CHAPTER 1
Vibrate mula sa kanyang telepono ang nagpagising kay Lancelotte. Napamulat siya nang bahagya ngunit kaagad ding napapikit dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha mula sa bintana. Akmang aabutin na niya ang telepono nang tumigil ito sa pagtunog.
Napaupo na lamang siya sa kinahihigaan habang hinihilot ang sentido. Ramdam pa niya ang hang-over kagabi. Naparami siya ng inom. Kaarawan ni Jacob, ang taong pinagkakautangan niya ng buhay.
He undergone from a heart transplant before and Jacob was his donor. Jacob died from a car accident at sinisisi niya ang girlfriend nito. Unfortunately, nobody knows who she is.
Lance promised in Jacob’s grave,
na hahanapin niya ang babae upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jacob.
Pinagmasdan niya ang babeng nakasama magdamag. Hindi ito gaya ng mga babaeng nagtatrabaho sa club.
They’re both without companion that night, kaya nilapitan niya ito. May sinasabi sa buhay ang babae dahil, may sasakyan din ito na iniwan nilang naka-park sa pinanggalingang bar. Kotse niya ang gamit nila papunta sa kasalukuyang hotel.
Subalit, hindi si Lancelotte ang tipong nagpapatali sa babae. Hindi lamang isa, kundi higit pa ang nakakasama niya, pero bukod tangi itong kasama ngayon ang hindi niya nakontrol na angkinin. Hindi siya playboy. Ngunit, kinakailangan niyang mapalapit sa mga babae para matupad ang pangakong binitiwan kay Jacob.
Ayaw ni Lancelotte ng commitment, kaya walang ingat siyang tumayo at nagbihis. Nag-iwan siya ng pera sa side table bago tuluyang lumabas ng silid. Dire-diretso siya sa parking lot ng hotel at kaagad na nakita ang sasakyang nakaparada sa ‘di kalayuan.
Nagmamaneho na siya palabas ng hotel nang muling tumunog ang kanyang telepono. Bahagya niyang nailayo ang telepono sa tainga nang marinig ang sermon ng Iza.
Merliza ang buong pangalan ni Iza at nag-iisang kapatid ni Jacob. Mula nang maka-recover sa heart transplant, inampon siya ni Mr. Jones Smith, ang Daddy nina Jacob at Merliza kahit papaano ay buhay pa rin si Jacob sa mata nila since na sa kanya niya ang puso ni Jacob. Hindi na rin siya iba sa mga ito. Kasambahay ng pamilya ang ina niya noong nabubuhay pa ito. At kapatid na rin ang turing ni Lancelotte kay Merliza pero tila asawa kung sermonan siya nito.
“Where have you been? Hindi ka umuwi kagabi. You make us worried again!” bulyaw ni Iza.
“Relax, Iza. Pauwi na ako,” nakangisi niyang sambit.
“Gosh! Lancelotte! Don’t tell me na may kasama ka namang babae? Baka mamaya niyan magka-aids ka sa ginagawa mong kalokohan!”
“Don’t worry about me. I’ll hang up on this now! I’m driving!” naiiling na ini-off ni Lancelotte ang telepono. Batid niyang hindi siya titigilan ni Iza pag-uwi lalo na at narinig niya ang pagbuntonghininga nito.
Hindi sa bahay tumuloy si Lancelotte kundi sa mismong opisina niya dahil sa biglaang meeting nito with investors. Tumuloy muna siya sa penthouse upang maligo since inihanda talaga niya iyon na kompleto, in case of emergency gaya ngayon. Ilang sandali ang lumipas ay nasa harapan na siya ng mga investor.
Nakatupi hanggang siko ni Lancelotte ang kanyang suot na puting long sleeve. Malawak ang ngiting pinakawalan niya habang nakikipagkamay sa mga investors. Nais ng mga kaharap na mag-invest sa kanilang wine business. Tango at ngiti ang nakukuhang tugon ni Lancelotte habang nakikinig sa kanyang presentation. Kompiyansa siya na makukuha niya ang tiwala ng mga bisita.
Hindi nabigo si Lancelotte dahil matapos ang mahabang paliwanag ay palakpak ang isinalubong sa kanya ng mga investor. Senyales na nakuha niya ang tiwala ng mga ito. Kanya-kanyang kamayan at pagbati matapos magkasundo at magkapirmahan. Hindi biro ang naisara niyang deal. Ilang milyong halaga rin ang muling naiakyat niya sa kompanya.
Nang tuluyang makaalis ang mga ka-meeting, bumalik sa kanyang opisina si Lancelotte. Naupo sa swivel chair at isinandal nang bahagya ang ulo sa headrest ng upuan. Bumuntonghininga siya saka nilaro-laro sa kaniyang kamay ang itim na ballpen bago siya nagpasyang tumayo. Dinampot niya ang kanyang navy blue coat na nakasabit sa isang stool.
Lumabas siya sa kanyang opisina na hindi man lang naisipang ngitian ang mga empleyado. Sa bawat paghakbang niya ay napapasunod ng tingin ang mga babaeng employee na halos lumuwa ang mata ng mga ito sa angking kaguwapuhan niya. Kahit ang kilala at tanyag na CGN Magazine ay nagbigay ng kontrata para kunin siyang indorser subalit, umayaw siya.
He looks like a Greek God and with his charms that nobody can resist.
Nahinto sa kalagitnaan si Lancelotte nang mapansin at marinig niyang kinikilig ang mga empleyado sa kanyang presensiya. Good mood naman siya kaya nilingon niya ang mga ito saka nginitian ng ubod nang tamis. Natatawang tumalikod siyang muli at ipinapagpatuloy ang paglabas sa opisina. Hindi pa man siya nakakalayo nang marinig niya ang tilian at sigawan ng mga naiwang empleyado sa loob.
“You look great today, Mr. Smith!” anang bodyguard driver niya matapos sumulpot sa kung saang lupalop at mabilis na sumabay sa kanyang paghakbang.
Tipid na ngiti lamang ang kaniyang pinakawalan at saglit na tinapunan ng tingin ang matandang lalaking nakasunod sa kanya. Sanay na sa kanya ang matanda at hinahayaan na lamang siya nito sa kanyang pagiging tahimik, kung kaya’t hindi na siya kinukulit pa nito. Mas pinagbubutihan na lamang ng matanda ang pag-alalay sa kanya.
Tuloy-tuloy sila palabas ng lobby na kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Si Mang Asero ang nagmaneho habang sa backseat naupo si Lancelotte. Si Mang Asero ang kanyang driver at bodyguard na rin. At minsan parang ama na rin ito dahil komportable siya rito kahit pabiro kung siya ay sermunan.
“Ang hirap maging seryoso, parang tatanda akong lalo,” biro ng matanda bagay na ikina-smirk na lamang ni Lancelotte.
Palipat-lipat ang tingin ni Lancelotte sa kaniyang suot na relo. Bakas na bakas ang pagkainip. Nakaramdam na siya ng gutom. Alak lang ang natatandaan niyang laman ng sikmura mula kagabi.
“Anong gusto ninyong kainin ngayon, Mister Asero? Bigla akong nagutom kaya kakain tayo sa paborito kong restaurant,” saad niya sa kasama na abala sa pagmamaneho.
Bahagyang sumulyap si Mister Asero sa suot na relo at matamis na ngumiti. Kanina na rin kumakalam ang sikmura nito at mabuti na lamang ay naisipan ng binata na kumain.
“Tamang-tama! Kanina na rin ako nagugutom kaya kakain ako ng paborito kong chicken curry at kalderetang kambing,” nakangiting sagot nito.
Napangiwi nang bahagya si Lancelotte saka napailing. Gusto niyang matawa ngunit, nandoon ang kanyang pagpipigil kung kaya’t isang pagtikhim na lamang ang ginawa niya bagay na ikinalingon sa kanya ng matanda.
“Masarap iyon at nakakatakam, minsan. . . subukan mo rin,” pagpapatuloy ni Mister Asero.
“Hindi ako mapili pagdating sa pagkain, Mister Asero. Sadyang hindi ko lang gusto ang lasa ng sinasabi mong kalderetang kambing, kaya ikaw na lang ang kakain sa gusto mong putahe. Iyon nga, sa daanan ang mata. . . mukhang kanina pa may nakasunod sa ’tin,” seryosong naisaad ni Lancelotte.
Napansin iyon ni Mister Asero na may dalawang sasakyang kulay itim na nakasunod at mukhang sila nga ang sinusundan ng mga ito. Pumatak hanggang sinto-otsenta kilometro ang takbo ng sasakyan subalit kung paano pinabibilis ni Mister Asero ang pagpapatakbo sa sasakyan ay ganoon din kabilis ang nakasunod sa kanila.
Sinulyapan nito si Lancelotte subalit nakapikit lamang ang mga mata nito at kalmadong naka-cross arms. Hindi makikitaan ng takot man lang o pagkabahala sa maaaring mangyari. Napabuntong-hininga ang matanda at napapailing na lamang hanggang sa tuluyang nawala sa kanilang paningin ang nakasunod na sasakyan.