NANGINGINIG na si Melanie. Inabot na siya ng malakas na ulan sa waiting shed kung saan siya dinala ng mga paa niya. Dahil wala pa rin siya sa sarili kahit nakaabot na siya ng Maynila, basta na lang din siya sumakay ng jeep at bumaba sa kung saan. Litong-lito pa rin siya kahit na ba naggawa na niyang bigyan ng voice mail si Augustus at nasagot rin ang tawag nito. Ano ba ang mali sa kanya? Frigid ba talaga siya? Passionless? Inaalala niya ang pagsasama nila noon nang dating nobyo na si Anthony. Inalala niya kung kaggaya ni Vince ay ganoon rin ang tingin nito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya nang maalalang magkaiba ang ugali ng mga ito. Vince was wild while Anthony was tamed. Naalala niyang madalas na pinagkukumpara niya ito kay Augustus. Pareho kasing mabait ang mga ito

