Episode 24

1009 Words
"Lika dito Bebear" ani ni Aldrin at niyakap ang asawa "Mali si Patricia, maling mali" "Bakit?" ani ni Sarah, kinuwento naman ni Aldrin ang naging sagutan nila "Siraulo pala siya eh" "Ssshhh, ano yang dala mo?" "Ahm, dinalhan kita ng gatang hipon at saka may kanin na rin" "Wow, talaga? Ang sweet naman ng misis ko, lika sa pantry tayo, duon tayo kumain" "Sige Bebear" nakangiting ani ni Sarah, ilang saglit lang ay magkahawak kamay silang lumabas sa opisina, nakita naman nila ang mag-asawang Redford at Patricia "Hi Sarah" bati ni Redford "Hi Tito" bati rin ni Sarah, bumeso pa siya dito "Dinalhan ko lang si Aldrin ng paborito niyang ulam" "Ang sweet naman, o paano una na kami, sa labas kami maglalunch" "Okay po Tito" "Aldrin" ani ni Redford, tumango naman si Aldrin "Lika na" ani ni Aldrin sa asawa at hinawakan ulit ito sa kamay saka pumunta sa pantry, masayang silang kumakain at nagkukulitan, wala silang kasabay nung mga oras na yun "Bebear antayin mo na lang ako ha?" ani ni Aldrin "Saan kita aantayin?" "Sa opisina ko" "Baka maistorbo ka" "Hindi ah, sige na, tapos manood tayo movie mamaya" "Alam mo Bebear, ikaw talaga, sa wednesday nga diba may prenup photoshoot tayo, yung suit mo nasa bahay na kasi sabi mo ipadala na lang dun kasi busy ka today, tapos yung mga gown bukas na lang daw pala ipifit kasi may moving up pala ang mga bata ngayon" "Ahh oo nga pala" "Kailangan nating magbeauty rest" "Alam ko na kung saan tayo pupunta" "Saan?" "Sa SPA" "SPA?" "Yes" "Sige Bebear, ang galing mo naman" "Siyempre" at nagtawanan sila Lumipas pa ang mg araw at linggo, isang linggo na lang ay kasal na nina Aldrin at Sarah sa simbahan, isang araw habang nagluluto si Sarah ng pananghalian ay may tumawag sa kanya, ang Ate Maya niya, ang asawa ng Kuya Philip niya "Hello Ate, kamusta?" "Hi Sarah, eto ayus naman, sinend ko sayo bagong picture ng pamangkin mo ah" "Ha? Kailan? Hindi pa ako nag-oonline eh" "Kanina lang" "Ahh sige ichecheck ko mamaya" "Ahm Sarah, may sasabihin sana ako sayo ehh" "Ano yun?" "Ang Kuya Philip mo kasi, hindi siya makakauwi" "Ha? Paano yun?" mangiyak ngiyak na ani ni Sarah "Eh babawi na lang daw siya sayo pag nakapagbakasyon siya" "Eh bakit nga? Akala ko ba nagpaalam na siya" "Eh marami atang dumating na orders sa planta at pinadadali lahat kaya pinancancel ang leave niya, sa ibang buwan na lang daw gamitin" "Ganun? Ang daya naman ni Kuya, bakit wala siyang sinasabi sa akin?" umiiyak na ani ni Sarah "Pasensiya na, nahihiya kasi siya sayo" "Eh ikaw? Hindi ka rin pupunta?" "Eh alam mo naman kapapanganak ko pa lang, kaka-isang buwan lang kahapon ni Baby Paola" "Sige na nga, wala naman akong magagawa" "Wag ka na magtampo, sorry na please" "Sige Ate" "O siya sige bye na, umiiyak na si Baby Paola" "Bye" ani ni Sarah at inoff na ang phone, pinatay na niya ang kalan at naupo sa dining, hindi niya napigilan ang umiyak, siya namang labas ni Aldrin sa kwarto nila at nakita siyang umiiyak, nagmamadali itong lapitan siya "Bebear, bakit? Anong nangyari?" ani ni Aldrin "Si Ate Maya kasi tumawag, hindi raw makakauwi si Kuya, walang maghahatid sa akin sa altar" "Bakit daw?" "Kinancel ang bakasyon niya kasi marami raw kailangang tapusin sa planta" "Eh wala tayong magagawa Bebear, eh maglalakad kang mag-isa" Lalong naiyak si Sarah "Ang daya naman Bebear, kung kailan one week na lang dun lang nila sasabihin sa akin, para naman nila akong inabandona" "Sssshhh, okay lang yun Bebear, yaan na natin, eh wala tayong magagawa dun, magagawan naman ng paraan yan, ayaw mo nun solo mo ang moment?" "Mas gusto ko na andun sila" "Eh gusto mo mga Tito at Tita mo na lang ang maghatid sayo" "Pwede naman, pero mas gusto ko pa rin si Kuya, nakakainis naman kasi siya, bahala siya, hindi ko siya papansinin" "Ang Bebear ko, parang bata" "Nakakasama kasi ng loob, basta nagtatampo ako, ayoko siyang kausapin" Niyakap naman ni Aldrin si Sarah "Mamili ka na lang ng maghahatid sayo sa altar, wag ka na magtampo kay Kuya Philip" "Nakakatampo naman kasi talaga" "Naiintindihan ko pero kailangan nating unawain ang sitwasyon nila, kapapanganak lang ni Ate Maya at hindi napayagan si Kuya Philip" Tumingin si Sarah kay Aldrin "Bebear, ikaw ah, wag mo akong iiwan ha?" iyak na ani nito "Hindi Bebear, hindi ko gagawin sayo yun, lagi lang akong andito" "Kung ayaw nila sa akin bahala sila" "Bebear ko talaga, sige pababayaan muna kita magtampo ngayon, pero alam ko hindi nila ginusto na hindi sila makakapunta sa kasal natin" "Thank you" "For what?" "For understanding me" Ngumiti si Aldrin "Siyempre naman, alangang hindi ko intindihin ang asawa ko, anong klaseng Bebear naman ako nun?" Yumakap naman si Sarah sa asawa, hinaplos naman ni Aldrin ang likod nito. Lumipas pa ang mga araw, Church Wedding na nina Aldrin at Sarah, nakahanda ang lahat sa simbahan, andun na rin ang lahat ng bisita, pati sina Redford at Patricia ay andun na rin, tinitingnan ni Patricia ang simbahan, tinamaan nanaman siya ng inggit, napatingin siya sa asawa na kausap naman si Lola Consuelo, talagang nagsisisi siyang si Redford ang pinili niya, eh di sana naranasan niya rin na maikasal sa simbahan na sisiguraduhin niyang mas bongga pa sa kasal ni Sarah ngayon. Maya maya ay dumating na ang bridal car ni Sarah, nagsihanda na ang lahat, nagdecide si Sarah na maglakad na lamang mag-isa kesa mamili pa siya sa isa sa mga Tito at Tita niya, baka magkaroon pa ng tampuhan o issue, nagsimula na ang wedding march, nagsimula nang maglakad ang mga abay nila, nasa harapan na silang lahat, bumukas ang pintuan ng simbahan at may pa-fog pa nang pumasok si Sarah, nagsimula na siyang maglakad, mukha siyang prinsesa sa bridal gown na pa off shoulder at paballoon na pambaba, nang makarating siya sa gitna ay biglang huminto ang tugtog at napahinto si Sarah sa paglalakad dahil nagtaka siya kung bakit huminto ang wedding march.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD