Episode 28

1065 Words
Nakapasok nga si Patricia sa Alcantara at sa Prod Area siya inassign as Supervisor muna, ayaw man niya wala siyang magagawa, parte ito ng plano niya, lumipas pa ang mga araw, bumabiyahe na papuntang Pandi sina Aldrin at Sarah, sumabay naman sa kanila si Tom aka April Rose "Hays! I'm free again" ani ni Tom "Hoy April Rose, isusumbong kita kay Tito, tatawagan ko ngayon" biro ni Sarah "Ay hindi mo magagawa yan" "Bakit?" "Kasi kinuha ko phone ni popshie" "Seryoso?" "Oo kasi baka may magsumbong sa kanya ng kaligayahan ko, at hindi nga ako nagkamali, dahil ikaw pala ang magsusumbong hmp!" "Paano pag may emergency?" "Wala ka na dun" "Eh kung pababain kaya kita ngayon?" "Papa Aldrin o" ani naman kay Tom "Hoy! Wag mo nga matawag tawag ng ganyan ang asawa ko bwisit ka!" ani ni Sarah sabay hampas sa hita ni Tom, tatawa tawa naman si Aldrin "Seryoso na" ani ni Tom "Siyempre hindi ko kinuha ano ka ba?" "Akala ko naman" "Ano tingin mo sa akin? Gaga?!" "Hindi" tatawa tawang ani ni Sarah "Huwag mo nang ituloy papakamatay ako" ani ni Tom, sasabihin sana ni Sarah ay Gago at alam ni Tom yun, marami pa silang kwentuhan at kulitan, kahit traffic hindi sila nainip, halos magtatanghali na nang makarating sila sa Pandi, sinalubong naman sila ni Philip at Maya "Hi Kuya, Hi Ate" tili ni Tom "Tingnan mo to" ani ni Sarah kay Aldrin "Ang kulit" natatawang ani ni Aldrin "O kamusta ka na April Rose?" ani ni Philip "Eto, gandara pa rin" "O kayong dalawa, lika na, pasok" ani nito kina Aldrin at Sarah, pag pasok nila sa bahay ay kinuha ni Maya ang anak, kinuha naman ito ni Sarah sa ina "Kamusta na? Namiss mo si Mama Sarah?" Lumapit rin si Tom "Hi baby girl, I'm your Tita April Rose" "Pinahirapan mo pa ang bata" ani ni Sarah "Bakit nanaman?" "Mahaba yun eh, dapat Tito Tom na lang" "Hoy ayoko, iiklian ko na lang.. Ninang AR" "Wow" natatawang ani ni Sarah "Tama yun na lang, pamystery effect" "Oo noh?" sabay apir pa ang magpinsan "Sus parang mga baliw" ani ni Philip "O wait lang ah, nagsasaing pa si Maya" "Kuya" ani ni Sarah "Okay na souvenirs ni Baby Paola?" "Oo natapos na ni Ate Maya mo kagabi" "Sus sabi ko tutulong ako eh" "Alam mo naman excited ang Ate mo" "Di bale, eh okay na ang reception?" "Oo okay na rin" "Wala na palang gagawin eh" "Oo wala na, ang mabuti pa magpahinga na lang kayo" "Oo para pretty tayo bukas" ani ni Tom "Naku Kuya" ani ni Sarah "Mag gagown daw si April Rose bukas" "Huy tigilan mo yan Tomas" ani ni Philip "Baka magalit ang pari" "Naniwala ka naman sa baliw mong kapatid" ani ni Tom "Bebear" ani ni Sarah kay Aldrin "Kanina pa tong si Tomas, inaaway niya ako" "Sus kanina pa kayo nag-aaway Bebear" natatawang ani ni Aldrin, sabay lapit sa asawa at silip kay Baby Paola "Ang cute ni Baby, ang tambok ng cheeks" "Siyempre kamukha kami" "Hindi ka naman chubby cheeks eh" "Ganyan ako nung baby pa ako" "Mas naeexcite tuloy ako sa Baby Bear natin" ani ni Aldrin sabay halik sa noo ng asawa "Kiss mo ako" sabay nguso Napangiti si Aldrin at hinalikan sa labi ang asawa, napailing naman si Philip at Tom "O kain na tayo" ani ni Maya pagkalabas galing kusina, sabay lapag ng mainit na kanin sa dining "Akina na si Baby, aba tulog na tulog pa rin ahh" "Ilapag mo na siya sa kwarto Love" ani ni Philip "Para sabay sabay tayong makakain" "Sige" ani ni Maya, naglabas naman ng inumin si Sarah, maya maya ay kumain na sila, pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga na sila sa kwarto "Saan si Tom?" ani ni Aldrin "Naku andun kina Tita Dolor, dun siya mag-istay" "Ahh, bakit? Pwede naman siya dito" "Naku Bebear, may mga tropa kasi siya dun" "Ahh okay" "Namimiss mo ba siya?" natatawang tanong ni Sarah "Siraulo ka Bebear, nagtataka lang ako, ang mabuti pa magpahinga muna tayo, antok na antok pa rin kasi ako eh" "Sige na Bebear, matulog ka muna" "Tabi tayo" "Oo Bebear, wait lang" "Ano bang ginagawa mo?" "Bebear binabalot ko pa yung gift ko" "Ano ba yang gift mo?" "Pillows and blanket, eh ikaw?" "Educational Plan na lang, pero wala pa kasi yung policy sa akin, once na ibigay sa akin yun ipapadala ko na lang dito" "Wow ang sosyal ahh" "Ganun talaga, pamangkin naman natin si Baby Paola" "Ang yaman mo kasi" "Ayan nanaman siya" Lumapit naman si Sarah sa asawa at nahiga sa tabi nito saka yumakap "Mahal na mahal kita Bebear" "Ako rin" "Thank you ah, kasi mahal mo rin ang pamilya ko" "Siyempre naman, pamilya tayo" Hinalikan naman ni Sarah sa labi si Aldrin "You're my King" "And You are my Queen" at niyakap niya ng mahigpit si Sarah, maya maya ay sabay na silang nakatulog Kinabukasan, sabay sabay nang nagpunta sa simbahan sina Aldrin, Sarah, Philip at Maya, andun na rin ang mga ibang bisita, pagkatapos ng binyag ay nagpunta na sila sa reception, kaunti lang naman ang mga bisita, nagpareserve na lang sila sa isang buffet restaurant sa Pandi "Grabe ang sarap ng foods dito" ani ni Tom "Oo nga" ani ni Sarah, maya maya ay may tumawag sa phone ni Aldrin, si Lola Consuelo "Hello La" "Hello Aldrin apo" "Napatawag po kayo" "Tumawag sa akin si Mr. Vargas, yung isang investor, nilapitan raw siya ni Mrs. Alcantara" "Sinong Mrs. Alcantara?" "Si Patricia" "Ha? Bakit daw?" "Pumapapel ang babaeng yun, akala niya maloloko niya si Mr. Vargas, ang problema mukhang hindi matutuloy ang investment dahil sa ginawa niya, nagdadalawang isip na siya" "Okay Lola, bukas na bukas kakausapin ko ulit si Mr. Vargas" "Sige apo" "Sige po Lola" at inoff na niya ang phone "Ano yun Bebear?" ani ni Sarah sa asawa "Si Patricia umeksena sa isang prospect investor" "Paano yun?" "Kailangan kong kausapin ulit si Mr. Vargas bukas, at kailangan makausap ko muna si Patricia para malaman kung ano ang sinabi niya" "Sige, pagkagaling natin dito umuwi na tayo, sabihin na lang natin kina Kuya na may emergency" tapos ay tumingin kay Tom "Ikaw April Rose, sasabay ka ba?" "Oo sige sasabay na rin ko" Tumingin si Sarah sa asawa at hinawakan ito sa kamay "Maaayos mo yan alam ko, ikaw pa ba?" "Sana nga"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD