Episode 3

1036 Words
Mga bandang 6pm ay nakarating na sila sa may overlooking sa Antipolo, bumili muna sila ng light beer, pizza at kutkutin, nilabas rin ni Aldrin yung lagi niyang dala na portable picnic chair na may kasamang table "Hmm, sarap dito" ani ni Sarah "Okay noh?" "Oo, alam mo masarap din tong pizza na binili natin" "Kainin na natin" kumuha si Aldrin ng isang slice at kumagat "Hmm, masarap nga in fairness" "Sabi ko sayo eh" "Mas mura pa compare sa iba pero masarap" "Oo, si Tom ang nag-introduce nito sa akin eh" "S-sinong Tom?" "Ha? S-siya yung dapat na kadate ko kahapon" "Ahh okay, magaling siya ah" "Oo dami pa ngang alam na kainan nun eh, mga mura at sulit" "Uhm, mukhang bilib ka dun sa Tom na yun ah" "Oo naman" nakangiting ani ni Sarah, napabuntunghininga si Aldrin, at kung ano ano pa ang pinagkwentuhan nila, kulitan rin gaya ng dati, tawa lang sila ng tawa buong gabi, halos alas nuwebe na nang napatingin si Sarah sa phone niya "Naku 9pm na pala" ani ni Sarah "Uwi na tayo?" "Okay lang ba? May pasok pa kasi ako bukas" "Ahh okay sige sure, hahatid na kita" "Sige lika na" at inayos na nila ang mga ginamit nila, alas diyes pasado nang dumating sila sa apartment ni Sarah, nasa may pintuan na sila nang may tumawag sa babae "Sarah" "Tom?" ani ni Sarah, lumapit naman si Tom sa kanila "Ah Tom si Aldrin, Aldrin si Tom" "Kamusta Aldrin?" inilahad ni Tom ang kamay para makipagkamay kay Aldrin, kinuha naman ito ni Aldrin "Mabuti" tapos ay tumingin si Aldrin kay Sarah "Ah Sarah alis na ako, gabi na rin eh" "Sige Aldrin, ingat ka, salamat sa mga libre" "Wala yun, sige bye" "Bye" at tumalikod na si Aldrin, pumasok naman na sa loob ng apartment si Sarah at Tom "O anong nangyari sayo?" ani ni Sarah "Naku, alam mo naman si Papa" "Ano ba kasi ang nangyari?" "Ayaw niya akong mag gown" tili nito "Ay tarantado ka" natatawang ani ni Sarah sabay hampas sa braso ni Tom "Alam mo naman yun galit sa bakla" ani ni Tom sabay dekwatro "Gwapo pala si Aldrin ah" "Naman, Hoy bakla akin yun" "Eto naman, magpinsan naman tayo, share na lang tayo" "Tarantado ka!" tawang tawang ani ni Sarah "Hindi nga? Bakit ba hindi mo ako sinamahan kahapon?" "Kasi nga si Papa, sinumpong ng rayuma niya, ayaw magpaiwan, alam mo naman, galit sa maganda niyang anak pero parang bata pag nirarayuma" "Ahh, ikaw talaga, magpakabait ka nga kay Tito, junior ka pa naman noh" "Alam mo cous, kadiri ka, junior ka dyan, pag tayo lang ako si April Rose" "Gago mo" natatawang ani ni Sarah "San kayo galing ni Aldrin? Hindi mo man lang ako sinama" "Alam mo Tom" "Tse!" "Alam mo April Rose, akala ni Aldrin boyfriend kita" "Ha?" sabay hawak sa dibdib "Eh kasi sabi ko dapat may date ako kahapon kaso nagkaemergency, akala niya naman boyfriend ko yung kadate ko" "Sus maryosep Sarah Marthena" "Yaan mo na, eh may girlfriend na siya eh, maigi na yung isipin niyang may boyfriend na ako" "Hindi ka pa nakakamove on sa kanya noh?" "Oo mahal ko pa rin siya" "Malay mo naman, baka sakali ngayon marealize niya na gusto ka rin niya" "May girlfriend na nga siya, ano? Dito ka matutulog?" "Hindi, napadaan lang ako noh, uwi na nga ako, magpahinga ka na" sabay tayo "Hoy ingat ka April Rose, baka rumampa ka pa" "Loka, uuwi na ako noh, may trabaho rin ako bukas" ani nito, nasa pinto na sila "O sige na cous, uwi na ako" sabay halik sa pisngi ni Sarah "Sige ingat ka" "Sara mo na yan" ani nito sabay talikod, lingid sa kaalaman nila, nasa may unahan lang ang kotse ni Aldrin, hindi pala ito umalis, nag-alala kasi siya, baka magselos si Tom sa kanya at baka kung ano ang gawin kay Sarah, talagang babangasan niya si Tom, pero nakita niya ito na lumabas na sa apartment at naglakad na, ang ginawa niya ay tinawagan niya si Sarah "Hello Aldrina" "Ah Hello" "Bat napatawag ka?" "Ahm andyan pa ba ang boyfriend mo?" "Ha? Eh wala na siya nakaalis na" "Ah okay, ahm, ayos ka lang?" "Oo naman" "Hindi siya nagalit na magkasama tayo?" "Hindi ah, sabi sayo hindi naman yun seloso" "Buti naman" "O asan ka na?" "Ahh, malapit na ako, malapit na" "Okay sige, ingat, sige na baka mamaya kung ano pa ang mangyari sayo nagdadrive ka pa naman" "Okay bye" "Bye" ani ni Sarah sabay off ng phone "I love you Aldrin" "I love you Sarah" sabay buntunghininga, saka niya pinaandar ang kotse niya, maya maya lang ay nakauwi na siya, hindi na siya sa condo umuuwi kasi nagrequest ang lola niya na dun muna siya umuwi sa bahay nito sa may Commonwealth "O La, gising ka pa" ani niya sabay halik sa pisngi nito nang silipin niya sa kwarto "Wala lang, Lola is waiting for you" "Bakit nanaman?" nakangiting ani ni Aldrin "Kukulitin mo nanaman ako?" sabay upo sa gilid ng kama "Eh kasi ayaw mo naman makinig sa lola mo" "Baka kasi magalit si Tito Redford" "Eh wala naman siya, alangan ako pa ang mag-asikaso ng negosyo? Matanda na ako Aldrin, at wala akong aasahan kay Redford alam mo yan, alam lang nun magpakasasa, tingnan mo nga five years na yun sa US, hindi nga umuuwi dito" "Pero La, naiintindihan kita, pero anak mo si Tito Redford before me dapat siya ang humawak sa negosyo" "Gagawa ako ng kasulatan Aldrin, at wala na siyang magagawa" "Pag-iisipan ko po muna Lola please?" "Okay one week, just one week Aldrin" "Okay Lola, sige po magpahinga na kayo, magpapahinga na rin po ako" "Sige iho" humalik na siya sa noo ng lola niya at lumabas na sa kwarto nito Ulilang lubos na si Aldrin, ang Lola niya at Tito Redford na niya ang nagpalaki sa kanya, pero nagbago ang Tito niya, nalulong ito sa sugal kaya nalugi ang sarili nitong negosyo kaya nagpunta sa US, naging mainitin rin ang ulo nito, mula nang umalis ito ay wala na silang naging balita dito, hindi nga nila alam kung nagkapamilya na ba ito o buhay pa nga ba ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD