Maya maya ay dumating na ang bridal car ni Sarah, nagsihanda na ang lahat, nagdecide si Sarah na maglakad na lamang mag-isa kesa mamili pa siya sa isa sa mga Tito at Tita niya, baka magkaroon pa ng tampuhan o issue, nagsimula na ang wedding march, nagsimula nang maglakad ang mga abay nila, nasa harapan na silang lahat, bumukas ang pintuan ng simbahan at may pa-fog pa nang pumasok si Sarah, nagsimula na siyang maglakad, mukha siyang prinsesa sa bridal gown na pa off shoulder at paballoon na pambaba, nang makarating siya sa gitna ay biglang huminto ang tugtog at napahinto si Sarah sa paglalakad dahil nagtaka siya kung bakit huminto ang wedding march, napalingon siya sa kanan at naluha nang makita ang Kuya Philip niya na papalapit sa kanya at nakangiti
"Surprise Bunsoy" ani ng Kuya niya at niyakap siya "Tama na ang iyak at baka mabura ang make up mo sayang naman"
"Ang salbahe mo, bakit ka ganyan sa akin?"
"Usapan na namin to ni Aldrin"
"Ha?" at muling tumugtog ang wedding march at naglakad na silang magkapatid, nakita niya rin ang Ate Maya niya karga ang tulog niyang pamangkin "Andyan din sila Ate Maya"
"Oo, mamaya na kami magcoconfess sayo Bunsoy"
"Thank you Kuya"
"Matitiis ba naman kita, kaisa isa kitang kapatid, hindi ako papayag na hindi ako ang maghahatid sa iyo sa altar, tayo na lang eh" ani ni Philip, ilang saglit lang ay nasa harapan na sila, iniabot na ni Philip kay Aldrin ang kamay ng kapatid, ilang saglit pa ay nasa may altar na sila at nagsimula na ang seremonyas, ilang sandali pa ang lumipas, pinatayo na sila ng pari para sa kanilang wedding vows
"Bebear ko" ani ni Aldrin "Nasurprise ka ba?" tumango naman si Sarah "Alam mo naman lahat gagawin ko para sa iyo, para sa sinisimulan nating pamilya, mahal na mahal kita, ikaw lang ang minahal ko ng ganito, sa iyo lang ako natorpe ng ganito, naalala mo ba na madalas kitang asar asarin nuon kasi hindi ko alam kung paano aamin sayo, kung paano ko sasabihin na gusto kita, na mahal kita, na hindi ko alam kung paano nagsimula ang damdaming yun, ilang buwan tayong nawalan ng communication pero hindi kita nakalimutan nuon, kaya nang magkita tayo ulit, hindi man agad, pero naglakas akong umamin sa iyo Bebear" tumulo ang luha ni Aldrin at hinawakan sa pisngi si Sarah "I love you so much my little princess, my Queen Sarah, akin ka lang, at sayo lang ako"
"Bebear" ani ni Sarah "Alam mo rin kung gaano kita kamahal, hindi ko rin inaasahan na mag eend up tayo together, wala ka nga kasing ibang ginagawa nun kundi ang asarin ako, actually wala tayong ginawa kundi ang mag-asaran, nasaktan ako nang malaman kong may mahal kang iba nuon, pero hindi ko akalain na yung sinasabi mong mahal mo ay ako pala, Bebear, andito lang ako para sa iyo, thru thick and thin kasama mo ako, ikaw lang ang Bebear ko, ikaw lang ang gusto kong maging ama ng mga magiging Baby Bears ko" ani ni Sarah, yumuko ito at may kinuha sa may bouquet niya, isang baby mitten "At ihanda mo na ang sarili mo Bebear, dahil may isa nang Baby Bear na paparating" sabay pakita ng mitten kay Adlrin, saglit na natulala si Aldrin
"Ahh, hindi nga Bebear?"
"Yes Bebear, magkakaroon na tayo ng Baby Bear"
Tumulo ulit ang luha ni Aldrin at yumuko saka hinalikan ang tiyan ni Sarah, nagpalakpakan naman ang mga tao
"Ate, bakit nikiss ni Ninong tummy ni Ninang? Masakit ba?" ani ni Tintin kay Cruzita
"Hindi ko alam, baka masakit o kaya baka gutom na rin si Ninang"
Ilang saglit lang ay innanounce na ng pari na tapos na ang seremonyas at pwede nang halikan ng groom ang bride, hinapit ni Aldrin ang asawa at hinalikan ito sa labi
"I love you so much Bebear" ani ni Aldrin
"I love you too" ani ni Sarah, niyakap naman ni Aldrin ng mahigpit ang asawa, lingid sa kaalaman nilang lahat, sobrang nagngingitngit si Patricia, isip isip niya, sobrang bless naman ni Sarah, pero hindi siya titigil, hind siya papatalo, kailangan niya lang talaga ng bagong plano para makuha ang gusto niya.
Pagkatapos nila sa simbahan ay sa reception naman sila tumuloy, ang saya saya ng lahat, nag-uusap naman sila Sarah, Aldrin, Philip at Maya
"Pinasama niyo pa talaga ang loob ko" ani ni Sarah
"Sorry Bebear" ani ni Aldrin "Naisip ko lang na isurprise ka, kaya kinausap ko si Kuya Philip na kunwari ay hindi sila makakarating, pumayag naman sila, actually kahapon pa sila dumating, sa hotel sila tumutuloy"
"Oo nga Bunsoy, saka okay naman diba? Nakakaaliw ka nga paano tinatawagan kita kahapon hindi mo ako sinasagot"
"Nagtatampo nga kasi ako" sagot ni Sarah
"Sus lika nga" ani ni Philip sabay akbay sa kapatid "Ikaw Sarah Marthena, may asawa ka na at soon magiging ina na rin, wag ka nang isip bata"
"Nakakasama kasi talaga ng loob"
"Hanggang ngayon?"
"Hindi na" nakangiting ani ni Sarah "Okay na ako"
"Hmm" ani ni Philip sabay halik sa noo ni Sarah saka hinarap si Aldrin "O Aldrin, yung mga bilin ko ah"
"Oo Kuya, wag kang mag-alala, ako ang bahala kay Bebear"
Maya maya ay may kumalabit kay Sarah, si Tintin
"O baby, bakit po?" ani niya, napansin rin ito ni Aldrin kaya binuhat niya ang bata
"Ninang pwede ako pahingi ng cupcake? Kanina ko pa kasi gusto, sabi ni Mommy later daw, pero ang tagal naman po"
Natawa naman sila sa sinabi ng bata "O sige anak, ikukuha kita" ani naman ni Aldrin, lumapit sila sa mga cupcakes at kinuhanan ni Aldrin ng cupcake si Tintin "O Happy na Tintin namin?"
"Opo" nakangiting sagot ng bata
"Kiss mo si Ninong" ani ni Aldrin, kiniss naman siya sa pisngi ni Tintin
"Thank you po Ninong"
"Naku maiinggit ang kambal for sure, ihahatid na kita at dadalhan din natin sila" ani ni Aldrin, kumuha pa siya ng dalawa, tutal may lagayan naman ang mga cupcakes nila saka lumapit kina Sarah "Bebear, ihahatid ko lang si Tintin, bibigyan ko na rin yung kambal"
"Sige Bebear"
"Thank you po Ninang" ani ni Tintin
"You're welcome, kiss mo naman si Ninang" ani ni Sarah kay Tintin, kiniss naman siya ng bata sa pisngi saka umalis ang dalawa
"Ano Bunsoy?" ani ni Philip "Masaya ka ba?"
"Sobra Kuya"
"Grabe Sarah, napakayaman naman pala nitong si Aldrin" ani ni Maya "Sinagot niya ang hotel na tinutuluyan namin pati service mula probinsiya hanggang dito, tapos pwede rin kaming mag extend kung gusto namin, sabi niya nga mag extend pa kami, tapos pupunta kami sa condo niyo"
"Oo nga, hindi pa naman kami aalis eh, three days from now pa"
"Ewan ko sa Kuya mo"
"Eh nakakahiya naman Bunsoy, saka moment niyo tong mag-asawa, next time na lang" ani ni Philip
"Kelan pa? At saka sayang naman Kuya"
"Okay lang yan, actually inofferan ako ni Aldrin ng trabaho sa opisina, kaya lang kasi may contract pa ako sa Dubai kaya tatapusin ko muna yun, para rin daw hindi ako malayo sa pamilya ko, pag natuloy yun, babalik na kami sa Manila ni Ate Maya mo at Baby Paola"
"Ang bait ng asawa ko noh?"
"Hmm, oo, mabait nga siya, at mukha ngang magiliw sa mga bata, kahapon nung dumating kami, sinalubong niya kami sa hotel, tuwang tuwa siya kay Baby Paola, sabi ko nga kamukha mo si Baby Paola nung baby ka pa"
"Kaya ang ganda ng anak mo eh noh?"
Nagtawanan naman si Philip at Maya "Pagbibigyan kita ngayon" ani ni Philip
"Swerte niya kamukha niya ang Mama Sarah niya"
"Wow ahh" at saka sila nagtawanan "Uy Ate, joke lang ah"
"Okay lang, kamukha mo naman talaga siya"
"Kaya nga swerte niya charot!" ani ni Sarah, at kung ano ano pa ang napagkwentuhan nila, sa kabilang banda naman ay nasa may smoking area si Patricia nang lapitan siya ng asawa
"Patty, baka maamoy ka ni Mama, ayaw nun ng amoy ng sigarilyo"
"Pati ba naman to Red"
"Alam mo okay lang kung hindi natin kasabay si Mama sa sasakyan"
"Okay fine, tama na ang litaniya mo, at saka hindi pa ba tayo uuwi?"
"Hindi pa tapos ang party"
"Hindi naman enjoy eh"
"Mukha naman kasing ikaw lang ang hindi nag-eenjoy Patricia, may mga program sila sa loob"
"Panget ang event na to"
"Baka may makarinig sayo"
"Pwes pumasok ka na sa loob at pabayaan mo na ako dito"
"Basta tama na ang pagyoyosi"
"Okay fine, dito na lang ako" ani ni Patricia, bumalik naman si Redford sa loob ng venue, naiirita talaga si Patricia, dahil sa totoo lang naiinggit siya kay Sarah, kung hindi niya pinili si Redford, siya sana ang ikinasal, sila dapat ang pamilya, at higit sa lahat maganda na sana ang buhay niya ngayon.