Tumayo si Atong sa may dulo ng hagdan sa second floor habang nasa may pintuan naman sina Aldrin, Redford at Patricia "Kamusta kayo?" ani ni Atong "Nasaan ang asawa ko?" ani ni Aldrin, siya namang labas ng tauhan kasama si Sarah, nanlaki ang mata ni Aldrin nang makita ang asawa "Bebear" bulong na ani nito "Aldrin" iyak na ani ni Sarah "Bebear tulungan mo ako" Pasugod na sana si Aldrin pero hinarang siya ng baril ng isang tauhan ni Atong "Wag ka nang magtangka Aldrin, wag kang mag-alala makakasama mo rin ang misis mo, pagkatapos ko siyang pagsawaan okay?" "Hayop ka Atong, pakawalan mo na si Sarah at Aldrin, wala silang kasalanan sayo" ani ni Patricia "Ako na lang ang parusahan mo" "Hoy tumigil ka, traydor! Pagkatapos kitang iligtas sa mga Alcantra ito ang igaganti mo sa akin" "Atong p

