Dumating sa ospital si Lola Consuelo at isang Yaya nang tumawag si Aldrin sa kanila at sinabing hindi pa bumabalik si Sarah "La, dito po muna kayo, hahanapin ko lang si Sarah" "O sige, mag-iingat ka, tinatry rin namin na tawagan ang asawa mo hindi rin talaga makontak" "Kaya nga po, nag-aalala na ako, sabi ko kasi ako na lang ang bababa para bumili ng diaper at sabon, siya na lang daw, baka may makita pa siya na kakailanganin namin" "Eh saan naman kaya yun napunta?" "Hindi ko alam, baka nahimatay nanaman yun at wala nang mabuting taong tumulong" "Hindi kaya nakuha siya ni Atong?" "Wag naman sana La, Diyos ko, hindi ko alam ang gagawin ko La, baka maging kriminal ako" "Sorry, hindi ko na dapat sinabi, sige na gawin mo na ang gagawin mo apo" "Sige po La, kayo muna dito" ani ni Aldrin

