Lumipas pa ang mga araw, hindi pa nakakauwi si Atong, hindi rin nagkikita sina Patricia at Redford, umiiwas rin kasi si Redford na makita ang dating asawa, baka hindi na niya ito matiis at bumigay siya. Sa mansion naman ng mga Alcantara, katatapos lang nilang mag hapunan nang magtanong si Lola Consuelo kay Aldrin "Aldrin, kamusta na ang Tito mo?" "Hindi pa po ulit siya nagtetext" "Ano na kayang nangyari sa kanya" "La, wag kayong mag-alala kay Tito" "Anak ko yun, natural na alalahanin ko" taas boses na sagot ni Lola Consuelo, napatingin naman ang lahat sa kanya "P-pasensiya na, pasensiya na talaga, nag-aalala lang talaga ako kay Redford" Hinawakan naman ni Aldrin ang kamay ng lola niya "La, hindi ko po talaga alam ang sasabihin ko sa inyo, pasensiya na po" "Sorry apo, hindi a

