaroon na tayo ng mga chikiting na Alcantara"
"Soon La, wag kang mag-alala" sagot ni Aldrin
"O lika pasok kayo, antayin na lang natin yung dinner natin" at naupo sila sa may sofa
"Ahh La, andyan sila Tito?"
"Oo nasa taas" pabulong na sagot ni Lola Consuelo
"Ano bang nangyari nung kasal?"
Nagkatinginan ang mag-asawa "Hayaan mo na yun La, para wala na lang gulo" ani ni Aldrin
"Basta, kung kailangan niyo ng tulong ko sabihin niyo lang"
Maya maya ay kumain na sila ng dinner, sabay sabay silang lima at tahimik lang
"Mamaya after this dinner, pumunta kayong lahat sa opisina, may sasabihin ako" ani ni Lola Consuelo, hindi naman sila kumibo pero understood na yun na kailangan nilang pumunta lahat sa opisina
Pagkatapos nilang kumain ay nasa opisina na ang apat, magkatabi ang mag-asawang Redford at Patricia, at magkatabi ang mag-asawang Aldrin at Sarah tapos ay magkakatapat sila, inaantay pa nila si Lola Consuelo
"Bebear" bulong ni Sarah "Ang ginaw"
Napangiti si Aldrin "Gusto mo hinaan ko ang aircon"
Umirap naman si Patricia "Hindi kasi sanay sa aircon" ani nito, napatingin naman ang tatlo sa kanya "Ah joke lang, mukha kasing tensyonado tayong lahat" hindi naman kumibo ang tatlo, inakbayan naman ni Aldrin si Sarah at hinapit ito sa bewang, sinandal naman ni Sarah ang ulo sa may balikat ng asawa, hinimas pa ni Aldrin ang braso nito, umirap ulit si Patricia, naiirita siya nakikita, niyakap rin siya ni Redford pero umiwas siya "Naiinitan ako, hindi ako giniginaw" sabay irap sa asawa, hindi naman kumibo si Redford, siya namang pasok ni Lola Consuelo at naupo sa gitnang upuan nila, umayos naman ng upo ang apat
"As we all know, majority of the shares sa Alcantara Inc. ay nasa akin, sa akin, and since gusto nang makuha ni Redford ang dapat na mamanahin niya mula sa akin, kahit buhay na buhay at malakas pa ako"
"Ma"
"Hindi pa ako tapos Redford" tapos ay tumingin ulit sa lahat "Willing akong ibigay naman yun sa natitira kong anak" napangiti sina Redford at Patricia "Pero hindi lahat ng shares ko at asset ako, dahil may mga iba pang tao na umaasa sa kumpanya, 20% lang of my shares ang mapupunta sayo at ang rest house sa Batangas and this mansion, pero siyempre hanggat buhay ako, dito pa rin ako sa mansion at akin pa rin ang last decision, yung rest house sa Batangas bahala ka kung ano ang gusto mong gawim"
"What?!" ani ni Redford
"Yes, it's my decision, I'm doing this for the company, pero pwede ko pang baguhin yun, depende kung papayag ka sa gusto ko"
"Ano po yun?"
"Magtatrabaho ka sa Alcantara Inc. under Aldrin's supervision, at kapag naging maayos ang performance mo, baka magbago ang desisyon ko"
"Under Aldrin's supervision?"
"Yes, why not?"
"Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao dun? Mas mataas pa ang posisyon ng pamangkin ko kesa sa akin?"
"Well Redford, napag-aralan na ni Aldrin ang pasikot sikot sa kumpanya, and so far so good ang tinatakbo nito, kaya mo bang mapanatili yun kung sakali?"
"Kakayanin ko Ma"
"Okay pero depende yun sa magiging performance mo, kailangan mo munang may mapatunayan"
"Wala ka pa ring tiwala sa akin Ma"
"Masisisi mo ba ako anak?"
"Ahm Ma" ani ni Patricia "Pwede po ba na pag-usapan muna naming mag-asawa?"
"Sige ayos lang naman"
"Let's go Red" ani ni Patricia sa asawa, tumayo naman ang dalawa at lumabas na sa opisina
"La, ano yun?" ani ni Aldrin
"I want him to prove himself, take it or leave it for him"
"Pero if ever maging okay ang performance niya?"
"Magiging 60-40 ang hatian niyong dalawa 60 sayo at yung natitira pang ibang property ko"
"Pero La, okay lang naman sa akin kung kay Tito niyo ibigay"
"No Aldrin, may mga taong umaasa sa kumpanya, at mas may tiwala ang mga investors sayo"
"La, alam mo naman na galit si Tito sa akin, kaya nga ako umalis nuon, baka lalo siyang magalit"
"Wala siyang magagawa Aldrin" saka nito hinawakan sa kamay ang apo "Please apo, hindi lang ako ang umaasa sayo ngayon" ani ni Lola Consuelo, pero hindi agad nakakibo si Aldrin, hinimas naman siya ng asawa sa braso
"Okay po Lola"
"Salamat"
Sa kwarto naman nina Redford at Patricia
"s**t! s**t ka talaga Aldrin!" galit na ani Redford
"Tingin mo may mangyayari dyan sa arte mong yan?" ani ni Patricia
"Wag kang sumabay, baka kung anong magawa ko sayo"
"Tanggapin mo na lang ang gusto ng mama mo and prove yourself"
"So okay lang sayo na magstay pa tayo ng mas matagal sa Pilipinas?"
"Okay lang, titiisin ko ang lahat, pero pag naging okay ang lahat aalis na tayo at babalik sa New York" hindi na kumibo si Redford, pero may ibang plano si Patricia, alam niya na kahit anong gawin ng asawa niya ay mas may tiwala ang matanda kay Aldrin at mas malaki ang makukuha nito, may nabuo siyang plano sa isip, babawiin niya si Aldrin, sisirain niya si Sarah at Redford, kailangan si Aldrin at siya lang sa huli, nilapitan niya ang asawa "Do it for our future Red"
"Okay Patty, para sayo gagawin ko ang lahat" sabay yakap sa asawa
Sa baba naman nagpaalam na ang mag-asawang Aldrin at Sarah kay Lola Consuelo
"Paano po La, aalis na kami" ani ni Aldrin
"Sige mag-iingat kayo"
"Ikaw rin La, ingat ka"
"Wag mo akong aalalahanin iho" at napatingin kay Sarah "Sarah, apo, okay ka lang?"
"Opo La, okay lang po ako"
"Mukhang tahimik ka kanina pa"
"Ah pagod lang po siguro ako La"
"O sige take a rest" tapos ay tumingin kay Aldrin "Aldrin baka naman pinapagod mo ang asawa mo"
"Naku La hindi po ah" sabay hapit sa bewang ni Sarah, napangiti naman si Sarah sa asawa
"O siya sige gabi na, mag-iingat kayo"
"Sige po La, bye" ani ni Aldrin at humalik na sa pisngi ng matanda, ganun din ang ginawa ni Sarah.