Episode 13

1140 Words
Kinahapunan, nagdala nga ng lasagna at pizza si Aldrin kina Leina, magkasunuran naman silang dumating ni Matt, nakaupo sina Aldrin at Sarah sa sofa habang kausap ang kambal "Ninong, isasakal ka na ni Ninang?" ani ni Cruzita Natawa si Aldrin "Ikakasal anak, hindi isasakal" "Yun nga po" "Opo, at flower girl kayo ni Chabelita at Tintin" "Asan na pala si Tintin?" ani ni Sarah "Nasa room po" ani ni Chabelita "Nagwiwi siya at saka galit namin siya" "Bakit naman?" "Wala lang po, gusto lang namin siya galit" "Ano yun Cruzita, Chabelita?" ani ni Matt "Ano yung galit kayo kay Tintin?" "Diba sabi ko wag mag-aaway" ani ni Leina, hindi naman kumibo ang dalawang biik este ang kambal "Mahal, kakausapin ko lang tong dalawa na to" ani ni Matt kay Leina at saka hinarap ulit ang mga anak "Pumasok kayong dalawa sa kwarto namin ng mommy niyo at mag-uusap tayo" "Daddy galit ka?" ani ni Cruzita "Pasok!" ani ni Matt, nagtakbuhan naman ang dalawa sa kwarto ng magulang, sumunod naman si Matt "Mardz, puntahan ko lang si Tintin, dito muna kayo" ani ni Leina "Sige lang Mardz" sagot ni Sarah, pinuntahan naman ni Leina si Tintin sa kwarto, nakaupo ito sa gilid ng kama at pinupunasan ang mata "Nak" ani ni Leina, tinabihan niya ang bata "Mommy" ani ni Tintin, at nagsunod sunod ang tulo nito, naawa naman si Leina kaya niyakap niya ang bata at kinandong ito "Ssshh, Mommy's here, ano ba ang nangyari sa inyong magkakapatid?" "Hindi ko po alam sa kanila, basta ayaw nila ako isali sa play nila" "Yaan mo, kinakausap na sila ni daddy, don't cry na baby ko, love ka ni Mommy" sabay yakap ulit sa bata at halik sa pisngi nito Sa kwarto naman nila, kinakausap naman ni Matt ang kambal "Anong ang problema niyong dalawa?" "Wala po" ani ni Chabelita "Bakit galit niyo si Tintin?" "Wala lang Daddy, joke lang po" "Bad joke yun, alam niyo naman wala na ang totoong mommy niya diba? Kawawa naman siya, at saka hindi dapat kayo nag-aaway, magkakapatid kayo" "Hindi na po uulit" ani naman ni Cruzita habang umiiling "Ayaw niyo na ba kay Tintin? Hindi niyo na siya love? Kung ayaw niyo na sa kanya ibibigay ko na lang siya kina Ninong Aldrin at Ninang Sarah" Biglang umiyak ang kambal "Daddy no please" ani ng mga ito "Ayoko nang mauulit to ah?" "Opo, basta wag mo pamigay si Tintin, kapatid namin siya, wawa naman siya" ani ni Chabelita habang umiiyak "O siya sige na tama na, magsorry kayo kay Tintin okay?" "Yes Daddy" ani ng dalawa, at saka sila lumabas ng kwarto, sakto naman na kandong ni Aldrin si Tintin at kausap naman ito ni Sarah habang hawak sa kamay, biglang tumakbo ang dalawa sa kanila "Ninong wag mo kukunin si Tintin please, kapatid namin siya" ani ni Cruzita habang umiiyak "Eh inaaway niyo siya eh" ani naman ni Aldrin, nakikinig naman sina Matt at Leina sa kanila "Hindi na po, joke lang yun" "Sorry na Tintin, hindi na namin uulitin ni Ate" ani ni Chabelita sabay hawak sa kamay ni Tintin "Lika na Tintin, wag ka sasama kay Ninong, dito ka lang" Napangiti naman sila sa sinabi ni Chabelita "Hindi niyo na ako galit?" tanong ni Tintin "Hindi ka naman namin galit, joke lang yun, hindi na namin uulitin, dito ka lang, lika na" ani ni Chabelita, bumaba naman si Tintin sa pagkakakandong kay Aldrin, niyakap naman ito ng kambal "Tintin, love ka namin" ani ni Cruzita "Love ko din kayo, kayong lahat" sagot ni Tintin, hinalikan naman siya sa pisngi ng kambal "O sige hindi na namin iuuwi si Tintin, basta wala nang bad joke okay?" ani ni Aldrin "Opo" sagot naman ng tatlo "O lika na, kain na dali, may dala si Ninong na meryenda" "Yehey" ani ng tatlo at nagtakbuhan sa dining "Sus ginoo" natatawang ani ni Aldrin, at sumunod na sila ni Sarah, Matt at Leina "Hala sila o, excited kayo mga anak?" ani ni Matt "Pre ginugutom mo na ata tong mga inaanak ko eh" ani ni Aldrin "Mukha bang ginugutom yang mga yan?" "Oo, ang papayat na" natatawang ani ni Aldrin "Ang tataba kamo" "Hindi kami mataba" ani ng tatlo, nagtawanan naman sila sa sinabi ng mga bata "O siya sige na, kain na kayo" ani ni Aldrin, tuwang tuwa na kumain ang tatlo "Tintin laro tayo ng make up mamaya" ani ni Cruzita "Sige ate" "Imake up natin si Baby Jayr" ani ni Chabelita "Hoy kayong tatlo, talagang mapapalo ko kayo" natatawang ani ni Matt "Bakit po?" ani ni Chabelita "Paano pati si Baby Jayr idadamay niyo sa make up make up niyo na yan, bawal sa kanya yun" "Kasi boy siya?" "Kasi baby pa siya, masisira ang skin niya" nakangiting ani ni Matt, hinampas naman siya ni Leina "Siraulo ka talaga Mahal" "Joke lang yun" Nang biglang nagring ang phone ni Aldrin, hindi niya alam kung sino yun "Hello" ani ni Aldrin "Hello Aldrin" "Sino to?" "Si Patricia" "Patricia? B-bakit?" "Binigay sa akin ni Red ang number mo, nagpapasundo kasi ako sa kanya pero malayo pa raw siya, sa Laguna pa raw siya, baka pwede mo naman akong daanan" "Ha? Naku, uuwi kasi kami ni Sarah sa apartment, magbook ka na lang ng kotse" "Ganun ba? Sige okay lang, pasensiya na" "Pasensiya na rin Patricia" "Okay lang bye" "Bye" sabay off ng phone "Ano yun?" ani ni Sarah kay Aldrin "Si Patricia nagpapasundo kasi hindi siya masusundo ni Tito Redford" "O bakit sayo siya magpapasundo?" "Kaya nga sabi ko hindi pwede, kaya sabi ko magbook na lang siya ng kotse" "Saka bakit alam niya ang number mo?" Ngumiti si Aldrin at niyakap si Sarah mula sa likod "Nagseselos ka?" "May karapatan naman ako diba?" "Oo, pero wala ka namang dapat ikaselos" "Paano niya nalaman ang number mo?" "Binigay daw ni Tito Redford" hindi naman na kumibo si Sarah "Wag ka nang magalit" sabay halik sa pisngi nito "Wag mo isesave number nun" "Hindi po" "Alam niyo" ani ni Sarah kay Matt at Leina "Ang tahimik lang niya pag magkakaharap kami, pero parang may nasesense na akong iba sa kanya ngayon, parang may hidden agenda yun" "Sus Bebear, ikaw talaga" ani ni Aldrin "Uy Aldrin" ani ni Leina "Ibahin mo ang instinct ng babae" "Umayos ka Aldrina, sinasabi ko sayo" ani ni Sarah "Ano? Aldrina?" "Oo" "Bebear naman, wag ka nang magalit please" "Basta wag mo ngang isave ang number niya" "Oo na nga" "Promise?" "Oo promise" "Baka kabisaduhin mo" "Bebear wag mo naman akong paghinalaan, ikaw lang ang mahal ko alam mo naman yun" "Akin ka lang Bebear" Napangiti si Aldrin, pati sila Matt at Leina ay napangiti "Ayan hindi na siya galit, Bebear na niya ako ulit" "Umayos ka" "Maayos naman ako ah" "Okay Bebear" nakangiting ani ni Sarah "I love you" "I love you too"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD