Kinagabihan, umuwi na sa apartment sina Aldrin at Sarah
"Bebear, bukas papasok na ako sa opisina" ani ni Sarah pagkaupo nila sa sofa
"Sige, pero ayusin mo na ang resignation mo ha?"
"Oo sige"
"Ano? Nakadecide ka na? Magwowork ka o stay ka na lang sa bahay?"
"Gusto ko may sarili akong pera"
"Wala namang problema dun eh, ako nang bahala" sabay hawak sa pisngi ni Sarah
"Nakakahiya naman sayo"
"Of course not Bebear, wag mong isipin yun"
"Sige"
"O, anong oras kayo mag-uusap ni Kuya Philip?"
"Maya maya tatawag na yun, kukunin ko lang yung laptop sa kwarto"
"Sige" ani ni Aldrin, tumayo naman si Sarah para kunin ang laptop, ilang saglit lang ay nakalabas na ulit ito, binuksan naman ni Aldrin ang TV, maya maya ay tumatawag na ang kuya ni Sarah
"Kuya"
"O Bunsoy, ano yung sasabihin mo kamo?"
"Kuya may papakilala ako sayo, si Aldrin"
"Oo diba siya yung kaopisina mo na minsan naghahatid sayo sa bahay?"
"Oo, pero Kuya, boyfriend ko na kasi siya, at saka magpapakasal na kami" ani ni Sarah, pinausod naman niya si Aldrin para makita ito ng Kuya niya
"Good Evening Kuya Philip" ani ni Aldrin
"Good Evening, totoo ba ang sinabi ni Sarah? Magpapakasal na kayo?"
"Oo sana Kuya, actually nakakausap na kami ng Wedding Coordinator"
"Sigurado na ba kayo? At saka ngayon ko lang nalaman na magboyfriend pala kayo tapos magpapakasal na agad kayo?"
"Mahal na mahal ko po siya Kuya"
"At saka Kuya" ani ni Sarah "Matagal na po namin mahal ang isat-isa"
"Eto ah, nasa edad na kayo Aldrin, siguro naman alam niyo na ang ginagawa niyo at papasukin niyo, sana lang wag masaktan ang kapatid ko, kasi sinasabi ko sayo babawiin ko siya sayo, kahit ang magiging anak niyo"
"Oo Kuya, pangako, hindi ko sasaktan si Sarah"
"May magagawa pa ba ako? Basta aalagaan mo ang kapatid ko"
"Oo Kuya"
"Kuya, uwi ka sa kasal ko ha?" ani ni Sarah
"Kailan ba?"
"Five months from now"
"Sa July?"
"Oo"
"Paano kaya yan Bunsoy? Kailangan ipaalam ko muna sa amo ko na uuwi ako para sa kasal mo"
"Sige na Kuya, ikaw na lang ang pamilya ko, sino maghahatid sa akin?" mangiyak ngiyak na ani ni Sarah
"Sige sabihan mo ako kung ano yung exact date ng kasal para makapagpaalam na ako, tutal malayo layo pa naman, saka mabait naman ang boss ko, kahit siguro mga one week or two weeks lang uuwi ako, dun ko na lang gagamitin yung bakasyon ko"
"Thank you Kuya"
"June din kasi manganganak ang ate mo, hindi naman talaga ako makakauwi nun kasi yung isang kasamahan ko nakabakasyon ng June, sa kasal mo na nga lang"
"Ako na ang bahala sa pamasahe mo Kuya" ani ni Aldrin
"Naku, okay lang Aldrin, wag mo alalahanin yun, talaga namang may bakasyon kami every year, pinaghahandaan ko naman yun"
"Okay Kuya, salamat"
"O siya sige, tatawagan ko pa ang Ate Maya niyo"
"Sige Kuya bye" ani ni Sarah
"Bye Kuya" ani ni Aldrin
"Sige bye" at nawala na sa monitor si Philip, nagkatinginan naman sina Aldrin at Sarah
"Happy Bebear?" ani ni Aldrin
"Oo, alam mo Bebear, hindi ko ineexpect to na kakausapin ko si Kuya ng ganito"
"Bakit naman?"
"Wala lang, siguro overwhelmed lang talaga ako, at saka pag nag-uusap kami puro kulitan lang, kaya nga minsan parang ayaw na niya akong kausap, ngayon lang kami nag-usap nang ganyan, yung seryoso, kahit nung sinabi niyang magpapakasal na sila ni Ate Maya nuon, binully ko pa siya nun, wala lang"
"Bully ka naman kasi talaga Bebear" tatawa tawang ani ni Aldrin
"Ganun? Umuwi ka na kaya?"
"Ayoko nga, dito ako matutulog noh"
"Tama pala, wag kang uuwi sa mansion, may mumu dun"
"Anong mumu?"
"Mumu, Patricia ang pangalan"
Natawa naman si Aldrin at hinalikan sa pisngi si Sarah "Ikaw talaga Bebear, mumu talaga? Hindi ba aswang?"
"Mumu yun, tingnan mo nga ang putla"
"Mas maputi lang sayo maputla na agad?"
"Hindi siya maputi, maputla"
"Oo na sige na, tulog na tayo" sabay halik sa balikat ni Sarah
"Dito ka nga matutulog Bebear?"
"Oo nga, ayaw mo ba? Gusto mo ba umuwi ako sa mansion"
"Ayaw! Sige dito ka lang"
"Sus selosa pala ang Bebear ko" sabay yakap kay Sarah
"Mahal kasi kita, at hindi ako papayag na may umagaw sayo sa akin"
Tinitigan ni Aldrin si Sarah "Mahal na mahal rin kita, hindi rin naman ako papayag na may magpapahiwalay sa atin"
"Kiss mo ako"
"Yan ang gusto ko" sabay halik sa labi ni Sarah, gumanti naman ng halik si Sarah at yumakap kay Aldrin, naghiwalay ang mga labi nila at magkayakap lang
"Ang Bebear kong mahal na mahal ko" ani ni Aldrin
"Sleep na tayo Bebear"
"O lika na, para makapagpahinga na tayo, may meeting kasi kami bukas with a client, tapos irireview ko rin yung financial Status ng Alcantara Inc."
"Busy ka bukas?"
"Oo, pero ihahatid at susunduin pa rin kita bukas"
"May meeting kayo diba?"
"Sa lunch naman yun"
"Okay"
"Lika na, sleep na tayo" ani ni Aldrin, sabay patay ng TV, pumasok naman na sa kwarto si Sarah at pinatay na rin ni Aldrin ang ilaw sa sala.
Kinabukasan, hinatid muna ni Aldrin si Sarah sa opisina saka dumiretso sa opisina nila ni Matt, magkaharap naman sila ni Matt sa opisina nito habang nagkakape
"Kamusta na si Sarah?" ani ni Matt
"Ayus naman"
"Ang gara lang Pre, kahit ba sabihing wala na kayo ni Patricia dapat sana nagpasintabi man lang sila sa iyo"
"Hindi ko rin alam Pre, pero wala na rin akong pakialam, ang importante sa akin si Sarah, ayokong nasasaktan siya sa anumang paraan, ang totoo nararamdaman kong naiilang siya ngayon dahil kay Tito at Patricia"
"Dapat talaga iparamdam mo sa kanya na siya lang"
"Siya lang naman talaga"
"Sana lang walang mangyaring gulo"
"Wala namang mangyayari kung hindi nila sisimulan"
"Paano pala ang Alcantara Inc?"
"Ako pa rin ang CEO, pero kung sasabihin ni Lola na ibibigay niya ito kay Tito Redford wala namang magiging problema"
"Sa tingin mo bumalik na ang tiwala ni Lola Consuelo sa kanya?"
"Hindi ko alam, kasi wala rin namang kasiguraduhan kong babalik pa sila sa New York, wala silang sinasabi"
"Yun lang, hayaan mo Pre, pag nagkagulo, andito lang kami"
Ngumiti si Aldrin "Salamat Pre"