Naabutan ni Redford si Patricia sa may elevator, hindi sila nagkikibuan hanggang makalabas sila at makabalik sa kwarto
"Ano yun?" ani ni Redford "Anong drama yun ha?"
"Naiinis nga ako, mahirap bang intindihin yun?"
"Naiinis ka ba talaga o nagseselos ka?"
"Of course not, napakajologs naman kasi ng asawa ng pamangkin mo, sana man lang naghanap siya ng lelevel sa akin"
"Bakit Patricia? Ano bang tingin mo sa sarili mo?"
"How dare you?!" sabay sampal kay Redford, pero tila natauhan naman ito bigla "Ahm sorry Red, I'm so sorry baby" sabay hawak sa magkabilang pisngi nito at halik sa labi pero hindi ito gumanti sa halik niya "Baby please forgive me, promise susundin ko na yung sinasabi mo, basta wag ka lang magalit sa akin, I love you" sabay yakap sa asawa, nailing na lang si Redford, mahal na mahal niya si Patricia, kaya kahit alam niyang pinagsabay sila nito ni Aldrin okay lang, tinanggap niya, nalulong siya sa sugal dahil rin kay Patricia, naging mapaghanap ito, at dahil sa sobrang pagmamahal niya dito natuto siyang magsugal sa pag-aakalang mabilisan talaga ang pera dito, pero nalugi ang negosyo niya, kaya ang saya niya nang subukan niyang yayain ito sa New York na manirahan at pumayag ito, pero hinanap na ng katawan niya ang pagsusugal, kaya ang natitirang pera nila ay naipangsugal pa rin niya, gusto niyang bumawi kay Patricia kaya bumalik sila sa Pilipinas para hingin ang mana niya sa Mama niya, niyakap niya rin ang asawa niya
"Alam mo naman Patty, lahat gagawin ko para sa iyo, but I need your help"
"Sure baby, sorry sa tantrums ko"
"Mahal na mahal kita Patty"
"Mahal na mahal rin kita Red" ani ni Patricia, hinalikan siya ni Red sa labi at inihiga sa kama, bumaba ang halik ni Redford sa leeg niya, kahit ayaw niya, wala siyang choice kundi pagbigyan si Red.
Kinabukasan, after nilang magbreakfast ay binilhan ni Aldrin si Sarah ng swimsuit, binilhan niya ito ng tatlong pares at dalawang pares ng rash guard, nasa may cottage na silang apat, nang biglang hubarin ni Patricia ang robe niya, naka two piece ito na red at kitang kita ang kaputian, nagkatinginan naman sina Aldrin at Sarah
"Bebear, swim na tayo" ani ni Aldrin
"Sige" ani ni Sarah, tumayo na siya at hinubad ang robe niya, naka two piece rin siya na black at kitang kita ang kurba ng bewang niya pati na rin ang dibdib na medyo may kalusugan rin, pati si Redford ay hindi napigilan ang sarili na mapatitig sa kanya "Lika na Bebear" sabay hatak sa kamay ng asawa, sinundan sila ng tingin ni Redford at Patricia, napanganga pa si Redford, sumimangot naman si Patricia, ilang saglit lang ay lumusong na sila sa tubig
"Akala siguro ng tita mo papakabog ako sa kanya" ani ni Sarah
"Wala naman siyang panama sa Bebear ko, kaya nga pinayagan kitang mag two piece ngayon para malaman niya ang sinasabi niya kagabi na as if na may titingin sayo"
Yumakap si Sarah kay Aldrin at hinalikan ito sa labi "I love you so much asawa ko"
"I love you more asawa ko" sabay halik sa leeg nito "Bebear ko"
"Hmmm?"
"Wag kang hihiwalay sa akin ah"
"Siyempre hindi"
"Gusto ko malaman ng lahat na akin ka, pag-aari kita" ani ni Aldrin, lalo namang yumakap si Sarah sa kanya, hinaplos naman ni Aldrin sa dibdib ng asawa
"Huy Bebear, baka may makakita sa atin" natatawang ani ni Sarah
"Ikaw kasi binubuhay mo nanaman ang bulkan"
"Baliw ka Bebear" natatawang ani ni Sarah at muling yumakap sa asawa
"Bebear gusto mo mag jetski tayo?"
"Oo ba"
"Sige lika, pumunta tayo dun sa nagpaparent" ani ni Aldrin, umahon sila sa tubig at magkahawak kamay na nagpunta sa nagpaparenta ng jetski
"Patty ano? Tatambay lang ba tayo dito?" ani ni Redford
"Siyempre baby hindi, lika na" nakangiting ani nito sa asawa at nagkahawak kamay silang lumusong sa tubig, tuwang tuwa naman ang dalawa, lumipas pa ang mga oras, nag kanya kanya na sila ng lakad, ipinasyal ni Aldrin ang asawa, kinagabihan ay nakauwi na sa hotel sina Aldrin at Sarah
"Bebear, magparoom service na lang tayo ng dinner" ani ni Aldrin sabay higa sa kama, tumabi naman si Sarah sa kanya at yumakap
"Busog pa ako Bebear"
"Ganun? Sure ka? Sabagay 24 hours naman room service nila, mamaya na tayo umorder" ani ni Aldrin, hindi naman sumagot si Sarah kaya sinilip siya ni Aldrin, tulog na pala ang asawa, napangiti si Aldrin at niyakap ang nakatulog na asawa at hinalikan sa noo, ilang saglit lang ay tulog na rin siya.
Lumipas pa ang mga araw, kapag nasa seminar si Aldrin ay nasa hotel lang din si Sarah, hindi na lamang siya lumalabas at nagpapahinga na lang, nagpaparoom service na lang siya, si Patricia naman ay panay ang labas at bili ng kung ano ano, isang araw nainip si Sarah kaya napagdesisyunan niyang lumabas at tumambay sa may tabing dagat, habang nakaupo siya sa may ilalim ng puno ay nilapitan siya ni Patricia
"Sarah" ani nito
"Patricia, oh I mean Tita Patricia"
"My God, don't call me that" naiiling na ani nito "Okay na sa akin yung Patricia na lang"
"Okay.. Patricia"
"So, himala lumabas ka ata ngayon nang hindi kasama si Aldrin"
"Nainip kasi ako kwarto"
"Tell me Sarah, paano mo nakuha ang loob ni Mama?"
"What do you mean?"
"Mama loves you, iba ang pakikisama niya sa iyo kesa sa akin, so tell me, paano mo nakuha ang loob niya"
"Wala naman, siguro alam ni Lola na totoong tao ako, na totoong mahal ko si Aldrin, ang asawa ko"
"Oh come on"
"Ipipilit mo nanaman ba na pera lang ang habol ko sa asawa ko?"
"Bakit? Hindi ba?"
"Wala akong kailangang patunayan sayo Patricia, ang importante sa akin ang asawa ko"
"Imposible"
"Wag mo akong igaya sa iyo Patricia, alam ko na ang sikreto mo"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Pinagsabay mo si Aldrin at Tito Redford, at ngayon nagsisisi ka na mas pinili mo si Tito over my husband"
"Nakikinig ka ba sa usapan ng may usapan?"
"Hindi, nagkataon lang na narinig ko pagtatalo niyo nung nagpunta kami sa mansion"
"Chismosa!"
"Oh really? Eh di sana sinabi ko na lang kay Aldrin at Lola ang narinig ko, pero hindi ko ginawa"
"Subukan mo Sarah, makakatikim ka sa akin"
"Naku tinatakot nanaman ako ng pinakamatinong babae sa buong mundo"
"Hindi kita tinatakot, sinasabi ko lang na hindi rin kita uurungan"
"Go Patricia, lalabanan rin kita" ani ni Sarah, sabay talikod dito, ang totoo kabado si Sarah kanina pa, hindi siya sanay makipagsagutan ng ganito, naiwan namang nag-aalala si Patricia, natatakot siya na baka magsalita nga ito tungkol sa tinatago niya, nila ni Redford, kailangan niyang madaliin ang balak niya, pagbalik nila sa Manila ay gagawin na niya ang pinaplano niya.