"Kailangan natin makahanap ng pansamantalang malilipatan" ani ni Lola Consuelo habang nag-aalmusal "Ma" ani ni Redford "Tumawag ang HOA President, nakatakas sina Atong, walang nagawa ang mga guard sa main gate nang lumabas sila" "Hindi pa rin tayo ligtas" "Kamusta ang mansion?" ani ni Aldrin sa tiyuhin "Hindi sila nakapasok sa mansion, nang makita nilang armado ang mga tao sa labas, tumawag ang guard natin sa main gate guard at sila ang tumawag sa mga pulis, pero hindi rin sila nasundan, naghiwahiwalay rin ang mga sasakyan" "Wag na kayong mag-alala, kakausapin ko si Major De Leon" ani ni Lola Consuelo "Sure ka Ma?" ani ni Redford "May tiwala ako sa kanya, matagal na namin siyang kilala ng Papa mo, hindi ko lang siya kinontak nuon dahil nga ang sabi niyo baka may police protector si

