Episode 20

1080 Words
Kinagabihan, nakauwi na si Aldrin sa bahay nila, sinalubong naman siya ng asawa at hinalikan sa labi "Good evening asawa ko" bati ni Sarah Napangiti si Aldrin "Good evening din asawa ko" "May bisita tayo" "Sino?" "Apo" ani ni Lola Consuelo "Lola" nakangiting ani ni Aldrin, lumapit siya dito saka nagmano at humalik sa pisngi nito "Buti po dumalaw kayo" "Siyempre, gusto kong kamustahin ang anak ko, at hindi kita matatanong kung nasa mansion tayo" ani ng matanda at naupo na sila sa sofa "Hmm, first day pa lang niya, wala pa akong masabi, isang beses lang kami nagkita kanina nung pinuntahan niya ako sa opisina" "Kamusta naman ang pakikitungo niya sa iyo?" napayuko naman si Aldrin, kahit kailan kasi hindi siya nagsinungaling sa lola niya "Yung totoo Aldrin" "Eh yun po, tinanong niya ako sa task niya pero sinabihan niya akong spoiled brat nung pinagsabihan ko siya na sana pakisamahan nila ng maayos ang asawa ko" napatingin naman si Sarah sa asawa "May mga salita kasi si Patricia na alam kong nasasaktan si Sarah" Napatingin naman si Lola Consuelo kay Sarah "Totoo ba ito?" "Ah La, okay na po yun, wala lang, hindi ko na lang po pinansin" "Bakit? Ano ang sinabi ng babaeng yun?" "Wala po La" "Sarah?" Napabuntunghininga si Sarah "Nung kasal po kasi namin sa civil nagkasabay kami sa CR, tapos sinabihan niya po ako na kaya raw po siguro nagmamadali ako na makasal kami ni Aldrin kasi dahil sa pera" "Ibang klase rin talaga yang babae na yan" "Yaan niyo na po La, wala na po yun, at saka ang importante po sa akin ang asawa ko, alam naman niya na wala yung katotohanan" "Ang kapal pa rin niya, apo, kapag may nangyayaring ganyan sabihin niyo sa akin, ayoko nang minamaliit ka ng Patricia na yan, sino ba siya sa akala niya, akala mo naman, naku!" "La, relax, yan ang dahilan kaya ayaw naming sabihin sayo eh" ani ni Aldrin "Naku, kaya gusto kong umalis na sila sa mansion eh" "Wala tayong magagawa La, anak mo si Tito Redford at asawa niya si Patricia kaya ikaw relax ka lang" "La, dito ka na magdinner" ani ni Sarah "O sure, hindi tatanggi ang lola dyan" nakangiting sagot nito, maya maya ay naghanda na si Sarah at kumain na sila, pagkatapos kumain ay kaunting kwentuhan lang at nagpaalam na si Lola Consuelo "Bebear" ani ni Sarah, pagkasara nila ng pinto "Hmm?" "Thank you" "Saan?" "For protecting me" Ngumiti si Aldrin at hinalikan si Sarah sa noo saka niyakap "I told you gagawin ko ang lahat para sa iyo, mahal na mahal kita Mrs. Aldrin Bebear Alcantara" "Mahal na mahal rin kita, sobra" " Bebear pwede magrequest?" "Sure ano yun?" "Massage mo ako sa likod" "Sus yun lang pala, sige na Bebear magfreshen up ka na, mag aayus lang ako muna ako sa kusina" "Sige Bebear" sabay halik sa labi nito "Bilisan mo Bebear ah?" "Opo" Lumipas pa ang mga araw, biyernes na, sinundo na ni Aldrin si Sarah at pumunta na sila sa airport papuntang Cebu, nasa loob na sila ng eroplano at kahilera lang nila ng upuan sina Redford at Patricia "Bebear, first time ko sumakay sa airplane" bulong ni Sarah kay Aldrin at naghagikgikan ang dalawa, umismid naman si Patricia "Jologs!" ani ni Patricia "Hey, si Sarah nanaman yan noh?" ani ni Redford "Nakakaasar kasi siya, napakajologs" "Pwede ba, tigilan mo si Sarah" "Bakit ba?" "Hey, favorite siya ni Mama, baka imbes na mabago ang decision niya lalo pang maging hindi pabor sa atin ang decision niya, alam mo ang mas mabuti pa gumawa ka ng paraan para mapalapit kay Mama at wag mong inaaway si Sarah" "Yuck Red, ayoko nga" "Gawin mo kung gusto mong makabalik sa New York agad" ani ni Redford, umirap lang sa kanya si Patricia, hindi niya alam na okay lang kay Patricia kung hindi ito makakabalik sa New York, basta bumalik lang si Aldrin sa kanya, iba ang plano niya, gusto niyang magalit ang lahat kay Aldrin at siya lang ang magiging kakampi nito, gagawin niya ang lahat para sila ni Aldrin hanggang huli. Lumipas pa ang mga oras, nasa Cebu na sila at pacheck in na sa Hotel na tutuluyan nila "Bebear may beach to sa likod, gusto mo magswim tayo bukas?" ani ni Aldrin kay Sarah "Sige Bebear" "May baon ka bang bathing suit?" "Wala eh" "Ibibili na lang kita bukas" "Two piece?" "No! Rash guard" "Bebear ang corny mo" "Ayokong may makakita sa katawan mo" "As if naman may titingin" ani ni Patricia, na kunwari ay may kausap sa phone, nagkatinginan naman sina Aldrin at Sarah at hindi na ito pinansin, maya maya ay nakaakyat na sila sa kanya kanyang kwarto "Alam mo Bebear yung tita mo halatang galit sa akin, ano bang kasalanan ko sa kanya?" ani ni Sarah "Wag mo nang pansinin, baka naiinsecure lang siya sa misis ko" nakangiting ani ni Aldrin, naalala nanaman niya ang narinig niyang usapan nina Redford at Patricia "Bebear, paano kung malaman mo na niloko ka pala nuon ni Patricia kaya siya nakipaghiwalay sayo" "Hmm, ewan ko, hindi ko alam Bebear, pero importante pa ba kung malalaman ko yun? Eh andito ka na" "Hindi ka magagalit?" "Hindi ko nga alam, bakit mo ba tinatanong?" "W-Wala lang" "Mabuti pa bumaba na tayo at nang makapagdinner na tayo" "Sige" at magkahawakay kamay silang bumaba para makapagdinner na, iisa lang ang mesa nilang lahat, kasama ang ibang representative ng kumpanya, halos magkatapatan lang din sina Aldrin, Sarah, Redford at Patricia, bulungan naman ng bulungan sina Aldrin at Sarah at nagtatawanan, naiirita naman si Patricia "Mga PDA" bulong ni Patricia "Patty stop it" bulong ni Redford sa asawa "What?" "I said tama na, kung naiirita ka wag kang tumingin" "Saan ako titingin? Eh sila ang katapatan natin" "Pinagsabihan na kita kanina, makinig ka naman" "Okay fine!" sabay irap sa asawa "Mukhang nag-aaway ang Tita at Tito mo" bulong ni Sarah sa asawa "Hayaan mo sila" bulong rin ni Aldrin "Sarap tusukin ng mata ng tita mo" "Sarap naman ikiss ng asawa ko" "Kiss mo ako" "Talaga?" "Oo, pakita natin dyan sa tita mo kung gaano natin kamahal ang isat-isa" hinalikan siya ni Aldrin sa labi, saglit lang pero puno ng pagmamahal, tapos ay hinalikan pa siya sa pisngi, bigla namang tumayo si Patricia at nagdadabog na umalis, wala itong pakialam kung nagtinginan ang mga kasama sa kanya "Ahm, excuse us" ani naman ni Redford at tumayo na rin para sundan ang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD