"Saan niyo dadalhin ang mga gamit ko Letecia?" "Ma'am narito na po pala kayo. Pinalilipat po ni Sir Rayden sa kwarto niya ang mga gamit mo." "Letecia, ako 'to. Bakit mo ako tinatawag na, Ma'am?" Didiretso sana si Jannaya sa kanyang silid upang magpalit lang ng damit at magsisimula ng tumulong maglinis ng Mansion. Ngunit ang kanyang naabutan ay si Letecia kasama ang iba pang manggagawa na bitbit ang kanyang mga gamit. "Hindi mo naman sinabi sa akin na asawa ka pala ni Sir Rayden. Nakakahiya tuloy na sobrang kaswal ng tawag ko sa'yo." "Sinabi ba sa'yo ni Manang Goreng?" "Hindi po ma'am. Kanina pagtawag ni sir ay sabi niyang ilagay ang mga gamit ng kanyang asawa sa kwarto. Tinanong ko nga po kung sinong asawa. Akala ko pa nga'y may namamagitan na kay Manang Goreng at kay Sir Rayde

