Lumipas pa ang mga araw, Saturday night ay nakauwi na sila sa Manila, nakapasok na sila sa loob ng condo nang may tumawag kay Sarah, si Miss Bea ang wedding coordinator nila
"Hello Miss Bea"
"Hi Mrs. Alcantara, I just want to inform you na andito na ang mga souvenirs niyo, and sa wednesday na po ang prenup photoshoot niyo"
"Ahh okay Miss Bea salamat"
"Yung napili niyo po na caterer okay na rin po"
"Ahh okay, salamat"
"Okay na rin po ang mga gown ng abay at suits pati na rin ang suit ni Sir okay na, pwede po namin dalhin sa house niyo for fitting"
"Ahh pwede sa Monday afternoon na lang yun? At saka kami na lang ang pupunta sa inyo"
"Okay po Mrs. Alcantara wala pong problema"
"Thank you Miss Bea"
"Thank you rin po, Bye po"
"Bye" at inoff na ni Sarah ang phone at tumingin sa asawa
"Okay na raw ang souvenirs at saka gowns at suit mo, pati ang caterer okay na rin, tapos yung prenup photoshoot sa wednesday daw"
"Okay Bebear" ani ni Aldrin, sabay halik sa pisngi ng asawa "Less than two months from now Church Wedding na natin"
"And unfortunately andito pa rin ang Tito at Tita mo"
"Oo nga eh" ani ni Aldrin at naupo na sila sa sofa "Hindi naman pwedeng hindi natin sila i-invite"
"Sana lang wag umeksena si Patricia, alam mo sa totoo lang, wala namang problema sana kung andun sila, kaso ang daming patutsada ng babaeng yun"
Inakbayan ni Aldrin ang asawa at niyakap yun "Yaan mo na Bebear, okay?"
"Ano pa nga ba magagawa ko sa kanya Bebear?"
"Wala, ako na lang ang intindihin mo" nakangiting ani ni Aldrin, ngumiti rin si Sarah
"Bukas dalhin natin ang pasalubong kina Leina at Matt, para makita na rin natin ang mga bata"
"Sige, para makausap ko na rin si Aldrin tungkol sa expansion ng business namin"
"Bebear, alam mo ang yaman mo talaga noh?"
"Tse! Kung ano yung akin, iyo rin yun"
"Hindi ka ba nagsisisi na hindi tayo nagpagawa ng prenup agreement?"
"No! Hindi rin ako papayag, hindi ko itutuloy ang kasal kapag may prenup, itatanan na lang kita" natatawang ani ni Aldrin
"Loko ka, ano tayo? Teenager?"
"Feeling Teenager" natatawang sagot ni Aldrin, naiiling na nangingiti naman si Sarah sa asawa
Kinabukasa bago mananghalian ay nasa condo na sila nina Matt at Leina dala ang mga pasalubong nila, tuwang tuwa ang mga bata sa mga sa mga pasalubong ng Ninong at Ninang nila, nagpunta naman sina Matt at Aldrin sa dining at pinag-usapan ang tungkol sa expansion, naiwan naman sa sala sina Leina at Sarah kasama ang mga bata
"Alam mo Mardz" ani ni Sarah "Nagkaharapan nanaman kami ni Patricia nung nasa Cebu kami"
"Talaga?"
"Oo, akala naman niya uurungan ko siya"
"Anong sabi niya?" tanong ni Leina, kinwento naman ni Sarah ang nangyari, hindi nila alam nakikinig si Chabelita sa kanila, bigla itong tumayo at pumunta kay Aldrin
"Ninong may nang away kay Ninang"
"Ha? Sino?" natatawang ani ni Aldrin, kinandong naman niya si Chabelita "Sino ang nang away kay Ninang papaluin ni Ninong"
"Hindi ko po alam, nikukuwento niya lang kay Mommy"
Napakunot ng noo si Aldrin, kanina akala niya ay isa sa mga bata lang ang nangungulit kay Sarah "Bakit nak? Anong sabi ni Ninang kay Mommy mo?"
"Sabi po ni Ninang may sikreto daw po Tita mo"
Hindi nakakibo si Aldrin, ibinaba niya si Chabelita, at nilapitan ang asawa "Bebear, pwede tayong mag-usap saglit?"
Napansin naman nina Sarah at Leina na seryoso si Aldrin "Ahm, mga anak, dun muna kayo sa room niyo, dun niyo na ituloy ang paglalaro" ani ni Leina
"Okay po" ani naman ni Cruzita at Tintin, si Leina naman ay nagpunta sa dining
"Anong meron?" tanong ni Leina kay Matt habang kandong si Chabelita
"Nagsumbong si Chabelita kay Aldrin, may nang aaway raw sa Ninang niya"
Napapikit ng mariin si Leina at nailing "Anak naman"
"Mahal" ani ni Matt "Yaan mo na, nasabi na eh"
"Hindi Mahal" ani ni Leina at tumingin sa anak "Hindi maganda ang nakikinig sa usapan ng mga matatanda, o kahit kanino, hindi magandang gawain yun Chabelita"
"Sorry po Mommy" mangiyak ngiyak na ani ng bata
"Wag nang uulitin okay?"
"Opo" sagot ng bata, hinaplos naman niya ang anak sa pisngi
Sa sala naman "Bebear, may nang aaway raw sayo sabi ni Chabelita, kinukwento mo raw kay Leina"
"Bebear"
"Tell me the truth please" ani ni Aldrin, kinwento ni Sarah ang naging sagutan nila ni Patricia "Bakit hindi ka nagsabi sa akin?"
"Kaya ko naman Bebear"
"Kahit na, kinausap ko na si Tito tungkol dyan, ayokong nasasaktan ka"
Yumakap si Sarah kay Aldrin "Bebear sorry"
"Bebear please, next time magsasabi ka sa akin ng ginagawa o sinasabi sayo ni Patricia"
"Okay po" ani ni Sarah, niyakap rin siya ng asawa at hinalikan sa noo
"Babalikan ko lang si Matt" tumango naman si Sarah, tumayo naman si Aldrin at bumalik sa dining, bumalik rin si Leina at Chabelita sa sala, tumayo naman ang bata sa tapat ni Sarah
"Ninang sorry po, hindi ko na po uulitin, nag-alala po kasi ako na may nag-aaway po sayo kaya nisabi ko kay Ninong"
Ngumiti si Sarah at hinalikan sa lips sa Chabelita "Okay lang baby, hindi galit si Ninang" ani niya, yumakap naman ang bata sa kanya
"I love you Ninang"
"I love you too my Chabelita" ani niya, lumapit naman si Chabelita sa mommy niya at yumakap rin, niyakap naman ito ng mahigpit ni Leina
"Wag na uulitin anak, promise?"
"Yes Mommy"
"O sige, pasok ka na sa room, andun na sila Ate at Tintin, mamaya kakain na tayo"
"Okay Mommy" ani ng bata at saka tumalikod sa kanila at pumasok na sa kwarto nila, tumingin naman si Leina kay Sarah at hinawakan ito sa kamay
"Mardz, pasensiya na, chismosa kasi ang inaanak mo"
Natawa si Sarah "Naku Mardz, kanino pa ba magmamana ang mga yan, kundi sa atin" natatawang ani ni Sarah "Okay na yun bata eh"
"Nagawa niya lang yun kasi nag-aalala siya, o diba? May pag-aalala ang inaanak mo"
"Love nila ako eh at siyempre love ko rin ang mga yan" at nagtawanan silang dalawa.
Lumipas pa ang mga oras, umuwi na ang mag-asawang Aldrin at Leina, nakapasok na sila sa loob nang condo nang biglang may naalalang itanong si Aldrin
"Bebear, naalala ko pala, ang sabi ni Chabelita kanina, may sikreto raw ang Tita ko, yun daw ang narinig niya sa iyo, and for sure si Patricia yung sinasabi mong Tita ko"
"Ha?" gulat na tanong ni Sarah, bigla siyang kinabahan, hindi niya akalain na pati yun narinig ni Chabelita.