Five years ago, umalis si Patricia at nakipaghiwalay kay Aldrin, lingid sa kaalaman ni Aldrin, may relasyon din sila ni Redford, kung tutuusin mas may pera itong si Redford compare kay Aldrin, mas gaganda ang buhay niya dito, pero nalulong sa sugal si Redford, nalugi ang sarili nitong negosyo kaya nagdesisyon na pumunta ng US, sinama siya nito at nangakong magsisimula ulit sila, nakipaghiwalay siya kay Aldrin, ang alam nito ay sa Singapore ang punta niya, pero hindi, matagal na nilang plano ni Redford ang lumayo, okay pa ang buhay nila nang dumating sa New York, may natira pa naman kay Redford, pero hindi ito tumigil sa sugal kaya naubos din ang pera nila, nagtrabaho naman sila pero hindi yun naging sapat dahil sa patuloy na bisyo ni Redford, maraming hindi magandang nangyari sa kanila sa New York, pero wala na siyang nagawa kundi ang magtiis, nabuntis siya pero nawala rin ang baby dahil sa stress niya sa pagtatrabaho para lang mabuhay sila ng maayos, pero kung siya ang papipiliin, mas gusto niya pa ring bumalik sa New York kesa manatili sa Pilipinas kahit hindi kasama si Redford, pero kailangan niya ng pera para makabalik duon, walang wala na sila ni Redford kaya nagdesisyon silang umuwi sa Pilipinas.
Lumapit siya na natutulog na asawa at tinitigan ito, mahal rin naman niya ito at kahit si Aldrin minahal niya rin, pero mas pinili niya ito dahil ito ang may pera, pero nagkamali siya, at wala na siyang magagawa pa.
Sa kwarto naman ni Aldrin, nakahiga na sila ni Sarah at yakap yakap niya ito ng mahigpit
"Ano Bebear ko? Malamig pa?"
"Hindi na, sakto na lang, yakap mo na ako eh"
"Sus, arti arti ng Bebear ko" sabay halik sa leeg ni Sarah "Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal rin kita Bebear"
"Gusto mo ayusin tong kwarto?"
"Bakit?"
"Wala lang, para at home na at home ka pa rin"
"Sabi mo sa condo tayo titira Bebear"
"Oo nga"
"Yun na lang aayusin ko"
"O sige, pero etong design okay na sayo to?"
"Oo okay naman ang design nito eh"
"Sleep na tayo"
"Oo nga kanina pa ako inaantok, ang daldal mo pa eh"
Kiniliti naman ni Aldrin si Sarah sa bewang "Ah ganun ah"
"Ay! Salbahe ka" natatawang ani ni Sarah
"Lika dito" sabay yakap ulit kay Sarah "Sleep na, papaluin kita"
"Sleep na Daddy"
Napangiti si Aldrin "Sleep na Mommy, Goodnight"
"Goodnight" sabay halik sa labi ni Aldrin, pero biglang umibabaw si Aldrin sa kanya
"Parang nagbago isip ko, parang gusto ko muna maglambing"
"Hmmm, sige lambingan muna tayo" natatawang ani ni Sarah, at nagtalukbong na sila ng comforter saka nagsimulang maglambingan
Kinabukasan, nag-aalmusal na silang lahat, tahimik pa rin si Patricia
"Ahm, Aldrin" ani ni Redford "Pwede ko bang hiramin yung kotse mo?"
"Tito gagamitin ko kasi yun"
"Redford, yung van na lang ang dalhin mo" ani ni Lola Consuelo
"Ang laki kasi Ma, pero sige yun na lang daldalhin ko, coding kasi yung isang kotse, eh yung motor ayaw umandar"
"Eh wala namang gumagamit ng motor mo, San ka ba pupunta?"
"Pupuntahan ko lang yung kabatch ko, birthday niya, nagyayaya"
"Eh si Patricia sasama mo?"
"Hindi po Ma, may inaantay po kasi akong tawag" sagot naman ni Patricia
"Eh dito ka lang sa bahay?"
"Hindi rin po, sasabay po sana ako kina Aldrin, makikipagkita po ako sa College friend ko, kung okay lang po kay Aldrin"
Nagkatinginan naman sina Aldrin at Sarah, tumango naman ang babae "Sige Patricia, sumabay ka na lang sa amin"
Maya maya ay nagprepare na sila sa pag alis, inaantay na lang ni Sarah si Aldrin, nang may tumabi sa kanya
"Sarah, pasensiya na ha?" ani ni Patricia "Makakaistorbo pa ako sa inyo ni Aldrin"
Ngumiti si Sarah "Naku wag mong isipin yun, okay lang" ani naman ni Sarah, siya namang hinto ng sasakyan ni Aldrin sa harapan nila, nagulat si Sarah nang lumapit si Patricia sa may passenger's seat at binuksan nito ang pinto, pero tila natauhan rin naman ito at naalala na hindi siya dapat dun
"Sorry" ani ni Patricia at pumunta na sa likod, hindi na kumibo si Sarah pero nginitian niya si Patricia, sumakay na rin siya sa may tabi ni Aldrin, nagkatinginan naman silang dalawa, habang bumabiyahe ay wala silang kibuan, nang magsalita si Patricia
"Ah Aldrin pakibaba na lang ako sa may Starbucks, dun ko na lang aantayin yung friend ko"
"Okay sige"
"Bebear, daan mo na lang muna ako kina Leina" ani ni Sarah
"Sige, pero hindi ka na sasama sa office?"
"Next time na lang"
"Okay, sunduin na lang kita mamaya ha?"
"Okay"
"Anong gusto mong pasalubong?"
"Pasalubungan mo na lang yung mga bata"
"Eh ikaw?"
"Wag na, mga bata na lang"
"Okay, ano naman kaya ang gusto ng mga biik na yun?"
"The usual"
"Jollibee" ani nilang dalawa at sabay silang nagtawanan, napaismid naman si Patricia sa likod, maya maya ay nakarating na sila sa may Starbucks
"Patricia dito ba? Tama?" ani ni Aldrin
"Ahh oo, salamat Aldrin, salamat rin Sarah"
"Walang anuman" ani ni Aldrin at saka bumaba si Patricia
"Tahimik talaga siya noh?" ani ni Sarah
"Baka naiilang"
"Siguro nga, Ikaw Bebear? Hindi ka naiilang?"
"Naiilang rin, kasi diba, wala naman kaming closure na maayos? Tapos nagkita ulit kami asawa na siya ng Tito ko"
"Hindi ka nanghinayang?"
"Bakit ako manghihinayang kung much better naman ang Bebear ko" nakangiting ani ni Aldrin
Ngumiti rin si Sarah "Kaya mahal na mahal kita Bebear ko, ang galing mo mambola"
"Wow ah, hindi kita binobola Bebear"
"Bebear naalala ko pala, kailangan ko nang sabihan si Kuya tungkol sa plano natin, gusto ko siyang ivideo call mamaya"
"Sige, ivideo call natin siya"
"Sasamahan mo ako?"
"Oo naman, para magkausap rin kami ni Kuya"
"Sige mamaya ivideo call natin siya"
"O sigurado ka ba na wala kang gustong pasalubong mamaya?"
"Hmmm, sige, gusto ko sana ng Lasagna sa Greenwich Bebear"
"O di sige yun na lang bibilhin ko saka Pizza, para makakain tayo lahat kina Leina, wag na Jollibee kasi mukha nang mascot ang mga biik"
"Sige, galante ng Bebear ko ah"
"Eh siyempre ganun talaga, dapat magpakitang gilas ako sa asawa ko, at saka ayokong nagugutom ka"
"Ano? Masiba ako?"
"Bebear wala akong sinabing ganyan, sayo nanggaling yan"
"Ganun?" sabay kurot sa tagiliran ni Aldrin
"Uy wag kang maharot, mamaya tayo magharutan para magkaroon na tayo ng Baby Bebear"
"Baby Bebear" natatawang ani ni Sarah
"Gusto ko na rin ng mga Baby Bebear, yung kina Matt mga Biik sa atin mga Bear" natatawang ani ni Aldrin
"Inaapi mo mga inaanak natin"
"Hindi ah, mahal na mahal ko ang mga yun, kahit si Tintin napamahal na sa akin yun"
"Ako rin, love ko na si Tintin, ang lambing rin naman kasi ng batang yun"
"O malapit na tayo, hindi na ako bababa ha?"
"Oo Bebear, basta ingat ka sa biyahe ha?"
"Siyempre naman"
Maya maya ay nakahinto na ang kotse ni Aldrin sa tapat ng condo building nina Matt
"O Bebear babye na muna" ani ni Aldrin
"Babye Bebear" sabay halik sa labi ni Aldrin "Ingat ka Bebear, I love you"
"I love you more Bebear" sabay halik sa labi ni Sarah, tapos ay bumaba na ang babae at pumasok na sa loob ng building, si Aldrin naman ay umalis na.