Episode 19

1094 Words
Nakauwi na ang mag-asawang Aldrin at Sarah, nagpapahinga na sila sa kwarto at nanonood ng tv "Bebear, paano yun? Paano kung awayin ka ni Tito Redford sa opisina?" "Hindi naman siguro mangyayari yun Bebear" "Sana nga" "Wag ka na masyadong mag-isip" "Nag-aalala lang ako sayo" "Malakas ako noh, hindi ako magpapatalo" "Gusto ko ng simpleng buhay lang Bebear" "Wag kang mag-alala Bebear, lahat naman gagawin ko para sa atin, para maging tahimik ang buhay natin" "Mahal na mahal kita" "Sus ang asawa ko, siyempre mahal na mahal rin kita, mabuti pa magrest ka na" "Bebear tuloy ba tayo bukas?" "Oo nga pala may food tasting pala tayo, oo naman tuloy tayo tapos idedate ko ang asawa ko" Ngumiti si Sarah at yumakap kay Aldrin "Goodnight Bebear" "Goodnight Mrs. Bebear" sabay halik sa labi ng asawa Kinabukasan, maagang umalis ang mag-asawa para sa food tasting tapos ay nagpunta sila sa mall, maggogrocery sila at magdadagdag pa ng ibang gamit sa condo "Bebear, gusto ko matutunan yung niluluto ni Lola na paborito mo" "Eh di paturo ka kay Lola" "Papayag kaya siya?" "Oo naman, eh favorite ka nun eh" "Wala naman siyang choice eh" natatawang ani ni Sarah "Oo nga naman, by the way Bebear, meron pala kaming seminar sa Cebu, sa susunod na week, bale friday night aalis na dito sa Manila" "Ha?" "Oo Bebear, gusto mo sumama?" "Anong gagawin ko dun?" "Eh di dun ka lang sa hotel, sa gabi naman wala nang seminar eh, morning till noon lang, tapos mamasyal tayo" "Okay lang ba yun?" "Okay lang, gusto ko kasama ka Bebear" "Sige Bebear" Nang biglang nagring ang phone ni Aldrin, si Lola Consuelo "Hello La" "Hello apo, pumayag na ang Tito mo, he will work under your supervision" "Really La?" "Yes, kaya isama mo na rin siya sa seminar sa Cebu" "Okay La, sige, ipapahabol ko ang pangalan niya" "Sige apo, salamat" "Ah La, may gusto atang itanong ang asawa ko sa iyo" ani ni Aldrin sabay abot ng phone kay Sarah "Hello po Lola" ani ni Sarah "Yes Sarah" "Lola, pwede mo po ako turuan ng paggawa niyo po ng Cordon Bleu? Favorite po kasi ng asawa ko yun, gusto ko po sanang matutunan" "Oo naman iha, tama nga ituturo ko sayo yun, itetext ko sayo ang procedure, basta sundin mo lang" "La, pwede po patext na rin ng mga ingredients para malutuan ko siya mamaya, andito po kasi kami ngayon sa supermarket" "Sure apo, sige wait mo lang" "Thank you po La" masayang ani ni Sarah "Very Good ka dyan apo, o sige itetext ko na, bye" "Bye po" sabay off ng phone "Antayin natin ang text ni Lola, para mamaya magtatry ako magluto" "Okay" nakangiting ani ni Aldrin "Sana makuha ko ang lasa" "I'm sure makukuha mo, magaling ata ang misis ko" "Sobra naman ata ang bilib mo sa akin Bebear" "Oo naman, malakas kaya ang pananampalataya ko sayo" "Baliw ka" natatawang ani ni Sarah, maya maya ay tinext na nga ni Lola Consuelo ang mga kailangan para sa Cordon Bleu lalo sa special sauce nito, pinamili naman nila ito, pagkatapos nilang mamili ay umuwi na rin ang mag-asawa, nagpahinga muna si Aldrin habang pineprepare naman ni Sarah ang lulutuin para sa asawa niya, sinundan niya ang tinuro sa kanya ni Lola Consuelo, nang matapos siya ay nagsaing na rin siya, siya namang labas ni Aldrin mula sa kwarto "Bebear ko, hindi ka man lang nagpahinga" ani ni Aldrin habang papalapit sa asawa sa kitchen "Okay lang, basta sana magustuhan mo ang luto ko" Ngumiti si Aldrin "Oo naman, saka favorite ko na rin kaya yung Gatang Hipon mo" "Talaga?" "Oo naman Bebear ko" sabay yakap sa asawa "Matagal pa ba ang sinaing?" "Saglit na lang, upo ka muna dyan at maghahain na ako maya maya" "Tulungan na kita" "Hindi na Bebear, okay lang, role ko to bilang Mrs. Sarah Marthena Bebear Alcantara" Natawa si Aldrin "Ang kulit naman ng pangalan na yun" "Pinagtatawanan mo ba ang bago kong pangalan?" "Hindi ah, ang ganda nga eh, parang ikaw maganda" "Kekeinis ke" ani ni Sarah, tawang tawa naman si Aldrin, maya maya ay kumakain na sila, hindi makasubo si Sarah kasi gusto niya malaman ang reaksyon ng asawa "Hmm, Bebear, mmmm, masarap ha, nakuha mo, Congrats!" ani ni Aldrin sabay yakap kay Sarah "Talaga Bebear?" "Oo, sabi ko na eh, magaling talaga ang asawa ko" "Thank you" "No Bebear, thank you for doing this for me" "Mahal kasi kita, gusto ko mapasaya ka" "I love you so much Bebear, you are my life" sabay halik sa labi ni Sarah "Sige na Bebear, ubusin mo to" "Oo Bebear" at kumain na sila, tawa pa sila habang kumakain dahil sa kulitan nila Kinabukasan, maagang dumating si Aldrin sa opisina sa Alcantara Inc., maya maya ay dumating naman si Redford at dumating sa opisina ni Aldrin, bigla siyang napatayo nang pumasok ang Tito niya "Tito" "Good Morning Aldrin, or should I call you Sir or Boss?" "No need Tito, tayong dalawa lang naman ang andito" "So ano ang magiging task ko?" "Ahm, pinadala ko na sa opisina mo ang mga papeles na dapat mong reviewhin, and next week, may seminar tayo sa Cebu, one week tayo dun, friday night aalis na tayo, kahit monday pa ang start ng seminar" "So pwede ba isama ang mga misis natin?" "Yeah sure, isasama ko rin si Sarah" "Sige, tatanungin ko si Patty if she wants to join" "Sure Tito" "Baka sakali maging close sila ng asawa mo" "Tito, I want to be honest with you, pero sa tingin ko, hindi mangyayari sa ngayon na maging close sila, may mga sinasabi si Patricia na hindi magandang pakinggan lalo na kay Sarah" "Well, you know Patricia very well, may pagkaprangka talaga siya" "I know, pero hindi ko alam na judgemental pala siya" "What do you mean?" "Sinabihan niya ang asawa ko na pera lang ang gusto nito sa akin" "Baka totoo nga" "Hindi niyo kilala ang asawa ko, pero kilala ko kayo" "May gusto ka bang iparating?" "Wala naman, ang gusto ko lang sana pakisamahan niyo ng maayos ang asawa ko" "Sure, wala namang problema dun, you know what Aldrin? Wala ka pa ring pagbabago, spoiled brat ka pa rin" Nangiti at nailing si Aldrin "Talaga Tito? Spoiled Brat ako?" Hindi nakakibo si Redford, ang totoo nakakaramdam lang siya ng insecurity sa pamangkin lalo na nang sabihin ni Patricia na nagsisisi ito na siya pinili nitong pakasalan imbes na si Aldrin, lumabas na siya ng opisina nang pamangkin, napaupo naman si Aldrin sa swivel chair niya at nailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD