I NEED YOU... Kanina pa ginugulo ng mensahe na iyon ni Melanie si Augustus. Ganoon pa man, kaggaya ng naggawa niya nang nakalipas na linggo, pinilit niyang balewalain iyon. Kahit hindi naman siya abala dahil nasa children party lang siya ngayon, ayaw niyang sayangin pa ang oras para dito. Pinili niyang mag-focus sa kasiyahan na nasa paligid niya. Seventh birthday ng anak ni Nikos na si Nicollo at bilang kaibigan nito ay um-attend siya. Nasa Pilipinas pa rin naman siya at ang maganda ngayon ay lahat silang anim ay magkakasama. Nasa Pilipinas rin sina Cedric at Vincent. Rare moment iyon kaya sa tingin niya ay mas magandang bigyan niya ng halaga muna iyon kaysa sa babaeng pinipilit niyang iwasan. "Tito Augustus, are you okay?" time to time ay natutulala si Augustus sa pag-aalala

