Nagising si Janna dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa labas na tumatagos sa bintanang malapit sa veranda. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Then she realized something. Nasa silid siya ni Rayden! Agad siyang napabalikwas nang bangon. Her blanket slip down. She still naked. Wala na rin si Rayden sa kanyang tabi. Tinignan niya ang orasan na nasa gilid ng kama. 8 AM. Lumaki ang kanyang mata! Kailangan pa niyang magluto ng agahan para sa kanyang boss kung hindi ay magagalit na naman ito sa kanya! Mabilis siyang tumayo at hinanap ang kanyang mga damit. Agad niya itong sinuot at lumabas ng silid. Halos kumaripas siya nang takbo pababa ng hagdanan. "Manang Goreng. Nasaan po si Sir Rayden? Kailangan ko pang magluto ng almusal niya." "Nagulat naman ako sa'yong bata ka!

