“Tama na, Mr. Zorola dahil laro lang ‘yan,” saway ni Professor Rowan na mabilis lumapit sa amin at inawat si Favien. “Parang hindi laro ang halik na ‘yon ni Professor Orzon, Sir Rowan. Dahil parang totoong–totoo. The way na humalik siya kay Vivoree ay may ibig sabihin, hanggang sa pagsabi niya ng ‘I LOVE YOU, MAHAL,” gagad ni Favien. Umupo naman si Orzon sa kinauupuhan niya at napailing na lang siya sa inakto ni Favien. “Inutusan mo ‘ko, Mr. Zorola na halikan at sabihan ng ‘I LOVE YOU’ ang isa sa mga babaeng napili ko rito. I only did what you asked because it was just a game,” depensa naman ni Otzon. “Ang alam ko kasing hahalikan mo ay si Ma’am Conie dahil may gusto siya sa ‘yo. Kaya, malay ko ba ‘di ba na mas gusto mo palang halikan ang mas bata at estudyante mo,” maawtoridad n

