Tapos na ang kasal nina Matt at Leina, nakaalis na ang dalawa para dumiretso sa hotel and from hotel ay didiretso na sila sa airport, sa Japan kasi maghahoney moon ang mag-asawa, sa condo muna uuwi sina Ferdie at Minda para maalagaan ang mga apo, halos pauwi na lahat ng tao nang lapitan ni Aldrin si Sarah na nakatayo sa labas ng venue ng reception
"Sarah, uwi ka na?"
"Ahh oo, magbobook na nga ako"
"Ihatid na kita"
"Naku Aldrina wag na, okay lang ako"
"Galit ka pa rin ba sa akin?"
Nabigla si Sarah sa tanong ni Aldrin "Hindi ah" nakangiti niyang sagot
"Eh bakit iniiwasan mo pa rin ako?"
"Hindi naman ah, at saka ngayon lang tayo nagkita ulit ano ka ba?" natatawang ani ni Sarah
"Sure ka? Hindi ka galit?"
"Oo"
"Okay, so papayag ka na ihatid kita sa inyo?"
"Hindi na nga"
"Ahh galit ka pa nga"
"Hindi nga ako galit"
"Eh di ihahatid na nga kita"
"Okay fine, sige ihatid mo ako"
"Ayan ah, wait ka lang dyan, kukunin ko lang ang kotse ko, dyan ka lang, wag kang aalis"
Natawa si Sarah "Oo na, bilisan mo Aldrina masakit na ang mga paa ko, gusto ko na maghubad ng shoes"
"Eto na nga" sabay talikod ni Aldrin, tuwang tuwa siya dahil pumayag si Sarah na maihatid niya, ibig sabihin magkakasama pa sila ng ilang oras, miss na miss na talaga niya ang babaita niya, maya maya ay huminto ang kotse ni Aldrin sa harapan ni Sarah, bumaba pa si Aldrin para pagbuksan ng pinto si Sarah
"Nax, may paganun ka pa ah, gentleman ang peg"
"Sayang naman ang attire mo kung hindi kita pagbubuksan ng pinto Princess Sarah"
"Okay thank you" ani ni Sarah at sumakay na sa kotse, ilang saglit lang ay si Aldrin naman ang nakasakay, abot tenga talaga ang ngiti nito "Ang saya saya mo ah?"
"Siyempre, kasama kita eh"
"Wow ah"
"Bakit? Parang hindi mo talaga ako na miss ah"
Napatingin si Sarah kay Aldrin, ang totoo miss na miss na niya si Aldrin pero kailangan na niyang kalimutan ang damdamin para dito "Hmmm, medyo"
"Wow, at least kahit medyo namiss mo ako, coffee tayo?"
"Nang ganito ang suot?"
"Eh ano naman?"
"Ayoko"
"Bukas na lang"
"Bukas? Hmmm, anong oras?"
"Morning, catch up naman tayo"
"Okay pero libre mo ako"
"Yan na nga bang sinasabi ko eh"
"Okay wag na lang"
Nakangiting tumingin si Aldrin kay Sarah "Susunduin kita ng 8am"
"Totoo?"
"Oo nga, sige na ako na ang bahala"
"Okay"
"Kaya lang baka magalit boyfriend mo"
"Boyfriend?"
"Diba siya yung dapat na kadate mo?"
"Ahh, h-hindi yun, understanding yun saka hindi siya seloso"
"Talaga?"
"Oo, hindi naman siya seloso, baka yung girlfriend mo ang magalit"
"Hindi rin yun"
"Talaga?"
"Hindi rin siya selosa, at saka kilala ka naman nun"
"Ahh, talaga lang ah, siniraan mo na siguro ako sa kanya"
"Uy grabe siya, hindi ah, pag nameet mo yun magkakasundo kayo"
"G-Good"
Maya maya ay nasa apartment na sila ni Sarah, pinapasok naman muna ni Sarah si Aldrin sa loob
"Upo ka muna Aldrina"
Sumalampak naman ng upo si Aldrin "Pakape naman"
"Oo sige, wait lang" nagpunta si Sarah sa kusina at kumuha ng kape, dinala niya ito sa sala at hinayaan niyang si Aldrin ang magtimpla "Aldrina, dyan ka lang ahh, magpefreshen up lang ako, saglit lang"
"Okay sige take your time"
Pumasok naman na si Sarah sa loob ng kwarto niya at naglinis ng katawan saka nagbihis ng pajama at tshirt, maya maya ay lumabas na siya sa sala nang nakita niyang nakaidlip si Aldrin sa sofa habang nakaupo, tinabihan niya ito at tinitigan
"I miss you Aldrin, I miss you so much" bulong ni Sarah, gustong gusto na niyang haplusin ito sa pisngi "Ang gwapo pa rin ni Aldrina" sabay palumbaba at tinitigan lang niya si Aldrin, maya maya ay unti unting gumalaw si Aldrin, biglang umayos ng upo si Sarah
"Uy, kanina ka pa dyan? Pasensiya na nakatulog ako"
"Okay lang, mukhang napagod ka"
"Umaga pa lang kasi magkasama na kami ni Matteo, aligaga kasi siya sa kasal"
"Ako rin umaga pa lang magkasama na kami ni Leina, hindi rin siya mapakali, kasama pa namin ang mga bata"
"Mga batang makukulit" natatawang ani ni Aldrin
"Oo nga eh, pero nakakaaliw sila"
"Oo naman, nakakatuwa, kung ano ano ang nalalaman" ani ni Matt "O paano? Daanan kita bukas ng 8am?"
"Sige aantayin kita, sa monday kasi may pasok na ako"
"Dun ka pa rin ba sa dati nating opisina?"
"Oo dun pa rin, eh ikaw? Mula nang manggaling tayo sa Pangasinan nagresign ka na rin"
"Kasi ikaw inaway mo ako kaya ako nagresign" ngingiti ngiting ani ni Aldrin
"Ay sobra talaga siya sa akin"
"Hindi, joke lang, eh actually bago tayo magpunta sa Pangasinan, magreresign na rin talaga ako nun, kasi sososyo na ako sa negosyo ni Matt"
"So magkasosyo kayo ngayon?"
"Oo, hindi mo alam?"
"Hindi eh, hindi naman nabanggit ni Leina sa akin" ani ni Sarah, pero ang totoo sinabi yun ni Leina sa kanya kaya lang sinabihan niya rin ito na ayaw niya munang makibalita kay Aldrin hanggat maaari
"Ganun?"
"O, ano? Uwi ka na ba?"
"Pinapaalis mo na ako?"
"Hindi ah, sige dito ka muna"
"Hindi na, uuwi na rin ako para makabawi na ako ng lakas, para bukas fully charge ako sa catch up natin"
"Mukhang marami kang baon na pambubully bukas ah, mukhang marami kang naimbak na pang-aasar sa baul mo"
"Loka, hindi naman masyado" natatawang ani ni Aldrin
"Naku po" natatawa ring sagot ni Sarah
"O paano una na ako" ani ni Aldrin sabay tayo, tumayo rin si Sarah
"O sige, ingat ka pag-uwi" ani ni Sarah habang naglalakad sila papuntang main door
"Same number?" ani ni Aldrin
"Yes"
"Very good Princess Sarah, bye"
"Bye, take care"
"Ikaw rin, mag-isa ka lang dito"
"Kaya ko naman"
"Asan na pala ang asawa ng Kuya mo?"
"Umuwi na sa probinsya, dun daw muna siya, buntis kasi, natatakot, ano namang magagawa ko diba? Kasi siyempre malay ko naman sa pagbubuntis"
"Ahh, kaya lang naiwan kang mag-isa"
"Okay lang, carry lang"
Parang hindi naman makampante si Aldrin pero wala rin naman siyang magagawa "O sige lock mo na yang pinto mo"
"Sige na umalis ka na"
"Hindi, ilock mo na ang pinto mo, dali na please, saka ako aalis"
"Okay bye"
"Bye" at sinara na ni Sarah ang pintuan niya, maya maya ay narinig niyang paalis na ang sasakyan ni Aldrin, pinatay na niya ang ilaw sa sala at pumasok na sa kwarto niya, naalala niya si Aldrin, parang naging sweet naman ito sa kanya, o naisip niya baka namimisinterpret niya lang si Aldrin at ayaw niyang mag assume dahil siguradong masasaktan nanaman siya.