ANG KAGULUHAN sa kalooban ni Melanie ay napalitan ng inis isang linggo na ang nakalipas. Naiinis na siya sa mga nararamdaman niya lalo na at wala pa rin talaga siyang naririnig sa dalawa. She misses Augustus terribly and that was pisses her off about him. Ganoon pa man, kaiba naman iyon ng nararamdaman niya sa nobyo. Wala siyang pakialam kung hindi man siya pansinin ng nobyo. Alam naman niya na maayos ito dahil kapag nagbubukas siya ng f*******: niya ay nakikita niyang online ito. Pero ang hindi nito pansinin ang tungkol sa mga mensahe niya tungkol sa kailangan ng business nila sa business ng mga ito, iyon ang ikinaiinis niya. Parehong supplier ng produce foods supermarket sa Maynila ang mga Hacienda nila. Dahil graduate siya ng Agriculture, ang pamamahala ng Hacienda nila an

