Chapter 57: LARAWAN

1416 Words

ORZON’S POV “Mahal, ang sabi ko, sa ‘yo ay magpakasal na tayo,” pag–uulit ko, pero hindi agad siya nakasagot. “Hindi ka pa ba sigurado sa akin dahil ayaw mo pang magpakasal?” muling tanong ko. Pagak siyang ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko, kaya dinama ko ito. “Gusto ko, siyempre. Pero, pa’no kapag nalaman ni daddy?” “Hindi natin sasabihin, Mahal. Hindi na rin siguro natin kailangan ng consent nila dahil eighteen ka na,” pahayag ko. “Kailangan pa rin ng pirma nila, Mahal ko,” sambit niya, kaya naman napabuntong–hininga ako dahil iyon ang totoo. “Kung gano’n ay magtitiis muna ako kung kailan mo gusto. Pero, pa’no kung ikasal ka na kay Favien? Pa’no na tayo ?” tanong ko, ngunit umiling siya sa akin. “Tayo pa rin ba, ha? Ipagpatutuloy pa ba natin ang relasyon natin?” mulin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD