Lumipas pa ang mga araw, isang hapon ng biyernes, nag aabang ng jeep si Sarah nang may humintong kotse sa may harapan niya
"Aldrin?" ani niya
"Sakay na" ani nito, sumakay naman si Sarah
"Kamusta?"
"Eto medyo busy, alam mo naman nasa honeymoon pa si Bossing Matteo" nakangiting ani ni Aldrin "Ikaw kamusta ka na?"
"Ayus lang, ganun pa rin"
"Kain tayo"
"Libre mo?"
"Hay naku"
"Ay sa apartment na lang tayo, magluluto na lang ako"
"Wow, ano naman ang iluluto mo?"
"Hipon sa gata"
"Gabi na uy, bukas mo na yun iluto, dun ako maglalunch, sa labas na lang tayo kumain ngayon"
"Okay sige, bukas na lang, basta sa bahay ka kakain ah"
"Oo, hindi ko tatanggihan yan"
"Sige pambawi ko sayo"
Nakarating sila sa isang restaurant, kwentuhan sila ng kwentuhan, nasabi na rin ni Aldrin kay Sarah ang tungkol sa lola niya
"Ano ang desisyon mo?" ani ni Sarah
"Eh yun na nga, ano ba sa tingin mo?"
"Kawawa naman ang lola mo kung hindi mo pagbibigyan, at ikaw lang talaga ang maaasahan niya, pwede mo namang hindi ipull out ang investment mo sa kumpanya ni Matt, tapos tulungan mo na lang ang lola mo, if ever dumating ang Tito mo kailangan iprove niya na kaya na niyang ihandle ang kumpanya bago mo ipagkatiwala sa kanya, at saka lola mo pa rin magdedesisyon nun kung babalik ang tiwala niya sa tito mo"
"Yun na nga, ayoko sana ng issue, kaya ko namang mabuhay nang hindi umaasa sa negosyo ni lola, I have my own money, I have my own assets, kaya lang kawawa naman si lola"
"Tulungan mo na siya, saka malamang malaki ang tiwala ng lola mo sayo kaya ikaw ang gusto niyang humawak sa negosyo, grabe noh, ang yaman niyo pala pero nagtiyaga ka magtrabaho sa opisina"
"Trip ko lang yun, gusto ko lang maexperience yung normal employee, walang special treatment kasi apo ako ng may ari ng kumpanya, actually naenjoy ko rin kasi"
"Enjoy naman talaga noh"
"Bilisan na natin ang pagkain tapos hahatid na kita sa bahay mo kasi magkakape pa ako"
"Sa bahay?"
"Okay lang?"
"Oo naman"
Maya maya ay natapos na silang kumain at hinatid na ni Aldrin si Sarah sa bahay nito, nakaupo sa sofa si Aldrin at binuksan ang tv, maya maya ay lumabas mula sa kwarto ni Sarah, nakashorts ito at blouse na pink
"Aldrina, wala ba talagang balak umuwi ang Tito mo?"
"Hindi ko nga alam babaita"
Tumabi naman si Sarah sa kanya "Alam mo ang swerte ng girlfriend mo"
"Bakit mo nasabi?"
"Mayaman ka, mabait, gwapo, responsable"
Napangiti si Aldrin "Ulitin mo nga yung sinabi mo babaita, pwera yung mayaman"
"Ayoko, nabigla lang ako"
Kiniliti naman ni Aldrin sa may bewang si Sarah "Ahh ganun salbahe ka"
"Wag!" tili ni Sarah
"Halika nga tumabi ka sa akin"
"Magkatabi na tayo"
"Dumikit ka sa akin"
"Bakit?"
"Namiss kita eh" seryosong ani ni Aldrin, napatingin si Sarah sa kanya, unti unting dumikit si Sarah kay Aldrin, ngumiti naman ang lalaki at niyakap si Sarah, gumanti ng yakap si Sarah at napapikit, ramdam na ramdam niya sa puso niya ang pagmamahal at pagkamiss kay Aldrin "Namiss kita babaita"
"Namiss rin kita Aldrina" humiwalay ng yakap si Aldrin, tinitigan niya sa mata si Sarah, hinaplos niya ito sa pisngi at napatingin sa labi nito, unti unti niyang nilapit ang labi sa labi ni Sarah at hinalikan ito, nabigla man ay gumanti ng halik sa Sarah, nang parang bigla itong nahimasmasan at napatayo "Aldrin"
Napatayo si Aldrin at niyakap si Sarah "Sorry, sorry talaga, please wag kang magalit sa akin"
"N-No, hindi ako galit"
Humiwalay ng yakap si Aldrin at hinawakan sa magkabilang pisngi si Sarah at muli itong hinalikan "Mahal na mahal kita Sarah"
"Mahal na mahal rin kita Aldrin"
"My one and only babaita" niyakap siya ni Sarah at yumakap
"My Aldrina"
"Sarah" bulong ni Aldrin
"Aldrin, Aldrin gising" ani ni Sarah, nakatulog pala si Aldrin sa sofa at nanaginip, biglang bumalikwas si Aldrin
"Sarah"
"Nakatulog ka tapos parang nanaginip, may tinatawag ka ata"
"Ha? Ah wala, pasensiya na talaga"
"Okay lang, hindi ka na nakapagtimpla ng kape, gusto mo ipagtimpla kita?"
"S-Sige"
Tinimplahan nga ni Sarah ng kape si Aldrin habang nakatitig ito sa kanya, akala ni Aldrin ay totoo ang lahat, ang akala niya totoo na ang mga halik at yakap na naramdaman niya mula kay Sarah, sayang at panaginip lang pala
"O sige na, magkape ka na" sabay abot ng tasa ng kape
"Salamat"
"Inumin mo na hanggat mainit, bakit parang natutulala ka? Dahil ba yun sa panaginip mo?"
"Ha? Oo"
"Nakakatakot ba?"
"H-Hindi, actually hindi, nakakapanghinayang, sana totoo na lang"
"Wow, girlfriend mo ata napanaginipan mo, miss mo na siguro"
"Hmm, miss ko na pero hindi ko girlfriend"
"Naku bad yan, may namimiss ka pero hindi mo girlfriend"
"Bakit naman? Hindi ah, hindi ba pwedeng mamiss ang kaibigan o kamag anak kahit may girlfriend na"
"Hmmm, hindi naman"
"Pagkaubos nitong kape ko, uuwi na ako, before lunch andito na ako bukas, magdadala ako ng dessert"
"Munchkin na lang, yung choco butternut at saka choco honey dip"
"Wow classic" natatawang ani ni Aldrin "Sige your wish my command"
"Yes!"
Napangiti si Aldrin "Ang cute mo pa rin"
"Cute lang?"
"Okay ang ganda mo pa rin"
"Siyempre naman"
"Yabang mo talaga" natatawang ani ni Aldrin "Oo nga pala, hindi ka ba sinusundo ni Tom?"
"Hindi"
"Ano? Alam mo ibreak mo na yun, walang kwenta"
"Hindi ko siya pwedeng ibreak Aldrin"
"B-Bakit?"
"Hindi talaga pwede"
"Dont tell me you're pregnant"
"No, of course not"
"So why dont you break up with him, para namang hindi siya concern sayo, hindi ka naman ata mahal nun"
"Hindi ko naman siya boyfriend"
"What? Sabi mo siya ang dapat na date mo nung kasal nila Matt"
"Oo siya nga pero hindi ko naman sinabing boyfriend ko ang kadate ko, pinsan ko si Tom at hindi ko siya boyfriend, wala akong boyfriend"
Napayuko si Aldrin at muling napatingin kay Sarah "Niloko mo ako"
"Sorry Aldrin"
Tumayo si Aldrin at nagpunta sa may pintuan, nakatingin naman si Sarah sa kanya "Before lunch darating ako" sabay lingon kay Sarah
Tumayo si Sarah at lumapit kay Aldrin "Galit ka ba?"
"No, hindi ako galit Sarah, ang aking munting prinsesa" nakangiting ani ni Aldrin "Paano? Uwi na ako at babalik ako bukas okay?"
"Sige aantayin kita" nakangiting ani ni Sarah
"Bye, Goodnight"
"Bye, ingat ka, goodnight"
"Ilock mo na tong pinto pagkalabas ko"
"Oo ingat ka" ani ni Sarah, at tuluyan nang lumabas ng bahay si Aldrin, pagkasakay niya sa kotse ay natulala siya at napangiti
"Yes! Wala siyang boyfriend, Yes!" ani ni Aldrin saka niya pinaandar ang sasakyan
Niligpit naman na ni Sarah ang pinagkapehan ni Aldrin at bumalik sa isip niya ang sinabi nitong "aking munting prinsesa" napangiti siya "Pwede naman akong maging reyna mo, pero wala eh, mukhang hanggang prinsesa mo lang ako at hindi mo na ako magiging reyna"