Umuwi si Redford sa mansion ni Atong at sinalubong siya ni Patricia nung papasok na siya sa pinto "Anong balita?" ani ni Patricia "W-Wala na si Atong, kasama siya sa bumagsak na eroplano" ani ni Redford, biglang yumakap si Patricia sa lalaki at mangiyak ngiyak "Malaya na ako Red, malayo na ako" bulong nito, hindi naman gumanti ng yakap si Redford pero hindi niya rin mailayo si Patricia sa kanya, mahal niya pa rin si Patricia kahit anong ginawa nito, humarap naman ang babae sa kanya "Malaya na ako" sabay haplos sa pisngi ni Red "Malaya na tayo, pwede na tayong magsama ulit" dun lang lumayo si Redford kay Patricia hindi siya nagsasalita at umalis na, pumasok siya sa kwarto niya, sinundan lamang siya ng tingin ni Patricia Pag pasok sa kwarto ay naupo si Redford sa gilid ng kama at tinext

