Natapos na ang Wedding Party, umuwi na ang mag-asawa sa condo, ang mga ibang kamag anak naman ni Sarah ay umuwi na sa probinsya pero sina Philip at Maya ay naiwan muna, kinabukasan na lang sila uuwi kasama sina Aldrin at Sarah, naupo si Sarah sa sofa, tinabihan naman ni Aldrin ang asawa, humiga siya at umunan sa hita nito saka humarap sa tiyan nito
"Hi Baby Bear, ako ang papa mo" ani ni Aldrin "Ako ang nag-iisang gwapo mong papa"
Natawa naman si Sarah "Ang yabang naman ng papa na to" sabay himas sa pisngi ng asawa
"Excited na ako sa Baby natin Bebear ko"
"Ako rin"
"Sana kambal rin, pero sana girl and boy"
"Wow ahh"
"May lahi kaya kami, sila Matt at Leina nga walang lahi eh, kami pa kaya"
"Hindi nga?"
"Oo, si Tito Redford may kakambal siya, si Tito Richie, kasama siyang naaksidente ng mommy at daddy ko"
"Totoo?"
"Oo" tapos ay bumangon si Aldrin "Sobrang close ang kambal na yun, kaya nga naisip ko kaya siguro mainit si Tito Redford sa akin, dahil sa nangyaring aksidente, sinisisi kasi ni Tito si Dad nuon, lasing kasi si Dad nung nagdadrive, at nagpasundo lang si Tito Richie sa kanila ni Mommy, pero recently ko lang napagtanto na hindi dahil dun ang galit niya sa akin, kasi bata pa ako nun, at alam ko minahal niya ako, dalawa nga sila ni Lola na sumuporta sa akin nuon, pero nagbago ang lahat nang magsimula akong magtrabaho sa Alcantara at naging kami ni Patricia"
"Dahil kay Patricia"
"Oo"
"Okay ka na ba? I mean talaga bang wala na sa iyo ang nangyari?"
"Wala na Bebear, pero may konting sakit pa rin dahil kay Tito Redford, hindi na kay Patricia, kay Tito na lang, kadugo ko siya eh, kaya lang choice niya yun eh, choice niya na lokohin ako kasama ang asawa niya, at buti na lang nagkahiwalay kami ni Patricia at nakatagpo ako ng babaeng totoong mamahalin ako at mamahalin ko"
Ngumiti si Sarah "Kalimutan na natin yun Bebear, magkakababy bear na tayo eh"
"Oo nga, bibigyan natin siya ng magandang buhay na puno ng pagmamahal"
Yumakap naman si Sarah sa asawa "Bebear, matulog na tayo, maaga pa tayo bukas"
"Oo nga" at saka tumayo si Aldrin at binuhat ang asawa
"Uy" gulat na ani ni Sarah
"Siyempre bubuhatin ko ang misis ko papasok sa kwarto, dapat nga kanina pa to pagpasok natin sa bahay"
"Sige ipasok mo na ako Bebear, pagod na legs ko eh"
"Sige imamassage kita"
"Talaga?"
"Oo, tapos ng massage, alam mo na ang susunod dun Bebear"
"Naku... o siya sige na, go na tayo Bebear ko" at pumasok na sila sa kwarto saka ginawa ang mga gusto nilang gawin.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa hotel na sina Aldrin at Sarah para mag agahan at sunduin si Philip at Maya, nag almusal muna sila sa baba ng hotel, habang inaantay nila ang order nila ay karga naman ni Sarah ang pamangkin
"Ano?" ani ni Sarah kay Baby Paola "Ako ang kamukha mo? Si Mama Sarah ang kamukha ng magandang baby na yan noh? Swerteng swerte no?"
"Hoy Bunsoy" ani ni Philip "Wag mong lasunin ang isip ng pamangkin mo" natatawang ani ni Philip
"Bakit? Ako naman talaga kamukha ng Baby na to eh" ani pa ni Sarah sabay halik sa noo nito, tapos ay hinarap kay Aldrin "Tingnan mo Papa Aldrin, diba? Kamukha niya si Mama Sarah?"
"Mas maganda pa yan kay Mama Sarah" ani ni Aldrin sa baby sabay halik sa kamay nito, nagtawanan naman sila Philip at Maya
"Baliw ka Bebear ah"
"Joke lang Bebear, kamukha mo nga siya, parehas kayong maganda"
"Naman!"
"Ate Maya" ani ni Aldrin "Nabinyagan na si Baby Paola?"
"Naku hindi pa nga, next week pa siguro, madali naman ipalista, inaantay pa kasi namin yung sweldo ni Philip, baka next week pa dumating, basta bago siya bumalik sa Dubai pabibinyagan namin siya"
"Oo nga pala Aldrin" ani ni Philip "Kukunin sana namin kayong Ninong at Ninang"
"Oo naman Kuya walang problema, 3 days lang naman kami sa Amanpulo, siguro nakabalik na kami sa binyag ni Baby, o kaya ganito Kuya, kami na ang bahala sa binyag, palista niyo na siya tapos mabilhan na rin ng damit at magpareserve na ng reception"
"Naku Aldrin, hindi na, sabi naman ng boss ko nagkaproblema lang sa bangko, pero papasok rin daw ang sweldo namin"
"Sige na Kuya, para naman hindi mabitin, kawawa naman si Baby, paano kung hindi pa pumasok yung inaantay niyo"
Nagkatinginan naman ang mag-asawang Philip at Maya "Sige pero utang yun, babayaran ko kapag dumating yung pera ko"
"Sige Kuya walang problema, mamaya iaabot ko"
"Salamat Aldrin"
"Pamilya tayo noh, at para masure na ang binyag ng pamangkin namin" sabay tingin sa baby, sakto naman nagsmile ito sa kanya "Ay nagsmile siya sa akin, ano? Kilala mo na si Papa Aldrin?" ani niya sa baby
"Thank you Bebear" ani ni Sarah
"Sus, wala yun, ang importante mabinyagan na si Baby Paola natin"
Maya maya ay dumating na ang order nila saka sila kumain, pagkatapos kumain ay kinuha na ni Philip ang mga gamit nila saka sila bumyahe pauwi sa Pandi, magkatabi sa harapan sina Aldrin at Philip at nasa likod naman sina Sarah at Maya kasama si Baby Paola, lumipas pa ang mga oras ay nakauwi na sila sa bahay nina Philip at Sarah, Bungalow style ang bahay ng mga ito at may mga puno at tanim na bulaklak sa paligid, pumasok na sila sa loob
"Upo kayo" ani ni Philip
"Kuya painom" ani ni Sarah
"Pumunta ka na sa kusina" ani ni Philip
"Kuya Philip, Ate Maya" ani ni Aldrin "Eto ang 20k, kung kulang pa sabihin niyo lang"
"Naku sobra sobra na to" ani ni Maya
"Okay na yan, pagawaan niyo na rin siya ng mga souvenirs"
"Salamat Aldrin"
"Tapos, kahit 10k na lang ang ibalik niyo sa akin, ambag na namin yung 10k"
"Aldrin nakakahiya" ani ni Philip
"Kuya, okay na yan, bawi ko na rin yan kasi hindi man lang kami nakapamanhikan bago ang kasal, idagdag niyo na yan sa binyag"
"Naku sige salamat, yaan mo ibabalik ko yung 10k" ani ni Philip, siya namang labas ni Sarah na may dala nang tubig at juice in can
"Bebear o, inom ka water" ani ni Sarah "Akin tong juice"
"Bebear ikaw talaga, dapat water ka lang din"
"Nagwater na ako"
"Naku Aldrin goodluck, makulit yang asawa mo"
"Naku Kuya sinabi mo pa" ani ni Aldrin tapos ay tumingin ulit kay Sarah "After niyan, magwater ka ulit"
"Yes Papa" nakangiting ani nito
"Ang mabuti pa, magpahinga muna kayo sa kabilang kwarto, tapos mamaya na kayo umuwi, kahit after dinner na" ani ni Maya
"Sige Ate Maya" ani ni Sarah "Basta gusto ko yung creamy chopsuey mo, yung may ham at quail eggs"
"Sus nagrequest pa siya" ani ni Philip
"O siya sige magluluto ako nun, ano pa ang gusto mo buntis?"
"Ahm" ani ni Sarah na tila nag-iisip "Ate naalala ko pala, gusto ko ng tamales mamayang merienda, sige na please" sabay yakap sa hipag
"Yung kay Aling Iska?"
"Oo"
"Love" ani ni Maya kay Philip "Alam mo na"
"Oo na, maya maya pupuntahan ko si Aling Iska"
"Yes!" masayang ani ni Sarah
Lumipas pa ang mga oras, nabilhan nga ni Philip ng tamales si Sarah, nakatingin lang halos sila dito dahil ganadong ganado ito sa pagkain ng tamales
"Hoy Bunsoy" ani ni Philip "Hinay lang, nakaapat ka na"
"Masarap eh"
"Masarap nga siya Bebear, pero nakakabusog rin" ani ni Aldrin
"Eh dalawa kaming kumakain ni Baby Bear eh"
Napangiti si Aldrin "Okay fine, sige na kain ka lang" nangingiti namang nagkatinginan ang mag-asawang Philip at Maya.