Episode 2

1202 Words
Kinabukasan nagising si Sarah dahil sa katok sa may pinto niya, pupungas pungas siyang bumangon at binuksan ang pinto, bumungad sa kanya si Aldrin na nakawalking shorts na black at polo shirt na light blue "At talagang hindi ka man lang nagtatanong kung sino ang tao sa labas" ani ni Aldrin sabay pasok sa loob at upo sa sofa "Alam ko namang ikaw yan" palusot na ani ni Sarah "Mag-ayos ka na Princess Sarah" "Sige sige, dyan ka lang" at pumasok na ulit sa Sarah sa loob ng kwarto niya Maya maya ay nakalabas na si Sarah, nagshort din siya na maong at white na blouse saka dala niya lang ang mini back pack niya "Ang cute naman ni Princess Sarah" "Naman" "Yabang!" ani ni Matt sabay tayo "Lika na" "Aldrina kain tayo goto" "Sige yung maraming toppings" "Oo with egg at lumpia at tokwa" "Sige sige, lika na" Lumabas na sila at sumakay sa kotse, maya maya ay nagpunta sila sa isang gotohan na kilala sa lugar nila, umorder si Aldrin ng Special Goto at Pineapple Juice, naupo na sila sa isang table na good for two, maya maya ay naiserve na sa kanila ang order nila "Wow, mukhang masarap" ani ni Sarah "Ang daming sahog, may salted egg at chicharon pa" "Oo masarap yan, nakakain na ako dito, eto o, may chili garlic at calamansi" alok ni Aldrin, kumuha naman si Sarah, naenjoy talaga niya ang inorder ni Aldrin, totoo nga ang sinabi na masarap nga ang goto na yun, pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa sasakyan "San tayo pupunta?" ani ni Sarah "San mo ba gusto?" "Wala akong maisip" "Gusto mo manood tayo ng movie?" "Hmm, sige nood tayo" "Okay" at pinaandar na ni Aldrin ang kotse Maya maya ay nasa mall na sila, bumili si Aldrin ng popcorn at inumin at pumasok na sila loob "Nilalamig ka?" ani ni Aldrin kay Sarah "H-Hindi naman" "Sure ka ah" "Bakit? May jacket ka ba dyan?" "Wala eh" ani ni Aldrin "Yayakapin na lang kita" bulong niya "Ano yun?" "Ang sabi ko wala akong jacket" "Alam mo Aldrina, si Sir Carlo ikakasal na" "Talaga? Yun yung may crush kay Leina dati ah" "Oo, ang galing ikakasal na" "Normal naman yun diba? "Oo pero hindi siguro sa lahat" "Oo nga, pero sana dumating din sa akin yun, ang ikasal" "Eh yung girlfriend mo, buti okay lang sa kanya na hindi kayo magkadate ngayon saka kahapon" "Eh dun naman ako umuuwi sa kanya" "Ha? Live in kayo?" "Kinda" nakangiting ani ni Aldrin, naramdaman nanaman ni Sarah ang pamilyar na sakit na nararamdaman niya nuon "Eh kayo ng boyfriend mo?" "Ha? Anong kami?" "Buti okay lang na ako ang kasama mo" "Okay lang, alam naman niya Aldrina ang pangalan mo" "Wow" natatawang ani ni Aldrin "Halikan kita dyan eh" "Ano?" "Ah wala, sabi ko suntukan pa kami ng boyfriend mo" "War freak" "Joke lang yun, ayan na mag-istart na ang movie" ani ni Aldrin, nagsimula na ang movie, maya maya ay napansin ni Aldrin na nakaidlip si Sarah, inakbayan niya nito at isinandal niya ang ulo nito sa balikat niya saka hinalikan sa noo "Sarah ko, ikaw ang mahal ko" bulong ni Aldrin, lingid sa kaalaman niya ay nagising si Sarah nang isandal ni Aldrin ang ulo niya sa balikat nito, pero nagkunwari pa rin siyang tulog, gusto niyang samantalahin ang sitwasyon, gusto niyang namnamin ang yakap na yun ni Aldrin, maya maya ay tapos na ang pelikula, ginising naman ni Aldrin si Sarah "Sarah, Sarah" ani ni Aldrin, unti unting kumilos si Sarah at napatingin kay Aldrin, nagkatitigan silang dalawa, napatingin si Aldrin sa labi ni Sarah, unti unting lumayo si Sarah "Sorry, nakatulog ako" "Okay lang, basta hindi mo ako tinuluan ng laway" nakangiting ani ni Aldrin "Hindi noh, hindi naman ako tulo laway" "Sus biro lang, ano? Lika na?" "Oo lika na" at saka sila tumayo, hinawakan naman ni Aldrin sa may siko si Sarah para alalayan ito, pagkalabas nila sa sinehan ay may biglang tumakbo sa kanila "Ninong! Ninang!" ani nina Cruzita, Chabelita at Tintin "O sino ang kasama ng mga prinsesa?" ani ni Aldrin "Sila Lolo at Lala pati Tita Nene" ani ni Chabelita, siya namang lapit ng mga kasama nito "Ay kasama pala si Baby Jayr" "Baby Jayr" ani ni Sarah at binuhat ito mula sa stroller saka hinalikan sa pisngi "Good Afternoon po Tito, Tita" "Good Afternoon, mukhang nagdate kayo ah" ani ni Minda "Naku Tita hindi po" "Ninang nagdate kayo ni Ninong?" ani ni Tintin "Naku Tintin hindi po" ani ni Sarah "Nilibre ko lang si Ninang sa sine" ani ni Aldrin "Wawa naman eh" "Kapal mo" natatawang ani ni Sarah kay Aldrin "O gusto niyo sumama maglunch?" "Naku Tita wag na po nakakahiya naman, malakas kumain tong si Sarah" ani ni Aldrin "Okay lang, hindi naman halata sa kanya" ani naman ni Ferdie "Naku Tito wag kayo maniwala kay Aldrin" ani ni Sarah "Lika na sumama na kayo, ni hindi naman tayo masyadong nakapagkwentuhan nung kasal" "Oo nga naman" ani ni Aling Linda "Kayo po, sige po" ani ni Aldrin, at sabay sabay na silang nagpunta sa restaurant, habang nakaupo sila at inaantay ang pagkain ay biglang nagtanong si Cruzita "Ninong crush mo ba si Ninang?" "Ha?" ani ni Aldrin at napatingin kay Sarah "Naku ikaw talagang bata ka" ani ni Sarah "May girlfriend na ang Ninong niyo" "May girlfriend ka na nga ba Aldrin?" ani ni Ferdie Ngumiti lang si Aldrin, nang biglang nilapag na ang order nila "Uy ayan na kain na tayo" ani ni Minda "Wow fried chicken" ani ni Tintin "Opo, kasi alam namin ni Lala Linda na favorite yan ng Tintin, Cruzita at Chabelita namin" "Ninong pasyal tayo mamaya" ani ni Cruzita "Naku mga apo, nakakahiya, baka nakakaistorbo tayo sa Ninong at Ninang" ani ni Aling Linda "Yaan niyo, next time, mamamasyal tayo" ani naman ni Aldrin "Medyo may pupuntahan pa kami ng Ninang niyo eh" "Promise Ninong?" "Opo Promise yun ni Ninong" "Bagay kayo" ani ni Nene kina Aldrin at Sarah "Oo nga" ani naman ni Ferdie "Mas maganda siguro kung kayo na lang" hindi naman nakakibo ang dalawa at nagkatinginan lang "Huy tumigil na nga kayo" ani ni Minda "Naiilang na yung dalawa, naku pasensiya na, sige na kain na kayo", pinagpatuloy na nga lang nila ang pagkain, nagkwentuhan pa sila nang nagkwentuhan "Lala play na kami" ani ni Chabelita "Okay wait lang" ani ni Minda "Ah Tita, may lakad pa rin ata kayo" ani ni Sarah "Una na rin po kami, salamat po sa lunch" "Oo naman walang problema dun" Tumayo naman na ang dalawa "Bye po" ani ni Sarah at humalik pa kina Ferdie, Linda at Minda, pati sa mga bata, lumapit naman ang mga bata kay Aldrin at humalik rin, nagbeso naman si Aldrin kay Linda at Minda at nakipagkamay kay Ferdie, at lumabas na ng resto ang dalawa "Nakatipid tayo sa lunch" ani ni Aldrin "Oo nga eh" "Punta tayo sa may overlooking sa Antipolo, bili muna tayo ng beer at kutkutin" "Sige ba" ani ni Sarah "Ako na bibili ng babaunin natin" "Wag na, ako na ang bahala sa lahat" "Wow ang galante ni Aldrina" "Para kang sira" natatawang ani ni Aldrin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD