“Ba’t magkasama kayo ng professor mo na ‘yan, Vivoree?” matigas na tanong sa akin ni Tita Amely. “Ma–Magandang gabi ho sa inyo, Tita Amely, Tito Favio,” ngiti na bati ko sa mga ito, subalit matalim ang iginawad nilang tingin sa akin. “Have a great evening to you, Sir and Ma’am Zorola,” ngiti na bati rin ni Orzon, pero hindi siya nginitihan ng mga ito. “Walang great sa gabing ito dahil nakita namin kayong magkasama,” asik ni Tito Favio kay Orzon. “At ikaw, Vivoree, ang tanong ni Tita Amely mo ang sagutin mo. Ba’t magkasama kayong dalawa ng professor mo?” maawtoridad na saad ni Tito Favio sa akin, dahilan upang magkatinginan kami ni Orzon. “Nagkasalubong lang ho kami ni Sir Orzon dito sa mall, Tito Favio,” tipid na sagot ko. “Nagkasalubong? Nagkasalubong, pero magkasama kayo at saan

