Lumipas pa ang mga araw, bumiyahe na ang bagong kasal papuntang Amanpulo, sobrang saya nila, dahil pang yayamanin ang lugar kaunti lang ang mga tao rito, panay rin ang picturan ng mag-asawa, hindi pa naman halata ang tiyan ni Sarah kaya sexyng sexy pa rin ito sa mga two piece niya, panay rin ang picture ng asawa sa kanya, feel na feel naman niyang maging modelo nito
"Gandang ganda ka sa akin Bebear ano?" ani niya nang nasa may tabing dagat sila at pinipicturan siya ni Aldrin
"Siyempre Bebear kita eh" nakangiting ani ni Aldrin, maya maya ay nagpahinga sila sa ilalim ng puno habang umiinom ng buko juice, pinost naman ni Aldrin ang mga picture nilang mag-asawa
Sa Manila naman, nakaupo si Redford sa gilid ng kama habang tinitingnan nito ang mga pictures na inupload ni Aldrin, sexyng sexy siya kay Sarah at nababaitan pa siya dito, pero si Patricia pa rin ang mahal niya, yun nga lang, dahil mula nang umuwi sila sa Pilipinas ay isang beses pa lang na may nangyari sa kanila, madalas kasi siyang sinusungitan ng asawa pag naglalambing siya, kaya nung unang beses na nakita niya si Sarah na nakatwo piece sa Cebu ay hindi niya napigilan ang sarili na matulala dito, iba kasi ang dating nito kapag nakaganun, malakas ang dating nito sa kanya
"Bakit tinitingnan mo yan?" ani ni Patricia, hindi man lang niya napansin na malapit na pala ang asawa sa kanya
"Ha? Wala lang"
"Wala? Sure ka? O pinagnanasahan mo ang asawa ng pamangkin mo?"
Tumayo si Redford at hinarap si Patricia "Masisisi mo ba ako kung mapapatingin ako sa iba? Ni hindi mo nga ako mapagbigyan pag naglalambing ako sayo"
Ngumiti si Patricia "Pwes bahala ka sa buhay mo!" saka tinalikuran ang asawa at nagpunta sa CR, ngingiti ngiti siya pag pasok sa CR, mukha kasing pinagnanasahan talaga ni Redford si Sarah, at eto ang gagamitin niya para masira ang dalawa, wala na siyang pakialam kay Redford, ang importante makuha niya ang gusto niya.
Kinagabihan, habang nakahiga sa kama sina Patricia at Redford ay naisipan ni Patricia na lambingin ang asawa
"Baby" ani nito sabay yakap "May request ako"
Nailing si Redford, ganun naman kasi ang asawa niya, maglalambing lang ito pag may kailangan pero hindi rin naman niya ito matiis "Ano naman yun?"
"Gusto ko sanang magwork sa Alcantara"
"Ano naman ang magiging trabaho mo dun?"
"Anything, wag lang janitress or office staff noh, I want a higher position, besides, I am your wife, Alcantara rin dala kong apelyido noh"
"Let's see, titingnan ko kung may magagawa ako"
"May magagawa ka siyempre, Alcantara ka tandaan mo yan"
"Sige, kakausapin ko muna si Aldrin kung okay sa kanya, para siya ang kumausap sa HR, okay na yun sa kanya manggaling kesa sa akin"
"Gawan mo ng paraan baby ko, kasi naiinip na ako dito, at saka ayaw mo ba nun? Lagi tayong magkasama?"
"Magkasama nga tayo, hindi naman ako makalambing" tila tampong ani ni Redford, ngumiti si Patricia, kumandong siya paharap sa asawa, at hinalikan ito sa labi, gumanti ng halik si Redford, sabik na sabik siya sa asawa "Baby, please? Gusto ko" bulong ni Redford sa asawa
"Then, take off my nighties baby, I will make you the happiest man tonight" ganting bulong ni Patricia, pagbibigyan niya si Redford ngayon dahil may hinihingi siya dito, agad agad na hinubaran siya ng asawa habang hinahalikan niya ito sa leeg, maya maya ay tapos na sila, nakangiting nakatulog si Redford habang nakayakap sa bewang ni Patricia "Pagbibigyan kita sa mga gusto mo ngayon" bulong ni Patricia "Hanggang sa makuha ko ang gusto ko, si Aldrin at ang kayamanan ng mga Alcantara"
Lumipas ang mga araw, nakabalik na sa Manila ang mag-asawang Aldrin at Sarah, inimbitahan naman sila ni Lola Consuelo na magdinner sa isang fine dining restaurant, kasama rin sina Redford at Patricia
"Kamusta ang honeymooners?" nakangiting ani ni Lola Consuelo
Ngumiti ang mag-asawa at nagkatinginan "Okay na okay po La" ani ni Sarah
"Mabuti naman at nasiyahan kayo, dapat kasi sa Maldives yun, kaya lang maraming kailangan ayusin sa negosyo, hindi pwedeng mawala ng matagal si Aldrin" ani ng matanda, pasimple namang umismid si Redford
"Okay lang po yun La" ani ni Aldrin "Masaya naman po kami, at saka talaga pong kailangan naming bumalik rin agad, sa saturday po kasi pupunta kami sa Pandi, sa sunday po kasi binyag na ng anak nina Kuya Philip"
"Ah ganun, okay, ikamusta niyo na lang ako sa kanila"
"Makakarating po La"
"Ahm Ma, Aldrin" ani ni Redford "Maiba lang po tayo, napag-usapan po kasi namin ni Patty na baka pwede po siya magtrabaho sa Alcantara"
Nagkatinginan naman sina Lola Consuelo at Aldrin, si Sarah naman ay kay Patricia nakatingin, inirapan naman siya nito pero hindi na lang niya pinansin
"Sigurado ka ba sa gusto mo Patricia?" ani ng matanda
"Opo Ma, nakakainip po kasi sa mansion, at saka baka sakali po makatulong ako sa negosyo, hindi kasi ako sanay nung tambay lang sa bahay at umaasa lang sa ibibigay ng asawa" ani ni Patricia habang nakatingin kay Sarah, napansin naman yun ng mga kasama nila, napatingin naman si Lola Consuelo kay Sarah na ngumiti
"Well that's good Tita Patricia" ani ni Sarah, napansin niyang bahagya itong sumimangot "Ako kasi hindi naiinip sa bahay namin, kasi may mga ginagawa naman ako, pag gising ko sa umaga inihahanda ko na ang isusuot at panligo ng asawa ko, tapos magluluto ng ako ng breakfast niya, pag alis niya maglilinis naman ako ng bahay, tapos maghahanda ako ng lunch niya minsan, hahatiran ko siya sa opisina para naman ganahan sa pagkain ang Aldrin ko, ayokong pabayaan niya ang sarili niya dahil sa trabaho, sa gabi naman magluluto ako ng dinner, ihahanda ang panligo niya ulit, bibihisan ko na siya at mamasahihin ko para. maging masarap ang tulog ng asawa ko, hindi ako busy eh noh?" mahabang litaniya ni Sarah, napangiti naman si Lola Consuelo
"Ang sweet naman pala ni Sarah" ani ng matanda "Very good ka dyan apo, inaalagaan mo ang asawa mo, ang pamilya niyo"
"At saka ayoko rin magtrabaho ang misis ko" ani ni Aldrin "I want her to enjoy our lives, gusto ko nga siya kuhanan ng maid pero ayaw naman niya"
"Kasi gusto ko ako mismo ang mag-aasikaso sayo Bebear, kasi obligasyon ko yun bilang asawa mo at masaya akong pagsilbihan ka kasi sobrang mahal na mahal kita" ani ni Sarah sa asawa, hindi naman na nakakibo sina Redford at Patricia
"Inform na lang kita kung saan post ka ilalagay sa Alcantara" ani ni Aldrin kay Patricia
"Okay Aldrin, thank you" nakangiting ani ni Patricia
Maya maya ay tapos na silang kumain, lumabas na sila ng resto, nasa loob na ng sasakyan sina Redford at Patricia
"Ikaw Patty, sabi ko sayo tigilan mo si Sarah, talagang sa harapan pa ni Mama nagpatutsada ka" ani ni Redford, inaantay na lamang nila ang matanda dahil kausap pa nito sina Aldrin at Sarah
"Pinagtulungan nga nila akong mag-asawa, sa akin ka pa nagagalit"
"Hindi sa ganun Patty, pero diba sabi ko sayo, ang intindihin mo ay kung paano mapapalapit kay Mama"
"Paano? Eh mas malapit nga siya kay Sarah"
"Kaya nga gumawa ka ng paraan"
"Okay fine" ani ni Patricia sabay irap kay Redford
"Ang galing mo kanina apo" ani ni Lola Consuelo kay Sarah
"Pasensiya na po La, hindi ko kasi napigilan ang sarili ko"
"Okay lang yun, wag kang magpaapi sa kanya"
"Ayoko po talaga siyang patulan eh, kaya lang, iba talaga ang tingin niya sa akin, mababa po"
"Tama lang yun na pinatutsadahan mo rin siya, paanong hindi siya maiinip sa bahay wala naman siyang ginagawa, lagi lang siya sa kwarto, wala naman siyang ginagawa, pala utos pa sa mga katulong"
"Eh kaya nga pinagbigyan ko siya sa gusto niya La" ani ni Aldrin "Pero gagawan ko ng paraan na hindi siya sa opisina mapupunta, sa Production Area ko siya ipapaassign, decision na niya kung tatanggapin niya"
"Pero apo, Alcantara ang dala niyang pangalan"
"Wag kang mag-alala La, magkakaroon siya ng position sa Prod, it's either Supervisor or Manager, pero dun siya"
Ngumiti si Lola Consuelo "Tama, dun mo siya ilagay, nang matuto"
"Sana nga matuto" sagot ni Aldrin at nagtawanan silang tatlo.