Bago mag alas siyete ay nakauwi na sila sa bahay ng lola ni Aldrin, pagbaba pa lang nila ng kotse ay sinalubong na sila sa may pinto ni Lola Consuelo Alcantara
"Hi La" bati ni Aldrin at humalik sa pisngi nito "La, meet Sarah Marthena Miranda, siya yung sinasabi ko sayo na friend ko, and Sarah, meet my Lola Consuelo, my girlfriend"
Nanlaki ang mata ni Sarah sa narinig at napatingin kay Aldrin, at saka ulit tumingin sa matanda "Hi po Mam, Good Evening" ani ni Sarah at nagmano siya sa matanda, shock pa rin siya nalaman
"Hello iha, can you do me favor?"
"Ahh Sure po"
"Call me Lola Consuelo"
Ngumiti si Sarah "Lola Consuelo"
"O lika na, nakahanda na ang mesa, nagluto ako ng paborito nitong si Aldrin"
"Hindi nga po?" ani ni Aldrin
"Oo, favorite niya kasi ang Chicken Cordon Bleu ko"
"May secret kasi si Lola sa creamy sauce nun" ani ni Aldrin
Ngumiti naman si Sarah "Masarap nga po yun" saka ulit tumingin kay Aldrin
"Sana magustuhan mo rin iha, o upo na kayo, pupunta lang ako sa kusina saglit"
"Siya ang girlfriend mo?" bulong ni Sarah kay Aldrin
"Wala akong girlfriend"
"Salbahe ka, niloko mo ako"
"Ooopps, niloko mo rin ako tungkol kay Tom"
"Bad ka Aldrina"
"Big Deal?"
"Oo"
"Nagselos ka ba nung nalaman mo na may girlfriend ako?"
"Ewan ko sayo" siya namang labas ulit ni Lola Consuelo
"O eto na ang dessert, kain na tayo" ani nito sabay lapag ng dessert at umupo na sa pwesto niya "Kain ka lang ng kain Sarah ha? Feel at home"
"Salamat po Lola"
"May boyfriend ka na ba?"
"W-wala po"
"Magkaibigan lang ba talaga kayo?"
"Lola" saway ni Aldrin
"Gusto ko nang mag-asawa ka noh, gusto ko na ng bata dito sa bahay"
"La, pag nag asawa ako hindi ako dito titira alam mo yan"
"Naku, ikaw talaga" at saka tumingin kay Sarah "Kain ka lang ng kain iha, alam mo ang ganda mo, bakit wala kang boyfriend?"
"Ayaw po sa akin nung lalaking gusto ko"
"Aba, sa ganda mong yan, ang eng eng naman nun" tapos ay tumingin kay Aldrin "Diba Aldrin, ang tanga nung lalaki"
"Oo lola, tanga nga yun, wala na siyang makikita gaya ni Sarah" sabay kindat sa babae, inirapan naman siya nito, marami pa silang napagkwentuhan, mabait nga ang lola Aldrin, masaya rin itong kausap, nang matapos silang kumain ay sinama siya ni Aldrin sa may garden at nagkape muna sila, meron din dung coffee table
"Masarap ang luto ni lola noh?" ani ni Aldrin
"Oo masarap nga, nabusog ako, pero nakakabwisit ka pa rin"
"Bakit nanaman?"
"May pa live in ka pang nalalaman"
"Bakit ba big deal sayo yun?" natatawang ani ni Aldrin
"Wala lang, naguilty kasi ako, feeling ko kasi inaagaw ko yung time mo sa girlfriend mo tapos wala naman pala"
"Ikaw talaga, wag ka nang magalit noh" ani ni Aldrin, inilapit niya ang upuan sa upuan ni Sarah at hinawi niya ang buhok na napunta sa pisngi nito "Alam mo kung sino man yang nagugustuhan mo, ang tanga niya kung hindi ka man niya gusto, swerte na siya sayo" ani niya habang titig na titig kay Sarah, gusto namang himatayin ni Sarah dahil sa titig ni Aldrin at sobrang lapit pa nito sa kanya
"Eh ayaw niya sa akin, anong gagawin ko?"
"Eh di akin ka na lang?" pabulong na ani ni Aldrin
"Ano?"
"Ha? Ah wala, yaan mo na lang siya"
"Gusto na ng bata ng lola mo, bigyan mo na"
"Kanino ako gagawa?"
"Gagawa talaga?"
"Gusto ko kung magkakababy ako, gusto ko sa babaeng mahal ko"
"May mahal ka?"
"Oo"
"Siya pa rin ba?"
"Alin? Yung ex ko na iniwan ako?"
"Oo"
"Hindi"
"Eh yung babaeng sinabi mo sa akin nung nagpunta tayo sa Pangasinan?"
"Siya pa rin, mahal na mahal ko pa rin siya Sarah" ani ni Aldrin sabay tingin sa labi nito, unti unti niyang nilapit ang labi sa labi ni Sarah at hinalikan ito, napapikit si Sarah at gumanti rin ng halik "Sarah kurutin mo nga ako"
"Bakit?
"Basta" ani ni Aldrin, kinurot naman siya nito
"Aray!" at muli siyang napatingin kay Sarah at napangiti "Totoo nga" hindi pa rin niya nilalayo ang mukha sa mukha ni Sarah
"Ang alin?"
"Ang kiss"
"Bakit mo ako kiniss?"
"Ayaw mo ba?"
"Hindi porket nililibre mo ako pwede mo na ako ikiss"
Ngumiti si Aldrin "Paano kung mahal kita, pwede na kita ikiss?"
"Aldrin" hindi makapaniwalang ani ni Sarah, umayos ng upo si Aldrin at hinarap si Sarah sa kanya saka ito hinaplos sa pisngi
"Mahal kita Sarah Marthena Miranda, Mahal na mahal kita, sorry kasi natakot akong magtapat sayo, baka kasi hindi mo naman ako gusto, baka pagtawanan mo ako"
"Bakit kita pagtatawanan?"
"Bully ka eh"
Ngumiti rin si Sarah "Bully ka rin kaya"
"Mahal kita, pwede ba kitang ligawan?"
"Kiniss mo na ako, dapat hindi mo muna ako kiniss dapat niligawan mo muna ako"
"Hindi ko na kayang pigilan eh" ani ni Aldrin "Pakiss pa ako"
"Ngayon magpapaalam ka, abnoy ka talaga" sabay pisil sa pisngi nito, siya namang halik ulit nito sa kanya, gumanti pa rin siya ng halik, napakasaya nilang parehas
"Basta liligawan kita"
"Ikaw ang bahala" nakangiting ani ni Sarah, niyakap naman siya ni Aldrin
"Babaita kong mahal na mahal ko"
"Aldrina kong mahal na mahal ko rin"
Napatingin si Aldrin sa kanya "Mahal mo rin ako?"
"Matagal na, kaya nga nasaktan ako nung sabihin mong may mahal kang iba, kaya ako umiwas dahil gusto ko nang magmove on"
"Ikaw yun, ikaw yung sinasabi ko"
"Malay ko naman, bully ka eh"
Hinawakan ni Aldrin sa magkabilang pisngi si Sarah at muling hinalikan sa labi "Akin ka na babaita, akin ka lang"
"Sabi mo liligawan mo ako"
"Oo nga pero akin ka na, akin lang"
Ngumiti si Sarah "Totoo ba to Aldrina?"
"Gusto mo kurutin rin kita?"
"Wag na okay na" natatawang ani ni Sarah, niyakap naman siya ni Aldrin, sinandal nito ang ulo niya sa dibdib nito saka siya hinalikan sa buhok
"Ang saya ko babaita"
"Ang saya ko rin Aldrina"
"Ang gara naman ng tawagan natin, mag-isip tayo ng iba"
"Bebear"
"Bebear?"
"Yun na lang"
"Okay Bebear ko"
"Bebear ko" sabay yakap ng mahigpit kay Aldrin