Hindi maiwasang itago ni Santiara ang mukha kay Maximir. Magkaharap sila kaya nailang siya rito. “Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, don't you like the food? Sabihan mo lang ako, at orderan kita ng iba,” sambit ni Maximir na nagpagising sa lumalakbay niyang diwa. She smiled, “Ayos lang,” aniya saka tinusukan ng tinidor ang beef steak na inorder niya. “Okay! Dali na, kumain ka na. Dahil kung ayaw mo, susubuan talaga kita,” pagbibirong sabi ni Maximir bagay na ikinatawa niya nang mahina. Tahimik lamang siyang kumakain sa mga sandaling iyon nang hindi sinadyang magtama ang kanilang mga mata ng lalaking nasa bandang kaliwa nila. Nakatutok sa kaniya ang mga mata nitong tila nagliliyab dahil sa sobrang talim nun. Napalunok si Santiara at kaagad na iniwas ang paningin. Ngunit ramdam niya an

