Maya maya ay pumasok na sila sa loob ng bahay, magpapaalam na sila kay Lola Consuelo, pumasok na sila sa may sala, siya namang baba ni Lola Consuelo galing sa taas
"Sasabihin na ba natin?" tanong ni Sarah kay Aldrin
"Oo"
"Ha?"
"O ano?" ani ni La Consuelo
"La, ihahatid ko na po si Sarah" ani ni Aldrin habang nakayakap sa bewang ni Sarah, napangiti naman ang matanda nang mapansin yun
"May kailangan atang malaman ang Lola niyo" nakangiting ani nito, napayuko naman si Sarah
"La, I want you meet my girl, my love, Sarah Marthena Miranda" ani ni Aldrin, napatingin naman si Sarah sa matanda
"Welcome iha" at niyakap nito si Sarah
"T-Thank you po Lola"
"Babalik ka ha? Sa birthday ko gusto ko andito ka"
"Next weekend na ang birthday ni Lola" ani ni Aldrin
"Salamat po sa imbitasyon" ani naman ni Sarah
"Of course, gusto ko andun ang babaeng espesyal sa apo ko"
"Ah La, mauna na po kami, mukhang masama ang panahon eh, kanina pa po kumukulog at kumikidlat"
"Ah sige iho, mag-iingat kayo ni Sarah, iingatan mo siya"
"Opo La, iingatan ko to" ani ni Aldrin habang nakatitig kay Sarah, napangiti si Sarah kay Aldrin
"O ayan kumidlat nanaman" ani ni Lola Consuelo
"Paano La? Una na kami"
"Okay ingat" at humalik na si Aldrin sa lola niya, ganun din si Sarah, niyakap pa siya ng matanda
Pagkatapos ng halos isang oras ay nakauwi na sila sa apartment, sakto namang biglang buhos ng malakas na ulan
"Bebear, umuulan na" ani ni Sarah
"Oo nga, mukhang malakas ah"
"Paano yan? Maya maya ka na umalis"
"Okay lang" sabay yakap kay Sarah mula sa likod at hinalikan pa ito sa pisngi "Gusto mo dito na lang ako matulog Bebear ko?"
"Hmmm, basta behave ka lang"
"Paanong behave?" natatawang ani ni Aldrin
"No touch"
"No touch more hugs and kisses?" sabay halik sa leeg nito
"Eh di sa sofa ka na lang matulog"
"Akala ko ba love mo ako?"
"Oo nga"
"Eh bakit sa sofa ako matutulog?"
"Baka kasi naughty ang Bebear ko eh"
"Hindi, behave lang po ako promise"
"Promise?"
"Opo"
"Eh paano? Wala kang damit"
"Meron ako Bebear, nasa sasakyan"
"Oo nga pala lagi kang may dala"
"Iiwan ko na yun dito"
"Okay, kunin mo na kaya Bebear"
"Pahiram akong payong"
"Wait" nagpunta sa kusina si Sarah at kumuha ng payong, kinuha yun ni Aldrin at kinuha na ang bag niya sa kotse saka bumalik sa bahay, sinara na niya ang pinto at pinatay na ang ilaw sa sala, pumasok na siya sa kwarto dala ang bag niya, naupo siya sa gilid ng kama, siya namang labas ni Sarah sa banyo at nakatapis
"Wow Bebear" nakangiting ani ni Aldrin
"Bebear magbanyo ka na at magbibihis na ako"
"Sige na magbihis ka na, dito lang Bebear mo"
"Ay naughty ang Bebear ko"
"O sige na nga, magbabanyo na ako, pahiram ng towel okay lang?"
Kumuha si Sarah ng towel at iniabot kay Aldrin "O eto na gamitin mo"
"Sige thank you" sabay kindat at pumasok na sa banyo, nagbihis na si Sarah ng pajama at blouse at nagsuklay na, maya maya ay lumabas na si Aldrin, kumuha naman ito ng short at sando, ilang saglit pa ay naupo na sila sa kama
"Bebear, nakabalik na pala sila Leina at Matt" ani ni Sarah
"Gusto mo puntahan natin sila bukas?"
"Wag naman bukas, nakakahiya, baka kailangan pa nilang magpahinga"
"Sabagay nga, o lika na tulog na tayo" ani ni Aldrin at nahiga na sila "Lika dito Bebear hug kita" lumapit naman si Sarah at nahiga sa braso ni Aldrin saka yumakap dito, hinalikan naman siya sa noo ni Aldrin "I love you Bebear"
"I love you too Bebear"
Hinaplos ni Aldrin sa pisngi si Sarah "Sleep ka na Bebear ko"
"Ikaw din"
"Goodnight"
"Goodnight" at pumikit na sila, maya maya ay tulog na silang parehas
Kinabukasan, maagang gumising si Sarah, nagluto siya ng sinangang at corned beef saka scrambled egg, pagkatapos niyang magluto ay binalikan niya sa kwarto ang natutulog na nobyo, naupo siya sa gilid ng kama sa side ni Aldrin, hinalikan niya ito sa pisngi
"Bebear ko gising ka na" ani ni Sarah, yumuko siya at dinampian ito ng halik sa labi, pero biglang kumilos si Aldrin at hinawakan ang ulo niya, ang isang simpleng halik ay nauwi sa isang maalab na halik, inalalayan siya ni Aldrin at inihiga siya sa kama habang hinahalikan, naghiwalay ang kanilang mga labi, ngumiti sa isat-isa "Good Morning"
"Good Morning Bebear" sagot ni Aldrin
"Breakfast na tayo"
"Nagluto ang Chef Bebear ko?"
"Oo pero corned beef at scrambled egg lang yun ah"
"Special pa rin yun kasi ang Bebear ko ang nagluto"
"Aray ko!" ani ni Sarah
"Bakit?"
"Kinagat ako ng langgam"
"Ha?"
"Sobra kasing sweet natin"
Napangiti si Aldrin "Ang pilya naman ng Bebear ko na to" sabay dampi ulit ng halik sa labi nito
"Lika na kain na tayo"
"Okay" at bumangon na si Aldrin, inalalayan rin naman niya si Sarah na bumangon at lumabas na sila "Hmm, ang sarap ng amoy ng almusal natin ah"
"Sana magustuhan mo"
"Oo naman" sabay upo, tinabihan naman siya ni Sarah at sinandukan pero kinuha niya yun
"Ako ang magsasandok sayo, ikaw na nga ang nagluto eh, dapat tulungan tayo sa gawaing bahay"
Napangiti si Sarah "Talaga lang ah"
"Oo" sabay titig kay Sarah "Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal rin kita"
"Shet! Kinikilig ako" natatawang ani ni Aldrin
"Ako din" natatawa ring ani ni Sarah
"Magsimba tayo Bebear, gusto ko magthank you kay God kasi hindi ka niya pinabayaan kahit ilang buwan tayong hindi nagkita, gusto ko magthank you kasi hindi niya hinayaang mainlove ka sa iba"
Ngumiti si Sarah "Sige Bebear, gusto ko rin magthank you kasi yung lalaking matagal ko nang mahal ako rin pala ang mahal"
"Sorry Bebear ah, sorry kasi nasaktan ka dahil sa kaduwagan ko, kung nagkalakas lang agad ako ng loob sana hindi na tayo nagkahiwalay"
"Okay na yun Bebear, ang importante naman yung ngayon diba?"
"Oo naman" sabay pisil sa ilong nito "Dali na kain na tayo tapos magsimba na tayo, tapos ipapasyal ko ang girlfriend ko"
"Sarap naman nun"
"Ang alin?"
"Yung sinasabi mo na girlfriend mo ako"
"At ano mo naman ako?"
"Boyfriend ko" nakangiting ani ni Sarah
"Pangako, hinding hindi na tayo magkakahiwalay, pangako ko yan sayo, hindi kita pababayaan, aalagaan kita"
Tumulo ang luha ni Sarah at hinaplos sa pisngi si Aldrin "Akala ko hindi ko na maririnig yan mula sayo, pangako, mamahalin kita forever" ani ni Sarah, hinalikan naman siya sa labi ni Aldrin
"Subuan ko na lang kaya Bebear ko"
"Wag na, kain na tayo para makaalis na tayo"