Kinabukasan, maaga pa lang ay nagising na si Sarah, pagkatapos niyang mag almusal ay nagpunta siya sa palengke para bumili ng ihahalo sa lulutuing Ginataang Hipon, lalagyan niya ito ng sitaw at kalabasa pati na rin sili, bumili rin siya ng gulaman powder para sa inumin nila, pagkatapos mamili ay pineprepare na niya ang lulutuin, habang nagluluto ay dumating naman si Tom
"Sarah Marthena" ani ni Tom
"Uy April Rose, anong ginagawa mo dito?"
"Dinaan ko lang tong inutak, pinapadala ni Papa" sabay lapit kay Sarah "Hmmm, mukhang masarap yan ah"
"Oo, para to sa Aldrin ko, dito siya maglalunch"
"Ay ang taray!" tili nito "Pwede ako magtake out? Uuwi ko sa balay"
"Oo ba, antayin mo na lang"
"Sige, eh bakit pala dito kakain si Prince Charming?"
"Dapat kasi kagabi pa to, eh sabi niya gabi na tapos maggagata pa raw, kaya kumain na lang kami sa labas, tapos dito siya maglalunch"
"Wow, so ibig sabihin magkasama kayo kagabi? Ano? Natikman mo na siya"
"Loka hindi noh"
"Patikim ako sa kanya cous"
"Gusto mo isahog kita sa niluluto ko?"
"Joke lang, pero mukhang yummy yung si Aldrin parang ang sarap pisil pisilin, lapirot lapirutin"
"Hoy bakla, pinag-iinteresan mo ba ang Baby boy ko?"
"Wow Baby boy"
"Ganun talaga" natatawang ani ni Sarah, siya rin namang katok ni Aldrin sa may pinto
"Sarah" ani nito, umayos naman ng tindig si Tom
"Aldrin, lika pasok ka"
Ngumiti si Aldrin at ngumiti kay Tom, gustong manginig ni Tom sa ngiti ni Aldrin, napansin naman yun ni Sarah at napangiti
"Hoy April Rose, okay na, alam na ni Aldrin ang tungkol sayo, na magpinsan tayo"
"Talaga?" nakangiting ani ni Tom
"Bakit April Rose?" ani ni Aldrin
"Hindi ko pala nasabi sayo, beki yan eh"
"Pero wag kang maingay Aldrin, hindi kasi tanggap ni pudra na may maganda siyang anak at hindi gwapo" ani ni Tom
"Ah okay" natatawang ani ni Aldrin "Pero ang layo ata ng Tom sa April Rose"
"Kasi April ang birth month ko at rose ang favorite flower ko, kaya April Rose" sabay tirik ng mata
Natawa naman sina Aldrin at Sarah "O April Rose" ani ni Sarah "Eto na yung ulam, kay Tito mo dalhin yan ahh"
"Oo naman cous" sabay kuha ng ulam "O sige una na ako sa inyo, enjoy each other este enjoy your lunch" sabay lakad at labas na ng pinto
"Ang kulit, talagang beki yun?" ani ni Aldrin
"Oo, since birth"
"Lahi niyo?"
"Sa side ng mama niya, pero sa side kasi kami ng papa niya, at wala namang beki sa amin"
"Ahh, ang kulit eh"
"Hala Aldrina, nagkakacrush ka ba sa kanya?"
"Luka luka ka!"
"O yan ba ang request ko?" sabay tingin sa donut na dala ni Aldrin
"Oo naman, matagal pa ba yan?"
"Gutom ka na? Hindi pa tapos ang sinaing eh"
"Hindi pa naman, kalma pa ang bituka ko"
"Ayan sinaing na lang, dyan ka lang ah, upo ka lang dyan, magrerest lang ako saglit tapos maliligo ako"
"Sure" ani ni Aldrin sabay punta sa sala at upo sa sofa, at home na at home na talaga siya sa bahay ni Sarah, binuksan niya ang tv, maya maya ay narinig ni Aldrin na tumunog ang rice cooker kaya tumayo siya at naghanda na siya ng mga pinggan sa mesa, nagsandok na rin siya ng ulam at kanin, siya rin namang labas ni Sarah mula sa kwarto, kakaligo lang nito at nakasunday dress na pambahay
"Nakasandok ka na pala, nagtimpla rin ako ng gulaman" sabay bukas ng ref at kinuha ang pitsel "Lika na kain na tayo"
"Oo nga, ang bango mo"
"Ha?"
"I mean ang bango ng luto mong ulam"
"Sana magustuhan mo"
"Eh kailangan matikman na para malaman kung masarap"
"Sige kain na" ani ni Sarah, naupo na sila, magkatabi sila, sinandukan ni Aldrin ng kanin at ulam si Sarah at saka siya nagsandok ng sa kanya, sumubo na si Aldrin, biglang sumama ang mukha nito at umiling, tila kinabahan naman si Sarah "Aldrin bakit? Hindi ba masarap?"
"Bakit ganito ang lasa?" nakasimangot na ani ni Aldrin
"Hindi ba masarap? Sige wag mo kainin" mangiyak ngiyak na ani ni Sarah
"Bakit ang sarap?" nakangiting ani ni Aldrin
"Ha?"
"Ang sarap"
Tumulo ang luha ni Sarah "Totoo?"
"Oo masarap" ani ni Aldrin at sumubo ulit, humarap siya kay Sarah at pinunasan ang luha nito "Ang galing mo palang magluto, pwede ka na maging misis"
"Totoo bang masarap? Baka napipilitan ka lang kumain"
"No, masarap talaga, promise, mukhang mapaparami ako ng kain"
"Wag mong pilitin kung hindi mo gusto"
Tinitigan ni Aldrin si Sarah "Gusto ko, gustong gusto ko" ngumiti naman si Sarah sa kanya at kumain na rin, mukha namang nagustuhan talaga ni Aldrin ang luto ni Sarah, ang dami nitong nakain, halos maubos ang sinaing ni Sarah
"Nabusog ka?"
"Sobrang busog ako"
"Magpahinga ka muna, magliligpit lang ako"
"Tulungan na kita"
"Wag na, magpahinga ka muna"
"Okay" tumayo na si Aldrin at nagpunta na sa sala, maya maya ay nahiga ito sa sofa at nakaidlip, nilapitan siya ni Sarah, itinutok nito ang electric fan kay Aldrin, maya maya ay pumasok siya sa kwarto niya at nahiga, ilang saglit lang ay nakaidlip rin siya.
Bandang alas tres nang magising si Sarah, wala na si Aldrin sa sofa, nakaramdam siya ng lungkot, naupo siya sa sofa, nang biglang bumukas ang pinto
"Uy gising na si Chef Sarah"
Ngumiti si Sarah "Chef Sarah ka dyan, san ka galing?"
"Bumili ako ng meryenda, burger"
"Nag-abala ka pa"
"Okay lang, reward mo yan sa masarap mong luto, by the way, gusto sana kita iinvite sa bahay ni lola, tinawagan ko na siya and she is expecting us"
"Hala, hindi ba nakakahiya?"
"Hindi noh, sabi ko kasi may friend ako na kumumbinsi sa akin na hawakan ang negosyo, at gusto ka niyang makilala"
"Naku Aldrin, binigla mo naman ako"
"Sige na, wag kang mag-alala, mabait si lola"
"Sure ka ha?"
"Oo nga"
"Anong isusuot ko?"
"Sus, the usual, dont worry tayo lang ang andun, just be yourself"
"Sige na nga"
"O meryenda ka muna, mamaya pa naman tayo aalis"
"Sige magtitimpla muna ako ng gulaman"
"Sige" ani ni Matt, sumunod na siya sa dining at inilabas ang burger na binili niya, maya maya ay nagmeryenda na sila
"Mukhang puro kain ang gagawin natin today ahh" ani ni Sarah
"Oo nga, busog tayo today, walang puwang ang gutom"
Lumipas pa ang mga oras, nagprepare na si Sarah sa pag alis nila ni Aldrin, ang totoo kinakabahan siya, hindi naman kasi kailangang ipakilala pa siya sa lola nito, ayaw na sana niya pero naka-oo na siya kay Aldrin, baka sumama naman ang loob nito kapag tumanggi siya, nagbihis na siya, nagdress na lang siya na color blue at doll shoes, maya maya ay lumabas na si Sarah
"Ang ganda naman ng Princess Sarah na to" ani ni Aldrin
"Binola mo pa ako"
"Hindi ah, ano? Lika na para hindi tayo matraffic"
"Hindi pwedeng umatras?"
Napayuko si Aldrin at nailing "Ayaw mo ba?"
"Sige na sasama ako, pero hatid mo ako pauwi ah"
Ngumiti si Aldrin "Oo naman, alangang pabayaan kitang umuwi mag-isa, kahit anong mangyari ihahatid kita"
"Sige" nakangiti niyang sagot.