Kinagabihan, alas siyete na nang makauwi sa mansion sina Aldrin at Sarah, sinalubong naman sila ni Lola Consuelo
"Mga apo ko"
"Good Evening La" bati ng dalawa sabay halik sa pisngi nito
"O, wait lang ah, nagsasaing na lang"
"Ah sige La, iaakyat lang namin ang mga gamit ni Sarah sa kwarto"
"Sige sige" at tumalikod na ang dalawa, binuhat ni Aldrin sa isang kamay ang bag ni Sarah at sa kabilang kamay ay hawak niya ang kamay nito, pagkaakyat nila ay nasalubong nila si Redford at Patricia
"O Aldrin, andito na pala kayo" ani ni Redford
"Tito, oo, ininvite kasi ni Lola si Sarah na dito matulog"
"Ahh okay, by the way kailan ang kasal?"
"Mga four to five months from now"
"Naku sana andito pa kami nun"
"Bakit?"
"Babalik din kasi kami sa New York"
"Akala ko you're staying na for good"
"Naku eto kasing asawa ko mas gusto sa New York"
"Ahh okay, nakapag usap na kayo ni Lola?"
"Not really, bakit?"
"Ah wala naman Tito, sige pasok muna kami sa kwarto"
"Okay"
"Sige po" ani ni Sarah
"See you later"
"Sige po" at saka sila tumalikod at pumasok na sa kwarto ni Aldrin
"Welcome to my room Bebear"
"Ang laki ng kwarto mo Bebear, parang buong apartment ko na to ah"
"Okay ba Bebear?"
"Bebear, bakit yung Tita mo parang hindi masaya, parang hindi ngumingiti"
Natawa si Aldrin kay Sarah "Tita talaga Bebear? Yaan mo siya, wag mong pansinin yun" habang inaayos ang damit ni Sarah sa cabinet
"Bebear ako na dyan" sabay lapit ni Sarah
"Tulungan na kita"
"Bebear ang lamig sa kwarto mo"
"Yaan mo mamaya hindi ka na giginawin dahil yayakapin kita ng mahigpit na mahigpit"
"Promise?"
"Oo naman" sabay halik sa pisngi ni Sarah, maya maya ay may kumatok sa kwarto, pinagbuksan yun ni Aldrin
"Sir, kakain na raw po sabi ni Madam"
"Ah sige susunod na kami, salamat" tapos ay binalikan nito si Sarah na nakaupo sa gilid ng kama "Bebear lika na kakain na raw tayo"
"Sige" ani ni Sarah, at magkahawak kamay silang bumaba ng hagdan, nagtatawanan pa sila
"Sus ang saya naman ng love birds na to" ani ni Lola Consuelo
"Eto kasing si Bebear ang kulit" ani ni Aldrin
"Ako pa ang makulit?" nakangiting ani ni Sarah, inalalayan naman itong makaupo ni Aldrin sa may tabi niya
"O kain na, nagpaluto ako ng Kare kare" ani ni Lola Consuelo
"Wow La, masarap yun" ani ni Sarah
"Oo naman apo"
"Ah Ma" ani ni Redford "Sorry po ah, pero may iba pang ulam? Si Patty po kasi allergic siya sa peanut"
"Aw, sorry iha, meron rin naman, nagpahanda ako ng fish fillet, okay lang ba? Sorry hindi ko alam"
"Okay lang po M-Mama" ani ni Patricia
"Pasensiya na talaga"
"Okay lang po"
"O Bebear kain ka ng kain ah" ani ni Aldrin
"Oo"
Kumain na nga sila, kwentuhan rin sila habang kumakain pero hindi masyadong nagsasalita si Patricia, pero napapansin ni Sarah na pasimple itong sumusulyap sa kanila ni Aldrin, maya maya ay tapos na silang kumain
"O, Aldrin, Sarah, punta kayo mamaya sa kwarto ko ah, tuloy natin ang kwentuhan"
"Sige po La, susunod kami" ani ni Aldrin "Akyat po muna kami" sabay tingin kina Redford at Patricia "Tito, Patricia, akyat muna kami" tumango naman ang dalawa
"Bakit Patricia lang tawag mo? Dapat Tita" bulong ni Sarah nang makarating sila sa may hagdan
"Matanda pa ako dun tatawagin kong Tita, ikaw talaga, kakagatin kita dyan"
"Ayoko masakit"
"Arti arti ng Bebear ko" sabay halik gigil sa leeg nito "Mamaya ka sa akin Bebear, hindi mo na mararamdaman ang lamig sa kwarto, ang mararamdaman mo lang ay ang init ng pagmamahal ko nax!"
"Promise ah"
"Oo naman, excited ka na noh?"
"Slight"
"Weh?" ani ni Aldrin at sabay silang nagtawanan
Maya maya ay pinuntahan nga nina Aldrin at Sarah, si Lola Consuelo sa kwarto nito para makipagkwentuhan, nakapantulog na rin sila
"La, ano bang plano ni Tito?" ani ni Aldrin habang nakahiga sa kama ng lola niya katabi si Sarah at sa kabilang side ang lola niya
"Ewan ko dyan kay Redford, wala siyang sinasabi at ayokong magtanong"
"Ang sabi niya babalik sila sa New York dahil dun daw gusto ni Patricia"
"O kita mo na, anong aasahan ko sa Tito mo?"
"La, relax"
"Naku, by the way, san ba ang kasal?"
"Sa church po La, baka San Augustine or Manila Cathedral" ani ni Aldrin
"Pero gusto ko po simple at solemn na kasal" ani ni Sarah
"Mangyayari naman yan Iha, siguro ang iinvite natin mga pamilya at close friends lang"
"Opo nga La, ayoko rin ng masyadong crowded" ani ni Aldrin
"Tingnan natin Iho, siyempre nakakahiya naman kung hindi natin iinvite ang mga investors sa kasal mo, kasama na rin ang mga yan sa pamilya"
"Pero La, basta limit lang natin, siguro mga 100 guests lang"
"O sige tingnan natin Iho"
"La, paano? Hindi ka pa ba inaantok?"
"Ayus pa ako"
"Eh magpapahinga na sana kami ni Sarah, isasama ko kasi sa office namin si Sarah bukas, tapos ihahatid ko kina Leina kasi may lakad din sila"
"Basta dito ulit kayo uuwi bukas ha?"
Nagkatinginan sina Sarah at Aldrin "Sige po La" ani ni Sarah
"Gusto ko kasi andito kayo"
"Eh na kay Sarah yun La"
"Paminsan minsan lang po siguro muna La, ayoko po kasing mag-isip ng hindi maganda ang mga kamag anak ko, baka sabihin naman nila hindi pa ako kasal pero dito na ako nakikitulog"
"Okay sige, ano kaya kung agahan niyo na kaya ang kasal?"
"Paano La?"
"Eh di civil muna tapos Church, para walang masabi ang pamilya ni Sarah"
Napatingin si Aldrin kay Sarah "Okay lang sayo?"
"Ikaw? Nakahanda ka na ba talaga na makasama ako sa isang bubong?"
"Oo naman, ikaw? Ready ka na Bebear?"
Napangiti si Sarah "Sige Bebear"
"Ayan, kakausapin ko si Judge Sarmiento bukas para maayos agad ang Civil Wedding niyo, pero tuloy pa rin ang preparation para sa Church Wedding"
"Sige po La, salamat" ani ni Aldrin "Paano La, matutulog na kami, ikaw rin magpahinga ka na"
"Sige na nga, magpahinga na kayo" ani ni Lola Consuelo, tumayo na ang dalawa at humalik na sa matanda
"Goodnight La" ani ng dalawa, lumabas na ang mga ito ng kwarto at pumasok na sa kwarto nila, lingid sa kaalaman nila ay nakita sila ni Patricia na palabas ng kwarto ng matanda at pabalik na sa kwarto ni Aldrin, imbes na lalabas ay bumalik sa kwarto si Patricia at napatingin sa natutulog na asawa, hindi niya alam pero nakakaramdam siya ng panghihinayang nang muling makita si Aldrin, parang gusto niya magsisi dahil si Redford ang pinili niya over Aldrin.