Episode 23

1219 Words
"Bebear, naalala ko pala, ang sabi ni Chabelita kanina, may sikreto raw ang Tita ko, yun daw ang narinig niya sa iyo, and for sure si Patricia yung sinasabi mong Tita ko" "Ha?" gulat na tanong ni Sarah, bigla siyang kinabahan, hindi niya akalain na pati yun narinig ni Chabelita "Bebear" "Ano yun?" Naupo si Sarah sa sofa, sinundan naman siya ni Aldrin "Bebear" "Ano nga?" "Naalala mo nung tinawagan ka ni Lola na umiiyak siya tapos pumunta tayo sa kanila tapos naiwan ako sa baba kasi nauuhaw ako" "O ano yun?" "Paakyat na sana ako nun, nang narinig ko na paakyat rin si Tito Redford at Patricia, narinig ko na si Patricia ang may gusto na kunin na ni Tito ang mana niya kay Lola, tapos narinig ko rin na...." "Ano nga?" "Narinig ko na alam ni Tito Redford na pinagsabay niya kayo ni Patricia" "Ano? Pinagsabay?" "Na habang kayo pa ni Patricia, sila rin ni Tito Redford at alam niya yun, sinabi rin ni Patricia na nagsisisi siya na mas pinili niya si Tito over you" Parang biglang sumakit ang ulo ni Aldrin sa narinig "So, kaya pala ganun na lang ang galit sa akin ni Tito, bakit pinayagan niya na pagsabayin kami ni Patricia" "Hindi ko alam Bebear" "At posibleng mas lumala ang galit niya dahil nagsisisi si Patricia na siya ang pinili" hindi nakakibo si Sarah, napayuko na lamang siya "Bakit ngayon mo lang sinabi? Kaya pala tinanong mo ako kung paano pag nalaman ko na niloko pala ako ni Patricia" "O-Oo" Napatayo si Aldrin "Ngayon malinaw na sa akin kung saan nanggagaling ang galit ni Tito Redford sa akin, pero dapat ako ang magalit diba? Pinaglaruan nila ako" "Importante pa ba yun ngayon?" "Oo, dahil paano ko pa sila pagkakatiwalaan? At niloko nila ako, parehas sila niloko nila ako, ginawa nila akong tanga" "B-Bebear" "At ikaw, ako ang asawa mo pero hindi mo sinabi sa akin, may nalaman ka na pala hindi mo man lang sinabi" "S-sorry" ani ni Sarah at biglang tumulo ang luha niya, nailing si Aldrin at tinalikuran siya para pumasok sa kwarto, naiwan siya sa sala na iyak ng iyak. Lumipas pa ang mga oras, naghanda ng dinner si Sarah, pinuntahan niya si Aldrin sa kwarto, nakaupo ito sa gilid ng kama, nilapitan ito ni Sarah "B-Bebear kain na tayo" "Wala akong gana" "Galit ka ba?" Tumayo si Aldrin at hinarap si Sarah "Ang totoo hindi ko alam, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, ang alam ko lang niloko ako ng taong importante sa akin" "Importante pa rin si Patricia sayo hanggang ngayon?" "H-Hindi naman sa ganun, pero" "Sige, mag-isip ka muna" ani ni Sarah at tinalikuran ang asawa saka lumabas sa kwarto nila, biglang tumulo ang luha niya at naupo siya sa sofa, nasasaktan siya, pakiramdam niya ngayon apektadong apektado si Aldrin sa nalaman, hindi niya alam kung apektado rin ba ito sa nalaman na nagsisisi si Patricia dahil hindi siya ang pinili nito, lumipas pa ang mga oras nakatulog si Sarah sa sofa, lumabas ng kwarto si Aldrin at nakita ang asawa, nakaramdam siya ng awa dito, kung tutuusin wala naman itong kasalanan, ayaw lang talaga nito ng gulo pa, nilapitan niya si Sarah at naupo sa may gilid ng sofa, hinaplos niya ito sa buhok at sa pisngi, unti unting dumilat si Sarah, pinunasan nito ang mata at naupo saka tumingin sa asawa "Sorry" ani nilang dalawa saka nagngitian, niyakap ni Aldrin si Sarah at hinalikan sa pisngi "Bebear ko, ayoko na ng lihiman please?" ani ni Aldrin "Oo Bebear" "Yung sa nasabi ko kanina, gusto ko lang linawin, dati siyempre importante si Patricia sa akin, dalawa sila ni Tito Redford, at masakit yun dahil parehas nila akong niloko, ginawa nila akong tanga, pero gaya rin ng sinabi ko dati, hindi na importante yun, dahil andito ka na, ikaw ang importante sa akin, ang binubuo nating pamilya" ani ni Aldrin, hinawakan naman siya ni Sarah sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi, saglit lang, ngumiti si Aldrin sa asawa "Sarap naman nun" "Mahal na mahal kita Bebear, sa totoo lang hindi ko alam kung paano pa ako kung mawawala ka sa akin, natakot ako aaminin ko sayo, baka kasi apektado ka kasi na nagsisisi ang Patricia na yun na si Tito Redford ang pinili niya over you" "Sus Bebear, wala siya sa kalingkingan mo, hindi pa siya papasang patay na kuko mo" ani ni Aldrin, hinaplos niya sa pisngi ang asawa "Mahal na mahal kita rin Bebear ko, asawa ko, Sarah ko, Mrs. Alcantara ko" ani muli ni Aldrin habang titig na titig sa asawa, yumakap naman si Sarah sa kanya, nang biglang kumulo ang tiyan nito "Bebear, gutom na ako, kain na tayo" "Wawa naman ang asawa ko, sige kain na tayo" nakangiting ani ni Aldrin "Sige iinitin ko lang ang pagkain" "Tulungan na kita" ani ni Aldrin at sabay na silang tumayo saka magkaakbay na nagpunta sa dining. Kinabukasan, nasa opisina na si Aldrin, busy siya ng mga oras na yun dahil may gustong mag invest sa kumpanya, maya maya ay kumatok ang secretary niya "Sir Aldrin" "Yes?" "Sir, andito po si Mrs. Alcantara" "Ah okay papasukin mo" ani niya habang tutok pa rin sa laptop niya "Hi Aldrin" ani ni Patricia, dun lang tumingin si Aldrin, akala niya kasing Mrs. Alcantara na sinasabi ng secretary niya ay si Sarah "What are you doing here?" "I'm visiting Red, pero wala kasi siya sa office niya kaya I decided to visit you na lang" "Busy ako" sabay tingin ulit sa laptop "Aldrin, can we talk for a while?" "Busy ako" "Galit ka ba sa akin?" "Sino ang matutuwa sa ginagawa mo sa asawa ko?" "My God Aldrin, I'm just joking" "You're making fun of her" "Of course not" "Wag ka nang magsinungaling, besides I already knew everything" "What do you mean everything?" "Everything that I must know" "Aldrin, please listen to me" "Why should I Patricia? Besides wala na akong paniniwalaan sa mga sasabihin mo kaya wag ka nang mag-aksaya ng laway mo" "You're so unfair" "Me? Really? Ako pa ang unfair ngayon? Wow! As in Wow" "Aldrin I'm so sorry, give me a chance a please" sabay lapit sa kanya, tumayo si Aldrin at hinarap si Patricia "Tama na Patricia, okay na ako, may asawa na ako, mahal na mahal namin ang isat-isa" "No, she doesn't love you, ako lang, ako lang ang nagmamahal sayo" "Kaya pala pinagsabay mo kami ng tiyuhin ko" "Nabulagan lang ako nuon, but I realized na ikaw talaga ang mahal ko" "Well it's too late" "No Aldrin" "What?!" "Lumayo tayo, umalis tayo ng Pilipinas" "Alam mo ba ang sinasabi mo ha? At sa tingin mo sasama ako sa iyo? Hindi na kita mahal Patricia, at walang wala ka sa asawa ko in any aspects" "Patutunayan ko sayo na nagkakamali ka Aldrin, at I will made you realize na ako pa rin ang tamang babae para sa iyo" "You're desperate" "Yes I am!" iyak na ani ni Patricia sabay lakad papunta sa pinto, pagbukas niya ay andun na si Sarah na nagulat rin nang makita siya, inirapan niya ito at umalis na, pumasok naman sa opisina si Sarah at tumingin kay Aldrin "Bebear" ani ni Aldrin, lumapit si Sarah sa kanya "M-May kailangan ba akong malaman?" ani ni Sarah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD