"Kuya, paano?" ani ni Aldrin "Pasensiya na ha? Kailangan na namin umalis eh, emergency lang, kailangan kong makausap yung asawa ng Tito ko"
"Oo nga nasabi na ni Sarah, sige ingat kayo"
"Eh paano pala kayo uuwi?"
"Naku wag mo kaming intindihin okay lang"
"Sige Kuya"
"O sige ingat, salamat sa mga tulong niyo at regalo kay Baby Paola" ngumiti at tumango naman si Aldrin
"Sige Kuya" ani ni Sarah at humalik na sa pisngi ng kapatid tapos ay humalik rin sa pisngi ni Maya "Babye Baby Paola namin" ani niya sa pamangkin, nagsmile naman ito sa kanya at nakita niyang may dimples "Ang cute my dimples, ginigigil mo talaga si Mama Sarah ah"
"Oo nga eh" ani ni Maya "Uy ingat kayo"
"Oo Ate, sige bye" ani ni Sarah at sumakay na sila sa kotse saka umalis, habang bumabiyahe ay nakatulog si Tom sa likod
"Alam mo Bebear, ano kaya ang naisip ni Patricia at ginawa niya yun?"
"Ewan ko, tsk"
"Didiretso ba tayo sa mansion?"
"Ihatid muna natin si April Rose, tapos saka tayo pupunta sa mansion"
"Sige Bebear"
"Ikaw? Baka inaantok ka, sleep ka muna"
"Hindi, okay lang ako" nakangiting sagot ni Sarah
Lumipas pa ang mga oras, inihatid muna nila sa Tom saka dumiretso sa mansion, halos alas siyete na nang dumating sila, pagpasok nila sa sala ay andun na sina Lola Consuelo, Redford at Patricia
"Lola" ani ni Aldrin, lumapit sila dito at nagmano saka humalik sa pisngi, naupo rin sila
"What happened Patricia?" ani ni Aldrin "Bakit mo ginawa yun?" at umupo sila ni Sarah
"I just wanted to help"
"Help? Tingin mo nakatulong ka? Hindi ka kasi dapat nakikialam sa mga bagay na wala kang alam"
"Gusto ko kasing patunayan na kaya ko, tama ba namang itapon mo ako sa Prod Area at gawing supervisor lang?"
"Patricia, lahat tayo nagsisimula sa mababa"
"But not you Aldrin"
"Patricia" ani ni Lola Consuelo "Nag-aral si Aldrin ng Business Ad, nagmasterals din siya, and he can run the business better than us, and most especially he is my grandson and he is a family"
"So ako hindi?" ani ni Patricia sa matanda "Alam ko naman po Ma na ayaw niyo sa akin, hindi niyo ako gusto"
"You know what Patricia? Mula nang dumating kayo ni Redford at sinabi niyo na mag-asawa na kayo, I know there's something wrong, una hindi ko alam kung saan, pero nalaman ko na nagawa mo palang pagsabayin ang anak at apo ko"
Napatingin si Patricia kay Sarah "Sinabi mo?"
"Wala siyang kasalanan, obligasyon niyang sabihin ang totoo sa asawa niya, ganun dapat ang mag-asawa, tapat sa isat-isa"
"So alam niyo na pala" ani ni Redford
"Oo Tito" ani ni Aldrin "Bago pa man din ang Church Wedding alam ko na, alam kong pumayag kang gawin ng asawa mo yun sa atin"
"Pero tapos na yun" ani ng matanda "Wala nang dapat pang pagtalunan tungkol dyan, may kanya kanya na kayong buhay, ang kailangan ay maayos ang gulo na ginawa ni Patricia"
"Gulo?" ani ni Patricia
"Oo, dahil sinabi rin ni Mr. Vargas na nagdadalawahan siya ngayon kung itutuloy ang investment"
"I need to know kung ano ano ang mga sinabi mo sa kanya" ani ni Aldrin
"Let me handle this" ani ni Redford "Ako na ang kakausap kay Mr. Vargas"
"Pero Redford" ani ng matanda
"Hindi kayo naniniwala na kaya ko tong ayusin Ma?"
"Hindi naman sa ganun"
"So let me handle this, and I assure you, mag-iinvest ulit si Mr. Vargas sa Alcantara, sisiguraduhin ko yan"
"So wala na pala tayong dapat pag-usapan" ani ni Aldrin sabay tayo
"Bakit? Sino ba ang nagsabi na kailangan ka dito?" ani ni Redford
"Tinawagan ako ni Lola at sinabi sa akin ang ginawa ng asawa mo, and as a CEO of the company, kailangan maayos ko to"
"Baka nakakalimutan mo, isa pa rin ako sa may ari ng Alcantara, at kaya ko ring ayusin to"
"Okay fine Tito, wala namang kwestiyon dun, goodluck na lang" sabay talikod at lapit sa lola niya "La, uuwi na po kami ni Sarah"
"Sige apo, ingat kayo" lumapit din si Sarah at humalik na sa matanda tapos ay tumingin kay Redford
"Tito, alis na po kami" ani ni Sarah, tumango naman si Redford, tumingin rin siya kay Patricia, pero tinitingnan rin siya nito ng masama, ilang saglit lang ay umalis na sila, umakyat naman na sa kwarto sina Redford at Patricia
"Hayop na Sarah yan, talagang sinusubukan niya ako" ani ni Patricia
"Kasalanan mo rin naman, lagi mo siyang pinoprovoke"
"So kasalanan ko nanaman? Siya nanaman ang kakampihan niyong lahat"
"Hindi naman sa ganun, I told you na magfocus ka kung paano mapapalapit kay mama"
"Kaya nga nagtry akong kausapin si Mr. Vargas para sa Alcantara, baka sakali maappreciate ako ni mama, pero wala, pumalpak ako"
"Patty, wag kang mag-alala, aayusin ko to, ako ang bahala"
"Hindi ka galit sa akin?" iyak na ani ni Patricia
"No, naging pabor rin naman sa akin ang nangyari, kapag naayos ko to, posible na bumalik na ang tiwala ni mama sa akin, na kaya ko nang ihandle ang business" ani ni Redford, lumapit naman si Patricia saka yumakap dito
"Naiintindihan mo naman baby kung bakit ko nagawa yun diba?"
"Of course baby, I think we need to take a rest, maaga pa ako bukas"
"Sige baby"
Lumipas pa ang mga sandali, nakauwi na sa condo ang mag-asawang Aldrin at Sarah, tahimik lang si Aldrin mula nang umalis sila sa mansion
"Bebear, wag mo na isipin ang nangyari" ani ni Sarah sa asawa nang nakahiga na sila sa kama
"Okay lang ako, wag mo akong alalahanin"
"Basta, yaan mo na lang si Tito Redford na ayusin ang ginawa ng asawa niya"
"Oo naman, siya naman ang nagsabi na aayusin niya, hindi na ako makikialam"
"Bebear, sleep ka na ha? Alam ko pagod ka" ani ni Sarah sabay yakap sa asawa
"Ikaw rin, alam ko pagod ka rin, pati si Baby Bear"
"Mahal na mahal ka namin Bebear"
Ngumiti si Aldrin "Mahal na mahal ko rin kayo" sabay halik sa labi ng asawa
"Bebear, may dala pala tayong salted egg pinadala ni Tita Dolor, gusto mo yun ang breakfast mo bukas?"
"Sige Bebear ko" sabay tagilid at yumakap rin sa asawa "Sleep na tayo Mrs. Alcantara"
"Sige Mr. Alcantara, goodnight"
"Goodnight" sabay halik ulit sa labi ni Sarah at pumikit na sila, maya maya ay tulog na sila.
Kinabukasan, maagang nagpunta si Redford sa opisina ni Mr. Vargas, pero wala pa ito, wala rin kasi siyang appointment dito kaya no choice siya kundi ang mag-antay sa pagdating nito, at dun niya pa lang malalaman kung papayag itong kausapin siya. 10:30 na nang dumating si Mr. Vargas sa opisina nito, at sinabihan ito ng secretary nito na andyan si Redford pero ayaw itong harapin ni Mr. Vargas, maya maya ay lumabas ang secretary nito at hinarap si Redford
"Sir, sorry to say this" ani ng secretary "Busy po kasi si Boss and bukod po sa wala po kayo sa schedule niya, ang gusto niya lang po makausap ay si Sir Aldrin Alcantara"
Napalunok si Redford "Ganun ba? Sige salamat" at tumalikod na siya, naikuyom niya ang palad niya, galit na galit siya "Si Aldrin nanaman" bulong nito "Lahat kayo puro Aldrin" nagdaan muna siya sa restroom, galit na galit siya, nasuntok niya pa ang pader sa sobrang galit.