Nagpunta nga sina Atong at Redford sa pasugalan, lahat halos ng pasikot sikot dito ay tinuro na ni Atong kay Redford, pinakita niya rin dito ang lahat ng mga protectors nila, nagulat si Redford dahil malalaking tao pala ang protector ng pasugalan ni Atong, lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala para sa pamilya niya, halos madaling araw na nang bumalik si Redford sa mansion, ipinahatid na lamang siya ni Atong dahil nagpaiwan ito sa pasugalan, papasok na sana si Redford sa kwarto niya nang may tumawag sa kanya "Red" ani ni Patricia Nilingon naman ni Redford ang babae "Bakit?" Nilapitan siya ni Patricia "Anong balak mo?" "Anong pinagsasabi mo?" "Alam ko may plano kang iba" "Kung ano ang sinabi ko sa asawa mo, yun na yun" "Ikaw ang asawa ko" "Sa papel na lang yun Patricia" "Hindi ako na

